KABANATA XIII
Ang guro at ang dahilan ni Gabrielle
“Patriotism is the virtue of the vicious.” –Oscar Wilde
NATAGPUAN KO ANG SARILI na Noel ang aking pangalan. Nakakasilaw ang liwanag ng emergency room habang papalabas ako doong hinahanap si Gabrielle.
Sa hospital na nagmumukhang slaughter house, ang mga maninipis na hibla ng mga natuyong dugo at mga suka at dumi na nagmantsa sa dingding ng provincial house na ito, at ang konsepto ng kamatayan at pag-asang mabuhay pa sa mga susunod na minuto ay impersonal. Trabaho lang. Walang serbisyo kung walang negosyo.
Walang hanggang sampung minuto ang ginawa kong paghahanap kay Gabrielle. Walang tunog sa magulong pasilyo na nagdudugtong ng entrance, sa emergency room at operating room. Katahimikan sa kabila ng hinagpis ng mga nawalan at mga mawawalan; sa taimtim na hilaw na pananalangin—sa pagkamulat na ang ang purgatoryo ay nandito lamang sa lupa. Ang mga sampaaguitang nakasabit sa imahe ng birhen sa chapel ay binawian na rin ng bango. Baog na ang simoy ng ng hangin na nagdadala ng lamig o init sa bahaging ito ng hospital. Isang pagpapaalala ng pagiging mortal ng tao. Bakit ba kayo nagdarasal? Ano ang saysay ng pagiging tao sa loob ng ospital?
Natagpuan ko si Gabrielle sa harap ng operating room. Nakaupo siya sa monoblock. May benda ang kaliwang kamay. May gasgas ang kanyang noo at kaliwang tuhod. Ang hagulgol na tinitimpi ay pilit na kumakawala sa kanyang mga mata. Sa dalampasigan ng kanyang mga luha malakas ang alon ng pag-aalala. Maya’t maya tinatakpan niya ang kanyang mukha ng dalawang kamay na wari’y nagdarasal sa sariling kaparaanan. Sariwa pa ang sugat sa ilalim ng natutuyong mertalyolet. May mga ilang butil na buhangin sa nakasabit pa sa kanyang buhok, pisngi, kamay at paa, at sa damit na kulay puti at paldang asul.
Hindi niya pansin ang pagtabi ko sa kanya. Abala siya pagtatanong. O di kaya’y sa pagdarasal. Gusto ko sanang magbitaw ng salita makakapagnatag ng kanyang kalooban pero parang may nagsasabing hindi sapat ang salita sa oras na ito. Masakit pigilin ang iyak na kinukulong sa dibdib. Inuutas nito ang kagustuhang mabuhay; pakunti-konti pero pilit pa ring ibinabalik kapag nararamdaman ang ginhawa ng pagbuntong hinga. Mas masakit ang totoong anyo nito na hindi maisasadiwa ng iyak o katahamikan. Nakakapanibago.
Kung hindi ka mayayakap ng salita yayakapin na lang kita.
Naalala ko ang panahon na nakita kitang umiyak. Noong nabalitaan mong pinatay yung isa sa mga kasamahan nyo. Napapaso ako sa ibig sabihin ng ibig nitong sabihin. Sagrado kasi sa akin ang luha ng mga babae. Hindi sapat ang salita. Hindi sapat ang mga ito. Hindi. Hindi ko kasi alam ang gagawin. Paano ko ba mahahawakan ang mga bagay na nararamdaman lamang?
Bago pa man lumapat ang aking mga bisig kay Gabrielle, tumayo na ito at naglakad papalayo sa akin.
Tumungo siya sa chapel.
Akala ko ba ‘di ka naniniwala sa Diyos. Bakit ka lumuluhod sa harapan niya ngayon? Religion is the opium of society. Historical materialism. Evolution of society. I don’t believe in creation. Nasaan na ba ang mga ito?
Man does not live by bread alone.
Umupo ako di kalayuan sa kanya. Mabigat ang pagluhod na ginawa niya. Hindi naman labag sa kalooban. Sa paglapat ng tuhod sa kahoy na niluluhuran sana’y ‘ito na yun, nawa’y pakinggan mo ako.’
May maliit na paghupa sa bagay na nagpapaiyak sa kanya ngayong nakaluhod na siya. Nakatikom ang dalawang kamay at nakayuko waring ngayon niya lang uli ginawa pagkalipas ng mahabang panahon.
Sa kanyang pananalangin nakita kong muli ang kapayapaan na inaasam niya. Parang tahimik na dagat na pinaliligiran ng malamig na hangin. Hanging marahang bubulusok upang humalik at marahang papaitaas at sasabog sa mainit na sinag ng araw. Dahan-dahan itong mamumuo sa muling pag-awit nito. Ihahalo muli ang sarili sa laylayan ng kalangitan kung nakasabit ang mga ulap. Sa alapaap niya sinisira at binubuo ang sarili. Hindi kailanman makikita ngunit palaging nandiyan. Katulad ng sigaw sa lansangan. Pagbabago. Pagbabago.
