Sex and the art of motorcycle maintenance 23
Maraming nagjojogging ngayon sa UP. Katulad nila pinagpapawisan din ako dahil nilakad ko lang ang Philcoa hanggang dito. Medyo kakaiba ang pakiramdam ko ngayon dahil huling kabanata na 'to ng Sex and the art of motorcycle maintenance at kahit walang gaanong sense ang mga pinagsusulat ko dito, sana may mga napaligaya ako sa mga pinagagawa ko. Hindi ko na rin pinag-isipan kung paano ko 'to tatapusin. Tama na sigurong i-recommend ko ang tula ni jimple tungkol sa mga kwentong tapos. Dami ideas. Katulad ng media malpractice; isa raw 'to sa mga dahilan kung ba't nanalo si Obama. Gusto ko rin sanang sabihin na inlove ata ako sa Manila. Naiisip ko rin na magaling at magaganda ang piktyur na kuha ni Erik; ano kaya kung maging photographer na lang sya? Haayz. Ganda ng piktyur ng kanyang mag-ina. Mas matino pa rin ang site ni jimple. Sana mabasa ko na lahat ang gawa ni Richard at sana okey na sa kanya ang gawan ko ng commentary ang mga obra nya. The author is dead pa rin ang magiging method ko. Peace man. Si sir Noel, busy yun sigurado--ala pang pang bago sa blog nya eh. Pero malamang nagsusulat pa rin kahit papaano. Kung si Mardel naghihintay sa Karma Bums ko, naghihintay din ako kay Chan; ano na naman kayang video ang ipopost nya one of these days. 22 lang kontaks ko dito pero nakakatuwa na iba-iba ang specialty nila pagdating sa posting; foto=erik, tula=jimple, video=chan, etc. Anyway, sa tingin ko mas therapeutic [ng konti] ang blogging kesa sa pagsulat sa journal. Nga pala, kung may panahon kayo basahin nyo ang kolum ni Patricia Evangelista ng PDI, Nov.23,2008 issue. Magandang materyal sya para sa isang fiction. Parang 1984. Sa tingin nyo, kapag nagsusulat ba ang isang writer kelangan nya bang i-reconcile ang kanyang sinusulat sa paniniwala ng nakakarami? O kahit papaano magkaroon man lang ng redeeming qualities ang sinusulat niya? Matagal ko ng nararamdaman ang ganitong katanungan at ngayon ko lang sya naisip. Minsan kasi nagkaroon din ako ng paniniwala na hindi dapat magtapos sa isang babasahin ang mga binasa natin. Kaya lang hindi naman lahat ng mga naisulat ay ganun. Parang content writing. Isa syang pagrecycle sa mga nakasulat at nakapost na sa internet. Pasintabi po sa hindi naman ganito ang practice. Patapos na siguro yung era ng knowledge is power; kasi ngayon knowledge is wikipedia. After Alvin Toffler, hindi ko na alam kung sino'ng nonfiction writer ang magandang basahin. Even the book I bought--'The Evil of Gambling' took its sources from the internet. I'm not sure kung nagpaalam yung author sa mga taong pinagkuhanan niya ng info para ipublish yung data at infong hiniram/ginamit pero yung libro nya may nakasulat na copyright all rights reserved no parts of this book may be blah, blah--quoted at noted naman kahit papano. But putting the phrase 'copyright, all rights reserved' means sa kanya na yung rights ng mga data at infong nakuha niya sa internet? Hindi naman research ang ginawa niya but mere copy-paste. Nice. Ganito na pala kadali gumawa ng libro ngayon. Ikanga ng isang chess blogger 'Death to Copyright!' kasi lahat ng mga nakapost sa blog niya ay mga articles tungkol sa iba't-ibang openings na pinaghirapan ng ibang tao. Pinost niya lang. Na walang paalam. Pero hindi niya sinabing sya ang may gawa. Plagiarism ba yun? Not sure. Mas okay na yun, kesa magcopy-paste ka from the internet--almost the entire article--noted at quoted mo naman, tapos ibebenta mo, with you as the author; whoa! Ang galeng mo naman 'pre. Gawain ko rin 'to minsan, but never to the point of copy-pasting the entire 300+words articles. Gawain 'to ng tamad. Ano kaya kung basahin mo muna yung article and write a new article about it; DON'T rewrite it! A writer who wants to get his book published in paperbacks must not act as a recyclist. You're like the writer who retell the fables of Aesops and claimed she's the author of it all. Getting caught between the age of computers and the era of books is challenging. Hindi mo na alam kung sino ang totoong nagpapakahirap para gumawa ng bagong libro at kung sino ang nagka-copy-paste para lang masabi na sila ay nakapag-publish ng libro. Worse: para kumita ng pera. Worst: Sumikat at maging National Artist o di kaya'y magkaroon ng award sa pagsusulat. Damn. Kaya nga siguro nasabi ni Dat kay Jen na wag siyang magpopost ng tula sa blog, baka manakaw lang daw 'to. Sana hindi 'to mangyari kay Jimple. Word count: 772. May waiver pala ako; MY BLOG ENTRIES ARE MEANT FOR MY CONTACTS ONLY. I WILL NOT BE HELD ACCOUNTABLE NOR LIABLE FOR ANY PUBLICATION OF THIS SERIES. Kasi wala naman akong means at plano na i-publish 'to. Intiendes? Si. Wo ay ni. =)
Labels: essais
0 Comments:
Post a Comment
<< Home