.comment-link {margin-left:.6em;}

literary sketches

a collection of literary sketches

My Photo
Name:
Location: Tabaco City, Albay, Philippines

I am an eclectic cognitariat, a missionary on furlough trying to redeem himself.

Friday, March 06, 2009

Sex and the art of motorcycle maintenance 20.b

It's a blessing in disguise, I think. The quarrel I had with my youngest sister. If not for that incident I wouldn't be sending my resume online to look for a job. I want to get out of here. All of sudden this house seems like what I anticipated when tsunami supposedly hit Tabaco City days after Reming; a mere remnant of what give me comfort. Napagtanto ko na kelangan ko ng maging independent, hindi sa magulang ko--dahil given na yun, kungdi sa seguridad ng apat na sulok ng kuwarto ko kung saan ang mga libro ko nandun. IT all turns out to be a false sense of security. Eh ano ngayon kung matalino't mahilig kang magbasa? Ang kinakain ko sa araw-araw, ang tubig na ginagamit, ang kuryente--ang lahat ng tinatamasa ko ngayon ay hindi dahil mahilig akong magbasa kungdi dahil sa paghahanap-buhay ng aking mga magulang; parang lintik na tumama sa akin na 'oo nga no? hindi habang buhay palagi akong ganito.' Ang away magkapatid na naganap kahapon ay nagmulat sa akin na kung gusto kong lumayas para patunayan ang aking punto eh natural kelangan kong magtrabaho. Bukod pa dito, mainam na rin sa susunod na ako'y kakain galing sa bulsa ko ang aking gagastusin. At syempre, para walang maisumbat ang ibang tao. Ayoko mang isipin pero eto ang totoo; ang mga taong kinamumuhian ko dahil sa pagiging kondisyonal nila sa kanilang pagmamahal ay nandito lang pala sa bahay namin. Gusto ko sanang sabihin ng harap-harapan sa aking ina kahapon na: 'alam mo bang mabait lang sila pag may kelangan sa iyo? Tingnan natin kung magkasakit ka't hindi na makapagtrabaho kung ganun pa rin ang trato niya sa iyo.' It happened already to one of our neighbors. Seeing the patterns; hindi malayong mangyari. Ayoko mang humusga, pero sa araw-araw na ginawa ng mahal na Diyos di ko alam kung bakit ang 'hypocrite' na kinasusuyaan ko ay nandito lang sa loob ng bahay namin. For the love of God! Hindi naman sila pinalaki ng ganun. This is also the awful truth about respect. Kapag may mga achievements ako they seem very proud to claim me as their brother pero kapag nakatunganga lang ako sa harap ng pc magdamag o di kaya'y nasa loob ng kuwarto, pustahan tayo they are like bunch of groupies na pinabayaan ng kanilang iniidolong banda. And what the fuck! I'm whining again. I hate it when I whine. Anyway, I already made a resolution and GOD forgive me if that time comes. SA pag-aapply na ginawa ko kanina narealize ko na tatlong category lang ang pwede kong aplayan: graphic arts, creative writing and teaching--at kung anumang related sa tatlong 'to. Narealize ko ang importansya ng blogging. Nilagay ko kasi sa isa sa mga letter ko na pwede nilang tingnan ang mga gawa ko sa ganito't ganireng website. Although hilaw at hindi pa kumpleto, at least meron. Port folio, port folio, port folio; hanggang ngayon wala pa rin. Sa teaching naman LET na lang kulang pasado na ako sa civil service. So far, yan lang ang baraha ko sa paghahanap ng trabaho. I really want to get out of here. Word count: 526. + 473 sa previous blog = 999. Ay kulang. Ano bang isang salita na pwedeng ihabol dito? Send your answer here by clicking 'comment' then 'save & publish'. Winners will receive a copy of 'Sex and the art of motorcycle maintenance' in paperback and a cup of coffee.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home