sex and the art of motorcycle maintenance 9
'Sana madagdagan nga ang brain cells ko.' ito ang iniisip ko habang pauwi ng Tabaco galing ng Tiwi drive ang owner jeep ni Mang Ibarra. Pangalawang araw ko na 'to sa driving lesson. Nanlalamig pa rin ang mga kamay ko habang 'dinodominar' ang maneho. 'Dominari ang maneho.' Ani Mang Ibarra. Kagaya ng dati mas maraming inaasikaso ang utak ko kesa sa anuman facilidades meron ako. Clutch bago kambyo. Dapat nakabitiw din sa gasolina. Alalay sa gasolina. Break kung kelangan ng tahasang kontrol sa pagtigil. Pero pwede rin ang clutch. Pwede rin bitawan muna ang gasolina. Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Pagtatantya ng distanya. Masarap ang pakiramdam kapag nag-aaral ng isang bagay na 'alien' sa akin. Kung ang pagbabasa ay 'knowledge acquisition' kadalasan; ang pag-aaral ng pagmamaneho ay 'skill-type'. Kapag nakaupo ka pala sa driver's seat, dito na masusubukan kung saan nagtatapos ang teorya at magsisimula ang aktwal. Madalas akong pagalitan. Old school kasi si Manong. Kilala nya pala yung lolo kong si Andres. Kaya ganun-ganun na lang ako sermonan habang 'pinakikiramdaman' kung ano ang ginagawa ko. 'Mag-isip ka muna bago mo gawin ang dapat mong gawin.' 'Bago mo gawin ang pangalawa, isipin mo muna ang una.' Siya siya Manong, gagawin ko kung ano sinasabi mo. Totoo naman na kelangan ng utak kung pano magpatakbo ng dyip, motor o kahit bisikleta, pero kung may isang bagay na binibigyan ko talaga ng pansin sa driving lesson na 'to ay 'pakikiramdam sa behikulo'. Hindi dapat sapat biswal na tantyahan. Sanay kasi mata ko sa konsepto ng 'perspective', 'foreshortening', 'light and shades' at 'proportion'. Pero kapag nasa manibela ka na, kelangan na ring pakiramdaman ang makina at anumang tunog na nanggagaling sa loob at labas. Gusto ko kaagad makuha ang 'feel' ng pag-drive. Hindi naman kasi purong 'knowledge' ang pagdrive kungdi isang 'skill'. At ang mastery raw ng isang skill ay masusukat kung nagagawa ito ng isang tao na hindi na niya kelangan mag-isip sapagkat kusa niya na lang itong gagawin na walang kahirap-hirap. Mag-isip; oo. Pero hindi sa paggamit ngg utak nakasalalay ang akwisisyon ng isang bagong skill kungdi ang integresyon nito sa instik ng isang tao; yung tipong: 'pakiramdam ko kelangan kong kabigin ng kunti ang manibela sa kaliwa, kelangan kung dahan-dahanin ang pag-release ng clutch; kelangan sagad kaagad ang tapak sa gasolina, primera, segunda, tersera...go!' Ang instinct o di kaya'y emosyon ay mas mabilis kesa sa pag-iisip. Katulad ng sa Martial Arts, sa pagtugtog ng anumang musical instruments, sa pagluluto; hindi kelangang maging puro ang pag-iisip sapagkat ang immediate na response ay hindi naman cerebral kungdi aktwal. Naalala ko yung mga diskusyon ni Robert Pirsig sa Zen and the Art of Motorcycle Maintenance; may pilosopiya sa pag-drive ng motor at pag-aayos nito. Sa driving lesson ganun din. Ang naging date namin ni Jen nung pumunta ako ng maynila ay nakapagbigay sa akin ng insight na kelangan ko ng bigyan ng pansin. Dami niya kasing tanong at kahit mas madami ang tanong ko, nasa sa akin pa rin ang katanungan. Sa mga ideyang nabigyan buhay sa hapunan namin kina Mang Jimmy's bumalik sa akin yung mga konsepto ng 'personal