KABANATA X
PAGBABALIK NI LABRADOR
‘Kumusta na kaya si Inay?’ Ngayon na lang ulit nagkaroon ng boses ang katanungang ito kay Labrador. Ito ay kanyang naisip sa kalagitnaan ng pag-inom ng kape at paghithit ng yosi. ‘Matagal rin akong walang balita sa kanila.’
Mahaba ang naging araw nya dahil sa rally. Marahil na rin sa sobrang pagod ng katawan at kakaibang katahimikan ng isipan—na kasingtahimik ng paligid—gising pa siya.
…
Kinuha ni Labrador ang knapsack na kulay itim sa ilalim ng cabinet. Inalis niya ang mga laman nito at pinagpag ng mabuti. Sa cabinet kumuha siya ng ilang t-shirt, dalawang pantalon at underwear. Inihiwalay niya ito sa mga flyers, notebook, pentel pen, pin, stickers at ilang periodicals na madalas laman ng bag na ito.
Hindi na siya nagpaalam sa kanyang mga kasamahan. Mas sigurado ang kaligtasan kapag wala gaanong nakakaalam ng iyong gagawin. Walang katiting na ebidensyag magtuturo sa kanya na siya’y isang aktibista. Cellphone lang ang mag-uugnay sa kanya sa buhay na ganito.
Malayo ang tatahakin ni Labrador sa araw na iyon. Hindi na niya inisip na siya’y magugutuman sa biyahe. Ilang hunger strike na rin ang sinalihan niya.
Dumating si Labrador sa terminal. Malapit ng mapuno ang dyip. Sumakay na siya at hindi na tumambay pa sa labas para maghintay.
…
Maya-maya pa’y napuno na rin ang dyip at kaagad naman itong pinandar ng drayber. Sa pag-andar nito, sa siwang ng mga balikat at ulo ng mga pasahero nakita ni Labrador si Remi na pasakay na rin sa kabilang dyip.
Matahimik ang hapon nang makarating si Labrador sa pier.

Labels: Digmaan
0 Comments:
Post a Comment
<< Home