KABANATA I
KATANUNGAN
KULAY GATAS ang kalangitan. Namumugto na ang kalangitan kahit hindi pa nito nailuluha ang ulan para sa hapon na iyon. Sapagkat ang hapon na iyon ay katulad ng mga naunang hapon. May mga tao kasi sa parke. Ang katahimikan na matagal na sanang nagpapanatag sa mga rallyista ay manaka-nakang binabasag ng mga motoristang dumadaan. Hinahaluan pa ito ng pagtunog ng mga testing sa mga kagamitan na malapit sa tabi ng konkretong entablado; mikropono, electric guitar, vcd player. Hindi pansin ng mga nagsipaghanda ang malumay na pagdampi ng malamig na hangin sa kanilang mga balat. Siguro’y dahil na ito sa pagkababad sa sikat ng araw. May ilang nag-eensanyo ng interpretative dance. Sa baba ng stage nakahanda na ang mga kawayan na may nakakabit na mga bandera; pula at itim, may berde, asul at puti. Streamers na mas lalong naghuhumiyaw, effigy ng isang taong naging enkarnasyon ng pagkamuhi ng karaniwang tao at sangkaterbang exposition, nakasulat at kabisado, na mas maanghang pa sa pinaka-maanghang na bicol express.
Sa gitna ng mga pagkaabala’t paghahanda, sa gitna ng Peñaranda Park, may dalawang nilalang na nakatayo. Hindi nila pansin ang mga tunog na sumusundot sa katahimikan na namamagitan sa kanila. Mas mabagal ng kaunti ang kanilang oras kumpara sa naghihintay na mga aktibista na nasa stage at nasa ibaba nito.
Hindi alam ng lalake kung bakit siya nandoon sa oras na iyon. Alam ng babae kung bakit.
Kasingputi ng blankong canvass ang hapon at mapusyaw ang timpla ng anino sa ilalim ng kanilang mga paa. Hindi alam ni Remi kung saan siya nakayapak. May kalaliman ng kaunti ang kanyang paghinga; mabagal at pilit na itinatago ang hindi maitagong kaba nang tanungin siya ni Gabrielle ng ‘kumusta?’
Namanhid ang mga ugat sa likod ng dila ni Remi. Kanina niya pa pinagmamasdan si Gabrielle. Sa kanyang pagkakatayo, ang bibig niya’y saktong tumatama sa noo ni Gabrielle. May hawig sa sampaguita at mumurahing cologne ang bango nito. Madaling iguhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang mapagmatyag na mga mata na kulay brown ay gumagawa ng ingay sa puso ni Remi. Madalas iwasan ng tingin ang dibdib nito baka kung ano ang isipin niya sa kanya. Hinawi ni Remi ang buhok na tumatakip sa masayahing mukha ni Gabrielle; na syang ginawa niyang sagot sa pangungumusta nito.
Maya-maya pa’y namalayan na lang ni Remi na hawak niya pala ang kamay ni Gabrielle nang hilain siya na nito papunta ng stage.
‘Tara. Magsisimula na.’ Sabi ni Gabrielle.
Doon pa lang naramdaman ni Remi ang sarili. Malambot ang binigay na kalinga ng kamay ni Gabrielle kay Remi—hindi niya kasi alam kung bakit.
Pinagmamasdan niya si Gabrielle habang papaakyat ito sa likod ng stage. Kinausap nito ang lalake. Binigyan siya ng papel at naghintay sa likod kung saan nandoon ang mga iba’t ibang kagamitan para sa programa. Magsisimula na ang kung anuman iyon sabi ni Remi sa sarili nang magsalita na ang lalake.
Marahang umalingawngaw ang boses nito sa kalakhan ng quadrangle. Namatay ang mga maninipis na bulung-bulungan ng karamihan. Mga estudyante, mga manggagawa, ilang alagad ng sining—musika, sayaw at tula—at mangilan-ilang galing sa sektor ng simbahan ang bumubuo sa makapal na kalipunan. Tuluyan ng nakinig at nagbigay atensyon ang mga manonood. Parang tinuping papel na nagpahunod sa boses na isinasaboses ang dahilan nila.
