.comment-link {margin-left:.6em;}

literary sketches

a collection of literary sketches

My Photo
Name:
Location: Tabaco City, Albay, Philippines

I am an eclectic cognitariat, a missionary on furlough trying to redeem himself.

Friday, March 06, 2009

Sex and the art of motorcycle maintenance 21

Hindi pa man din kumpleto ang huling tatlong kabanata ng essay series na 'to binabagabag na kaagad ako ng katanungang: 'Ano kayang magandang pamagat ng sequel?' Leche na kung leche, pero hindi dapat ganito ang laman ng part 21. Ang net cafe na pinasukan ko nitong Nov.11--parang Sept.11--ay auto shut down pala kapag na-consume mo na yung oras na binayaran mo sa may counter. The usual business-oriented creature of this world, pera ang tingin nila sa kapwa nila. I was mad of course, kung hindi ko lang naisip na dayo ako sa lugar na yun ng Pilar, Manuguit Tondo M.M., aba'y maghahalo ang balat sa tinalupan. Ala eh, akalain mo ba namang imbes na magpasintabi'y ang tanong eh; na-save mo ba? Hello? Okay ka lang? May alt+s ba ang multiply? Pasintabi sa pa-girl epek ko dine. Pero masakit sa isang manunulat na pagkatapos ng isang oras na walang humpay na pinaghalong pagsusulat at pag-iisip; pag-eemote sa harap ng pc, bigla na lang maghahalong parang bula ang mga sinulat mo. No one can step on the same river twice. Lalo na't pinag-eeksperimentohan ko pa rin ang 'sumiye' sa pagsusulat. Salamat kay Jim, sabi niya beatnik; parang ganun na nga pero mas 'sumiye' pa rin ang ibig kong sabihin at gawin. Kung hindi siguro nangyari ang insidente ng pagkawala na sinulat ko nung pagpaManila ko last week ganito sana ang laman nito: dalawang tao ang hinahangaan ko ngayon; si Josh Leming at si Michael Moore. Blah blah..etc. Incarnation si Josh Leming ng mga musikerong orihinal at matapang na ipinaglalaban kung ano ba ang maganda dahil maganda ito hindi dahil ito ang 'in' ngayon. Sabi niya ang American Idol ay isang glorified karaoke, where they put pretty faces with pretty voices and let them sing songs they never created. Implicitly, commercialization of the arts--saludo ako sa kanya sapagkat boses sya ng mga totoong artists ngayon. Hindi sya nanalo. Hindi sya nakapasok sa top 24, pero mayroon na syang record contract. Sya ang pinakamagandang statement na hindi kelangang manalo sa isang kompetisyon para patunayang mas magaling sa iba. He refused to pander to likes of the show. He refused to kiss their asses. Sana magkaroon din ng ganito sa Pinas yung tipong who can fuck the system and get/be loved by fans at the same time. Yung tipong hindi niya kelangang i-associate ang kanyang sarili sa malalaking istasyon at kumpanya para magkaroon ng album na tatangkilikin ng mga tao. Alam naman nating pinipilit lang sa atin ng mga kumpanyang ito ang junk food na 'to kasi wala taung mapag-piliang iba; kasi kung meron man--underground sila at indie. Eto. Eto ang isa sa mga dahilan sa poverty of the arts natin. Hep hep? Buray. Parrot. Anyway, speaking of Michael Moore, farenheit 9/11 at sicko will give you an idea. You don't have to be into zeit geist para iaprreciate siya but the boy has a point. 9/11 is perhaps the greatest show on earth. From the executive producers to the gaffers and post-production units, da best. Pero mas kahanga-hanga ito dahil walang take 2, no doubles, totoo ang special effects, super laki ng stage, at ang buong mundo ang nanood ng ito ay nangyari--at ang mga actors at extras, it was real emotion...tears and blood. Maraming nagki-criticize kay Michael Moore, pero yung nangyaring live interview(?) sa kanya ng CNN ay parang eksena sa pelikulang Bulworth. Da best sya man, ba't di nyo sabihin sa mga manonood ang totoo? Sabi niya sa host. Kasi taliwas sa interes ng istasyon na 'to ang totoong balita kung ba't hindi nyo sya pinapalabas. Hehee...siguradong spam na ang death threat kay Michael Moore. Dito sa Tabaco, may mga sentimientong katulad ng kay Josh Leming at kay Michael Moore, kahit nung mga araw na hindi pa sila natin naririnig sa TV at internet. Sa Manila sigurado akong meron din, sa Cebu, sa Davao, sa Luzon, sa Visayas at sa Mindanao, saan mang sulok ng mundo--shet, parang jingle ng Wowowee. Basta hindi tayo, kami, ako nag-iisa. Artists of the world unite! We've got nothing to lose except our claims! I'm happy that amidst the deterioration of what's good in our world meron pa ring nakikipaglaban. Sa mga katulad namin naghahanda at unti-unting gumagawa ang mga dapat gawin, sige lang kapatid. Hangga't may taong katulad nating hindi pumapayag na lamunin na lang ng bulok ng sistema mapa-sining man o pulitika, relihiyon man o media, mayroon pa ring saysay ang hangad sa pagbabago. Word count: hindi ko alam, walang Microsoft office dito kina Chucks. Let's make a difference.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home