curriculum' na kung tawagin niya ay 'goals'; 'limitations' at 'evolution of self' sa words niyang 'stretch' at ang 'state' na kung tawagin niya ay 'space'. I'm having a hard time to meet her halfway because she spoke some of her words in shifting context from the 'me' to 'you'. I'm not sure if she's aware of it, maybe I was just being particularly philological. She's a bit a didactic, I'm utterly inquisitive and calculating on how she conveys her message. Nothing's emotional. Medyo intellectual but wanting of articulate[ness]. May word bang articulateness? She kept on telling me to met ALts. SAbi ko si Dat. Fresh graduate sya ng LEAP. AKala ko kung ano ng project x sya nagmula. In the end I told her she's the padawan of a Jedi named ALthea Ricardo. Madalas niya kasing sabihin 'kapag nakausap mo si Alts.' Kapag medyo...nag-aala 'House' na naman ako na may tonong Sigmund Freud. Wahahaa. Anyway, [habit ko na ang anyway ha] maganda yung gabi at hindi na kami nakapg-fud trip sa UP kasi akala ko yupinian sya. Hirap pa man din ako mag-adjust kapag may expectation na. Medyo inaantok-antok na sya ng pumalo ang orasan ng alas-nueve. Mapupungay na mga mata. Feel sanang uminom ng beer, kahit isa lang, kaya lang nakapag-order na kami ng coke at siya naman ay inaantok na. Ilang gabi na kasi syang kulang sa tulog. Medyo diffident ako kung ano ang gagawin. Pumunta kami ng McDO at uminom ng kape. Hanep sya, tinutungga ang kape. Habang ako may 'the art of drinking coffee' pang nalalaman. Yung kape syempre binabantuan niya muna. Ano kaya itsura niya kung kumukulong kape tungga? Natapos ang date namin na parang nag-uwi ako ng isang napaka-importanteng homework: 'kelangan ko pang ayusin ang sarili ko'. I must learn how to trust. I must learn the true meaning of compassion. I must mean the words I say; kasi ng sinabi kong nagdi-date kami ngayon kasi nag-post ako ng 'Wanted: gf' sa friendster at wala akong maisagot na matino sa tanong niyang; 'bakit ka naghahanap ng gf?' Shet. NApag-isip isip ko; kelangan ko nga ba? I'm happy for her kasi ramdam kong on the way na siya sa kung san man siya 'gustong pumunta' eh ako, 'pinapakiramdaman pa rin ang ihip ng panahon'. I must work and I must have a job. Full of insights yung date namin. SAbi ko sa kanya; meeting new faces is an adventure mas masaya 'to kesa sa pagbabasa. Dami ko pang kelangan baguhin sa sarili ko. Masaya ako kasi may meron ng librong 'the Da Vinci Code HOax'. Yeah man! Check nyo sa NBS katipunan. Dun ko yun nakita. Siguro sa ibang branch meron na rin. I also bought a graphic novel entitled 'Andong Agimat' na gawa ni Arnold Arre. Saludo ako sa 'yo tol. Nakabili rin ako ng Kubori Kikiam at ang pun/parody nitong Kubori Crash; lahat walang kwenta pero nakakatawa. Rated 18+ pa pala. And Indie sila, astig! Andami ng tao sa manila. SObra. Hindi naman ganun kadami ang tao dun noong naglalakwatsa pa ako; ca early 2000's. By next week pupunta raw sina Jimple at Erik sa Naga para sa Arejola, sana makasama ako. Gusto ko kasing panoorin ang mga epal sa literaturang bikolnon na naniniwalang 'maurag' na sila. Gagawin kong miserable't katawa-tawa buhay nila kung hindi nila matutunan ang magpakumbaba. Word count: 1,074.
Labels: essais
0 Comments:
Post a Comment
<< Home