Pinagmamasdan pa rin ni Remi si Gabrielle na nasa gilid ng stage. Katabi ni Remi sa baba ng stage ang isang reporter ng isang sikat na istasyon sa TV, kinakabisa at hinahanap ang saysay ng mga tinatala niya sa tickler notebook. May ilang miron na nakasandal sa puno at ang iba’y nakatayo. Dumating na rin ang isang grupo ng mga kalalakihan na kinabibilangan ng isang pari, sinundan pa ito ng ilan. Tinungo ng grupong ito ang mga upuan na nasa harapan. Nagbigay galang si Labrador, ang lalakeng kausap ni Gabrielle kanina, na siyang emcee sa sandaling iyon. Patuloy pa rin ang mga mumunting komosyon ng mga ilan na naniniwalang sila na ang susunod.
Si Labrador ay isang tipikal na tao sa kung anumang kategoryang ibig sabihin ng depinisyon sa kanya. Buo, kampante at may kakaibang karisma ang boses nya na mas lalong nabigyan pa ng kapangyarihan hindi dahil sa amplification na binibigay ng mikropono at speaker, kungdi hindi sa sitwasyon na kinatitirikan ng pagkatao niya sa oras na iyon. Nasa late 20’s na si Labrador, may tikas ang tindig, at ang bawat galaw ay may bahid ng puwersa ng kabataan. Malayo ang naaabot ng kanyang titig, bagay na nagbubulgar sa kanyang pananaw na hindi katulad sa mga biktima ng pagkabulag. Tantyado ang bawat bigkas at pagbitiw ng salita na sinasabayan ng paghagod ng tingin sa gabuhanging dami ng mga taong nagsipadalo’t nakikinig.
Halata sa pangangatawan ni Labrador ang buhay ng isang taong ikinabubuhay ang mabibigat na trabahong pisikal. Hindi maikukubli ang panunuot ng pamamayat sa makisig niyang pangangatawan. Sagana sa trabaho, kulang sa pagkain. Ang mukha niya’y kakikitaan ng pagiging beterano sa pananalita at pananalumpati. May halong reklamo, galit at muhi, pero panatag. Hindi balahura. Kung pakikinggang maigi ang sinasabi at papatulan ng malalim na kaisipan, malalaman at malalaman ang katotohanan kung bakit nagsasalita siya ngayon sa parke imbes na ipagpatuloy ang gawain na ngayo’y kinakaulila ng kabukiran.
Kinakalawang na ang mga araro. Ilang araro kaya ang kakalawangin sa hapon na iyon? Hindi alam ni Remi kung ilan, basta’t alam niya magsasalita rin si Gabrielle; upang tanggalin ang kalawang—kalawang ng lipunan.
Ilang lambat kaya ang nakabilad ngayon? Ilan kaya sa kanila ang makakauwi na walang punit ang katawan? Yaong hindi alam sapagkat mas maraming mangingisda ang nandito at nakikitang humihingi ng pakikiramay dahil sa isang halimaw na nagbabanta sa kanilang buhay at kabuhayan.
‘Nandito po tayo ngayon para tutulan at kondenahin ang Mining Act of Greed na siya ring nagiging sanhi kung bakit may isang mining corporation na kumikitil sa kabuhayan ng bawat mangingisda ng kabilang isla.
‘Ayon sa DENR…kung makakapasa sa 1200 hours test run ang korporasyon na ‘to ay ipagpapatuloy nito ang operasyon sa pagmimina. Alam naman po natin na ang 1200 hours test run ay pabalat-bunga lamang. Pakitang-tao para kumbinsihin ang publiko na pwede nga silang magmina at dumaan ito ng tamang proseso.
‘Opo. Sabihin po nating…nakapagcomply ang Leech International Mining Corporation sa mga requirements ng DENR at ipagpalagay din natin na nakapagbigay sila ng mga trabaho sa ilan nating mga kapatid na naninirahan malapit sa mining site, pero hindi po ito sapat para maging kompensasyon sa pagkasira ng ating kabundukan at karagatan.
‘Maraming mangingisda ang maghihirap. Huwag muna nating isali ang katotohanang marami na ang naaapektuhan ng spillage…marami na ang nagkakasakit. Ang mga isda galing sa karatig na lugar ng mining site ay hindi na binibili sa palengke. Nakakabuti ba ito sa mga kapatid nating mangingisda? HINDI!!’
Masigabong palakpakan ang isinukli ng mga nakikinig kay Labrador ngunit nakipag-agawan ng atensyon ang katahimikang idinulot ng maikling pagkaudlot.
Pati ang ilan sa mga naimbitahang magsalita ay nagbigay pugay din. Binasa-basa ng dila ni Labrador ang kanyang labi habang nakatingin sa kanyang paanan, ang kaliwang kamay nasa bulsa. Umatras sya ng kalahating hakbang at nagbuntong-hinga bago hinawakang muli ang mikropono.
Hindi gaanong nasagap ni Remi ang pagpapatuloy na pananalita ni Labrador. Naiilang na si Remi sa kanyang puwesto, sa gilid ng stage, dahil nakabilad siya sa isang libong mata. Pinili niyang pumunta na lang sa bandang likuran kung saan mas mataas ang vista. May mangilan-ngilan kasing kumukuha ng litrato. Ang ilan sa kanila’y mga estudyante—merong suot na press ID. Ang iba nama’y halatang documentation ang pakay ng kanilang mga digicam at videocam.
Nasa may gawing kaliwa pumuwesto sa Remi. Katabi niya’y mga estudyante at sa kanyang kinalalagyan para siyang dumudungaw sa mga bisitang naglalamay.
‘At ngayon po, ipakikilala ko po sa inyo ang bago nating speaker…’ saka pa lang ulit narinig ni Remi ang boses ni Labrador nang makita niyang si Gabrielle na ang magsasalita.
Walang reserbasyong nagpalakpakan uli ang mga tao. Katulad ng boses ni Labrador, kalkulado ang mga binibitawang salita ni Gabrielle. Mayroon din itong tonong nagsasabing sanay na siya sa gawaing ganoon. Ang kaibahan nga lang, ang boses ni Gabrielle ay may kakaibang timbre, aakalaling may tugma dahil sa saliw ng mapagkumbinsing pinuno—na nagsasalita. Halata sa mukha ng karamihang nakikinig ang pagpuri sa pagpapaubaya ng katahimikan.
Kawangis ni Gabrielle si Joan of Arc. Kumpleto sa baluti at kagamitang pandigma, at ang pagkakatayo niya sa harapan ay palatandaang patuloy pa ang digmaan o di kaya’y magsisimula pa ng isang digmaan. Digmaang nagaganap sa lansangan, sa bawat nilalang na umabot sa iba; digmaang pangkalahatan ngunit ilan lang ang nakikipaglaban.
Walang pakialam si Remi sa away ng mga ideya, konsepto at prinsipyo. Mga metapisikal na arsenal. Mas natutuon ang kanyang diwa na pilit dinudugtong ng agwat nilang dalawa ni Gabrielle.
‘Mas maganda ka sa malayo. Kung saan di ko pa batid ang iyong kahinaan at ang pangit na bahagi ng iyong katauhan. Sapagkat sa distansyang ito—ikaw ay mananatiling perpekto.’ ani Remi sa sarili.
Patapos na ang talumpati ni Gabrielle nang hanaping muli ni Remi ang kanyang sarili sa mga yapak na iniwan kanina kung saan silang dalawa nakatayo. Matigas, manhid at walang kakayahang umalala ang konkretong sahig ng parke. Wala itong binigay na giya kung saan naglakad si Remi. Hindi basta-basta naalala ang mga naiwan na bakas ng mga paa sa manhid na istruktura ng sistema.
Hindi pa rin alam ni Remi ang dahilan kung bakit siya nandoon ng hapon na iyon. Hindi niya alam kung para saan ang mga taong nag-iipon-ipon. Hindi niya matukoy ang rason. Isa lang ang alam niya; gusto niya si Gabrielle.

Labels: Digmaan
0 Comments:
Post a Comment
<< Home