.comment-link {margin-left:.6em;}

literary sketches

a collection of literary sketches

My Photo
Name:
Location: Tabaco City, Albay, Philippines

I am an eclectic cognitariat, a missionary on furlough trying to redeem himself.

Thursday, May 01, 2008

KABANATA VII

KABANATA VII

Social Science Class

Mainit na ang tama ng sikat ng araw nang magising si Eden. Nakakapuwing ang liwanag na pumupuslit sa siwang ng dingding at nakakabulag itong dumaraan sa bintana. Hinila ni Eden ang kumot para matakpan ang kanyang mukha. Gusto nya pang matulog at simutin ang natitirang dilim pero may pasok pa siya ng alas nuwebe.

Naupo siya at humikab, nagpahunod na lang sa sumbat ng obligasyon na kailangan niyang pumasok ng eskwela. Umunat siya ng parang pusa saka tumayo.

La-ga-bog!

Tumama ang kanyang ulo sa double deck at mistulang naging observatory ang loob ng kuwarto dahil sa mga stars na nakita niya dala ng pagkakauntog.

Pasipa-sipa siyang nakatagilid sa higaan. Sinasapo ang ulo dahil sa sobrang sakit na naramdaman. Pakagat-labing nagmumura. Nakalimutan nyang wala pala siya sa kuwarto nya ngayon. Ang ‘good morning’ ay pang-uyam sa sandaling iyon. Pagkatapos mahimasmasan, tumuloy na siya sa kanyang kuwarto pagkatapos niyang i-lock ang kuwarto ni Remi.

‘Ei, Liway; nakita mo ba si Lazarus?’ tanong ng isang estudyanteng babae na naka t-shirt. Billabong ang nakasulat sa kanyang t-shirt. Nakapalda siya lampas tuhod, may shoulder bag na mahaba ang straps, may sunglass sa ulo at may nakasabit na i-pod sa leeg.

‘Hindi eh.’ Marahang sagot ng babae nagngangalang Liwayway.

‘Shucks. Nakakahiya naman sa kanya.’

‘Ba’t ano bang nangyari?’

‘Wala naman. Kaya lang I promised him that I return the cd yesterday. Eh malay ko bang nasa rally sya. I was looking for him dito sa school til 5pm.’

‘Ah, ok.’ Sagot ni Liway. Pinipilit magpakita ng interes sa sinasabi ni Evangeline.

‘May number ka ba nya? One of the things I should’ve done nung hiniram sa kanya yung cd. Ang hirap niya kasing hagilapin.’

‘Nope. Ba’t hindi mo subukang hingin sa mga kaibigan niyang aktibista ang number nya.’

‘Nooh weey. Ba’t ko naman gagawin yun? Baka isipin nila feeling close kaagad ako sa kanila.’

‘Hihingin mo lang naman number nya. What’s wrong with that? Hehee—ikaw talaga, kung anu-ano ang iniisip mo.’ Pabirong tugon ni Liway habang itinabi ang notebook at ang librong binabasa sa bench na inuupuan niya. ‘Iniisip mo kaagad yun?’

‘Hindi naman gaano.’ Umupo ito sa tabi ni Liway. ‘It’s just that I don’t consider myself an acitvist yet.’

‘Masyado namang farfetch yang premise mo. Tatanungin mo lang naman ang number ni Lazarus. Hindi isyu kung isa sa kanila o hindi. Ask for his number for the convenience of communication and that’s all.’

Napabuntong-hininga si Vangie; sabay patong ng bag sa kanyang hita.

‘Unless…’ sabay ngiti ni Liway habang tinitigan sya.

‘Oh no. You’ve got it wrong, mali ang iniisip mo.’ Tanggi ni Vangie sa pangungusap na hindi pa tapos. Ngumiti si Liway at tiningnan siya na tila nagsasabing: ‘I know what you’re thinking.’ Medyo namula si Vangie.

‘Hehehee…’

‘Ano ka ba? Hindi naman talaga ganun yun eh.’

‘Kung hindi ganun yun ano yun?’

Tahimik si Vangie. Sa entrance ng lobby nakita niyang papasok si Eden. Nakita sila nito at sa kanila dumeretso.

‘Nice hat.’ Bati ni Evangeline kay Eden na nakasuot ng cap na katulad ni Che Guevarra.

‘Nice outfit.’ Sagot ni Eden. ‘Nandiyan na ba si Sir?’ sabay upo sa tabi ni Evangeline.

‘Wala pa sya.’ Sagot ni Liway.

‘9:00 am na di ba?’ tanong ulit ni Eden.

‘Yup. And we’ll have to wait for another 10 minutes. More or less.’

‘Haay.’ Ani ni Eden.

‘Vangie sigurado ka bang gusto mo talaga yang gagawin mo?’ tanong ni Liway habang tinitigan ang mukha ng kaibigan. Nakayuko si Evangeline.

‘I don’t know.’ Sagot niya na walang katiyakan. ‘I’m not really sure.’

Tiningnan siya ni Eden. ‘Ano ba yun?’

Nakabitin ang kanilang mga paa sa kanilang pagkakaupo. Isang dangkal mula sa konkretong sahig ng lobby. Sa likod ng sapatos ni Evangeline may nakasulat na ‘Swiss’. Tahimik sila. Twenty minutes after an hour. Patuloy pa rin ang trapiko ng estudyanteng dumaraan. Palabas at papasok ng kanilang klase.

‘Kaninong anghel kaya yun?’ sabi ni Eden.

Mapait na ngiti ang isinukli ni Evangeline. ‘Alam we are far luckier than others.’

‘I know.’ Sagot ni Liway.

‘And I want to do something about it.’

‘Andyan na si Sir.’

Tumingin si Liwayway sa kanyang relo. 9:17 am na. Halos 20 minutes ng late si Sir. Tumayo sila at pumasok na sa klasrum. Hindi na nila hinintay na mauna pa sa kanila ang titser. Respeto.

Pumuwesto sila sa pangatlong hanay ng mga upuan. Yun palagi ang puwesto nila, medyo malapit sa likuran. Si Liwayway malapit sa bintana, si Evangeline sa gitna at si Eden sa parte kung nasaan ang ibang lalake nilang kaeskwela na sa gitnang likuran kadalasan pumupuwesto.

Bagaman tinaguriang late comer ang titser nila sa Behavioral Science, bihira sa klase nila ang mag-absent. Ikanga ng mga senior students: ‘kung gusto mong ma-OP sa klase ni Sir, mag-absent ka lang kahit isang beses lang.’ Ang leksyon na dapat ituro niya sa tatlong meetings ay nadidiscuss niya sa loob ng isa’t kalahating oras. Walang paligoy-ligoy, at para maintindihan kaagad ng mga estudyante exam kaagad o graded recitation pagkatapos.

Magaling na titser sa madaling sabi.

Sa araw na ito, lahat ng estudyante ay kumpleto—sapagkat may graded recitation. Hindi siya nagche-check ng attendance. Hindi na raw sila high school students para obligahing pumasok ng eskwela. Hindi naman siya ang lugi kapag estudyante ang pumapalya. Simple lang ang kondisyon niya: pass the term exams, graded recitations, short quizzes and submit the requirements before/on the deadline. Wala na rin siyang pakialam kung umasta kang magaling basta’t kaya mo itong patunayan at kaya mo itong panindigan.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home