sex and the art of motorcycle maintenance 11.c
Tapos ko ng basahin yung Age of Faith. The Greek EXperience naman ngayon. Obsessive-compulsive ata ako pagdating sa pagbabasa. Nakapila na kaagad ang Philosophy of Modern Art at pinag-iisipan ko ring basahin ang History of the East. Minsan pakiramdam ko nagchi-chill ako pag alam kong hindi ako aabot sa deadline kung kelan dapat tapos ko na binabasa ko at ang katotohanan na sa ngayon oras talaga ang kelangan ko. Nararamdaman kong ginagawa ko 'to bilang paghahanda. Itinigil ko na rin ang pagtatanong kung para saan ang mga pagbabasa't self-study na ginagawa ko. ANg alam ko lang, dapat matagal ng tapos ang preparasyon na 'to. Kelangan kong bumili ng oras. Hindi ko alam kung kanino. Nararamdam ko rin na kelangan kong i-compile ang mga alam ko para sa mga maiiwan ko. Kelangan kong ipamahagi sa kanina ang nalalaman ko. Sana okay lang sa Kanya. Sana parte ito ng dapat kong gawin at kung hindi man; sana mas makakabuti na rin ginawa ko 'to. Iilan lang na nilalang ang nakakaalam sa mga totoong nangyayari at may iilan ding pilit nilang iniintindi kung bakit nangyayari ang mga ito. Nine years ago tinanong ako ni Ronald kung bakit ko 'to ginagawa, wala akong maisagot. Tinanong din ako ni Cecil kung bakit, ganun din ang aking sagot. Yung kapatid ni Chan na si Tintin, nagtanong din; is it worth it? Ewan ko. Nung kasagsagan ng pagiging 'sensitive' ko, ginagawa ko na lang ang bagay at saka na ako nagtatanong; kadalasan bago pa man ako magtanong may kasagutan na. Katulad ng phone number at pangalan na napanaginipan ko. Katulad ng pag-iba ng ruta at magkakataong may mami-meet ako dun na gusto ko ring makita. Katulad ng librong magbubukas ng aking mata sa bagay na gusto ko palang malaman. Ang kaibahan nga lang ngayon; parang may kulang. Maputi pa rin ang nosyon ko buhay at sa mundo. Parang alapaap. Maganda pa rin. Parang dapithapon. Kelangan ko na yatang magsimba. MAgdasal. Sumpa yata ang magtanong. Word count: 327.
Labels: essais
0 Comments:
Post a Comment
<< Home