.comment-link {margin-left:.6em;}

literary sketches

a collection of literary sketches

My Photo
Name:
Location: Tabaco City, Albay, Philippines

I am an eclectic cognitariat, a missionary on furlough trying to redeem himself.

Friday, March 06, 2009

Sex and the art of motorcycle maintenance 13

Moymoy palaboy: yan ang bagong salitang natutunan ko kagabi. At...bago kami natulog, I've already made a verdict: Inaantok na ako. Cool sya; kapag pinanood mo ang tatlo hanggang limang videos nila, mauumay ka na. It's not because they get boring but because they are very good in making parody, pillory, at kung anu-ano pang synonyms ng salita na ang ibig sabihin ay inienjoy nila ang kanilang ginagawa while making fun out of the serious things other people have done. It my own words; they cloy the taste buds to the point of making the next dish bland or rather tasteless. Para silang isang libro na minsan nabasa kong may babala sa likod lang ng foreword na hindi advisable na basahin sa isang araw lang o pang-madalian. Para syang daily bread na dapat mong basahin one piece at a time dahil kung hindi aba'y magsasawa ka nga. Suggestion ko; max of 3 lang ang panoorin mo ng you tube nila. 3 x a day visually with audio, not orally. Naks sa neologism. 1.e4 e5(!) Sa mga ginawa nila ang pinakagusto ko ay yung 'volare', 'low' tsaka 'wannabe'. Anyway, it says all. Iba-iba genre. Sa volare, 'ano sa spanish ang bigote' ang linyang pumapasok sa kokote ko. Sa low, LMAO sa beach, sa internet shop, sa...teka lang pre, natatae ako. Sa wannabe, it reminds me of the synergy of feminism tsaka gender crisis issue eclat. Another thing I like about this moymoy palaboy ay yung 'pasaway' effect nila. Kung may x-factor tsaka MTV factor syempre may yourtube factor na ren. I mean they so damn genuine; with some exception of course--kaya lang makikita sa mo dalawang taong ito ay ang aura na ang kadalasang nagiging response ay: 'langyang walang magawa sa buhay talaga oh.' It's cool. Wahahahaa...homemade MTV lip sync with props and all, the best yung casting: yung tita nila sa background tsaka yung sister nilang bagong ligo. Hmm...walis tambo, foley at syempre sino bang gamer at net adik ang hindi makakapag-relate sa mga friends sa internet shop na napagkasunduang sumayaw na anything-goes sa saliw ng musikang 'low'. Kala nyo kayo marunong gumamit ng payong tsaka maglaro ng rubik cube? LOL x 33,000. Greedisgood 9999999. The rhythms and timing pare, shet. It really turn me on na parang ilaw. Hindi ko alam kung ano na naman ang ipapangalan ng mainstream media sa pinagagawa ng moymoy palaboy na 'to, but one thing is sure, fuck my cliche--nakuha nila ang kiliti ng mga pinoy. At mga banyagang hindi pinoy. At syempre anjan na rin yung sinong TV station ang kukuha sa kanila. AT meron na nga. AT ang panget sa mga TV stations natin, if your working for one TV station don't expect na mafi-feature ka sa kabila even if you are worth the scoop. Na feature ba sila? Hmm...but hemingways, the old man in the sea is with Annabel Lee, moymoy palaboy will shine and will burn out, and it will be fast. Yung isang bagay na nagpapasikat is the same thing that will make people get tired soon. Unless may maiisip isang baong gimik na kukuha ulit ng atensyon ng tao. Teka, teka, teka; bakit ko ba sila sinusulat ngayon? Kagabi ko pa lang na-encounter videos nila ah. Hindi kaya ganito talaga ang epekto sa akin? Hindi kaya...apektado lang ako? Hindi kaya sa appeal ng salitang moymoy palaboy ako na-engganyong magsulat ulet dito sa blog ko? Actually dapat ang topic ko ngayon ay yung guilty pleasure na nararamdaman ko because of the blessings I have. I want to talk about philosophy of everyday life--yung tipong springboard ko ang daily routine to make a point to the world that...that...that something is out there. Puchang moymoy palaboy yan apektado pati sensibilities ko. Habang sinusulat ko 'to, it's exactly 11:28 am sa relo namin at medyo sunog na yung niluto ko dahil ayaw kong naiistorbo. I want to talk about how video kill the radio stars and how internet kill the video stars. Yung installation art sa Daet na pinag-usapan namin ni troy ay inatake ko kaagad ng; kung ang painting at sculpture nga ay mahirap gamitin bilang komunikasyon, installation art pa kaya. AT sa hirap ng buhay ngayon, sa elitistang dating ng sining--mapa literatura at fine arts, mahirap ng makipag-commune at communicate sa karaniwang tao. Saan ka tatakbo? Seryoso. Ang isa pang problema sa sining natin ay yung unintelligibility ng mga sining natin na kung saan minimal din ang dating sa affective na level. Kung meron man absurd at obscure, trying hard na mysterious effect pak shet. Ilan ba sa mga alagad ng sining natin ngayon ang nakapag-isip na kelangang dalhin sa mga tao ang sining, hindi yung tao ang dapat umakyat kung saan mang level andun ang sining na 'to. Oo na. Mas mataas ang aesthetic needs kesa sa basic needs natin ikanga ni Abraham Maslowe, kung kaya't, dapat lang; huwag na nating palakihin ang agwat ng masa sa mga alagad ng sining. Napanood ko minsan yung tungkol sa paglalagay ng tula sa LRT sa TV at may nabanggit si Rio Alma na ang pinoy ay walang kaluluwa; siguro totoo nga dahil ang literatura ay nakakapagsilbing batayan kung paano tayo gumagawa ng desisyon. AT higit sa lahat dito natin nahuhubog ang isang importanteng bahagi ng ating sarili; ang ating value system o values. Minsan ko ng nasabi na hindi na ganun katalino ang mga artists natin ngayon pero hindi ito dahilan para hindi na sumubok pa. Ang karamihan rin ng mga tao ay hindi na rin ganun ka-'buti' pero hindi ibig sabihin na wala ng pagkakataon na magpaka-buti. Art is a very good medium to educate people. