.comment-link {margin-left:.6em;}

literary sketches

a collection of literary sketches

My Photo
Name:
Location: Tabaco City, Albay, Philippines

I am an eclectic cognitariat, a missionary on furlough trying to redeem himself.

Friday, March 06, 2009

Sex and the art of motorcycle maintenance 16

Binura ko ang part 15 ng Sex and the art of motorcycle maintenance sa kadahilanang hindi siguro napagtanto ng nagcomment na spring board ko lang ang insidente--kung saan muli kong na-encounter ang isa sa pinakamahirap talakayin na asignatura sa mundo ng akademya; aesthetics--para sa topic na idi-discuss ko: art. Anyway, who needs the critiquing? May mga tanong kasing sumusulpot na lang kung saan-saan at kadalasan mahirap ito bigyan ng kasagutan; kung hindi naman mahirap hanapan ng saysay. Ang katanungan na 'what is art' ay hindi biro unless ikaw ay nagbibiro. Kung kaya't kapag nagtanong ka ng 'what is art' may mga criteria tayong dapat maabot at dapat i-consider. Ang pinakauna siguro ay: context. Sa kaninong pananaw ba nagsisimula ang asersyon na art nga ang isang bagay. Pangalawa; ang pagkakaiba ng art sa craft. Saan nagsisimula ang pagiging sining ng isang ratan basket at kelan ito nagiging isang craft lamang. Pangatlo: sa anong condition ba nagiging art ang isang art? Basically, hatiin na lang natin sa apat na estado ang sining; as an object, as a process, as a skill and as an experience. Although meron pang magsasabi na art as an expression, art for art's sake or art as a function, papasok na ang isyung ito sa pang-apat: art either as a means or as an end. Nagiging means siya kapag ginagamit ang art para magcommunicate--kadalasan. At nagiging end siya kapag ang intensyon ng maylikha ay 'working as an end to itself'; parang pagtitimpla ng kape. Panglima; klasipikasyon ng art in lieu with the human faculties. Sabi nila ang isa sa mga purpose ng art kung bakit ito nagiging art ay ini-enhance nito ang sense experience ng isang tao. Halimbawa; culinary arts or music. Ang sining ng pagluluto ay isa lang naman ang patutunguhan: ang pasarapin at pagandahin ang niluto. Habang ang musika ay ang makapag-ensue ng emosyon gamit ang pandinig. Bukod sa five senses ng tao, ang rationality, emotion, value system, perspective at judgment ay naaapektuhan din--ng art; not to mention body kinesthetics. Pang-anim; ang isa sa pinakamahirap talakayin sa art ay ang universality at relativity nito. May mga bagay at konsepto kasing saklaw ng art na nagsasabing kahit saang panig ng mundo mo 'to dalhin masasabing ito nga ay maganda. Halimbawa: argumento ng art of living, ethics, kung ano maganda o mabuti dito ay ganun din sa africa, south america o kahit antartica; sa tabaco, naga o daraga. No argument; basta maganda sya. Ang relativity naman ay masasabing 'equivocation' o di kaya'y duplicity ng ng isang art kung may nakakapagsabing maganda 'to at hindi. Eto na ang pinaka-cliche ng art; beauty is in the eye of the beholder. Pakshet. But true. Pampito; art is different from the arts. Period. Pang-walo; definition ng art relative sa history. Sa anong period mo ba dini-define ang art? Hellenic, Medieval o Modern. May mga bagay na art ngayon pero dati ay hindi. Pang-siyam; social concensus defining art. Given. Meron ba? Kung meron definition ng art na nabuo dahil sa unsaid social contract meron din namang art na cult-like; kahit ang karamihan ay tutol sa pagiging art nito. And this is perhaps the worst definition; 'kung ang Guernica ay art pwes kaya ko ring gumawa nyan sa loob ng tatlong oras.' Ang galing. Huwag na tayong magtanong kung bakit may 'poverty of the arts'. Isipin nyo na lang ang attitude na ganito. Pang-sampu; experiential o practical at theoretical definition ng art. Pang-labing isa; the fine line between science and art, i.e. Military Science, Martial Arts. Hindi ko na 'to ipapaliwanag, common sense na lang kung sakaling napunta ka sa bukstore at may nakita kang libro. Art of Cooking tsaka Science of Cooking. Alam mong magkaiba ang dalawang ito. Sa totoo lang kung bakit ko 'to nagawa wala sa oras ay dahil sa isang katanungan; 'who needs the critiquing anyway?' Eto lang ang maisasagot ko; 'I need critiquing.' Because I want to improve myself. Kung ayaw nyong i-criticize, pwes sabihin nyo lang para hindi na kayo maabala sa posibilidad na pwede pang mag-improve. Ignorance is bliss anyway. Fucked up by 701 words.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home