Mga pagsusumamo na kasingtanda ng kasaysayan.
Maya-maya pa’y tumayo na siya at tinungong muli ang operating room; hindi niya ako nakita sa kinauupuan ko. Sinundan ko siyang muli. Ang bawat hakbang ng kanyang mga paa’y parang nagsasabing pinaubaya niya na ang lahat sa kanyang binitiwang dasal.
Ang pagsunod ko sa kanya ay katulad ng mga unang araw na nakilala ko siya. Palaging may direksyon at kadalasan sa unahan ng mga rallyista ang tungo niya. Palaging may sasabihin. Sa ilang beses na pagsama ko sa rally, siguro dala na rin ng paghanga sa kanyang kakayahang mahalin ang masang Pilipino at tinatawag nating ‘bayan’, inibig ko siya. Simula noon, palagi akong nasa likod niya. Habang siya’y nagtatalumpati ako’y nasa tabi lang hawak ang streamer o di kaya’y placard—at kapag gabi’y ako ang nagsisilbing kausap niya sa pagitan ng mga oras na nagsusulat siya. Madalas maputol ang aming usapan kapag may importanteng tawag na papasok o may importanteng tatawagan.
Sa telepono, malinaw ang boses niya, masarap pakinggan at mapahunod kumpara sa boses niya kapag may gamit na megaphone o mikropono. Sa telepono, ang boses niya’y boses ng isang dalagang iniibig—walang bahid ng pulitika at pakikibaka. Sa paglalim ng gabi, lumalalim din ang aming pag-uusap. Ngunit sa kabila ng aming pag-uusap; walang detalye kaming binibitawan kung ‘saan’, ‘kelan’ at ‘ano’—palaging ‘bakit’ at ‘paano.’ Hindi na kasi kakaiba ang mga pitik na naririnig namin sa kalagitnaan ng aming pag-uusaop.
Pagkalipas ng ilang buwan, bihira na kaming magkita sapagkat minarapat kong tapusin na ang aking pag-aaral at malapit na rin akong makapagtapos bilang isang guro. Isinapuso ko na rin ang code of ethics ng pagiging guro. Hindi na rin ako sumasali sa rally. Sa mga ilang beses na pagkikita namin, hindi na rin yun kagaya ng dati, hindi lang siya ang palaging abala, pati na rin ako dahil nagtuturo na ako sa isang elementary school. Siya nama’y ganun pa rin; palaging ingat sa kung saan pupunta at kelan aalis ng kanilang opisina. Medyo lumamig na rin ang kanyang pakikitungo sa akin dahil hindi na nga ako sumasama sa rally. Madalas na naming pag-usapan kung paano babaguhin ang sistema; laman pa rin siya ng kalsada kapag hindi nagsusulat, ako nama’y abala sa aking eskwela.
Minsan nasabi ko sa kanya kung paano babaguhin ang lipunan. Natawa lang siya noon. Sabi ko ito ang pinakatiyak na paraan kung paano baguhin ang ating mundo. Sabi niya kung si Mao Zedong nga nakapagsabi na kelangan niya ng ilang libong taon para baguhin ang mundo eh ako pa kaya.
Ayaw kong biguin si Rizal sabi ko sa kanya. Totoo ang kanyang sinabi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Mabuting edukasyon ang kanilang kailangan. Hindi ba’t isa ito sa mga ugat kung bakit tayo nagkakaganito?
Malapit ng grumadweyt ang unang klaseng nahawakan ko at balak ko syang yayain na mag-attend sa graduation nila. Sana’y makita niya ang pagbabagong hinanahanap niya sa kanila.
Maya’t maya pa’y naupong muli si Gabrielle sa harap ng operating room. Naalala ko na ako pala ang dahilan kung ba’t nagkasugat-sugat ang kanyang mga kamay at paa. ‘Paumanhin, kung niyakap kita bigla kanina.’ Sabi ko sa kanya. ‘May narinig kasi akong ilang putok ng baril, hindi ko alam kung saan…’ Biglang bumukas ang pinto ng operating room at tumayo si Gabrielle. Hindi na niya narinig ang paliwanag ko. Umiling ang doktor. Si Gabrielle nama’y dumeretso sa loob at niyakap ang lalakeng duguan na naka-oxygen.
Umiyak na siya ng tuluyan at sa pagkakataong iyon nakita ko kung paano binawian ng lakas ang kanyang matibay na disposisyon. Sinasambit niya ang pangalan ng lalake. Hindi ko maipaliwanag kung anong uri ng kalungkutan ang bumalot sa silid na iyon. Sa pagkakayakap niya sa katawan ng lalakeng wala ng buhay alam kong minahal niya itong minsan.
Nakita ko ang aking sarili na yakap ni Gabrielle sa huling pagkakataon, katulad ng gabing naghihintay kaming maayos ang sasakyan ng fact finding commission. ‘Ano ba ang katotohanan?’ tanong ko sa kanya. Niyakap niya ako bilang kasagutan.

Labels: Digmaan
0 Comments:
Post a Comment
<< Home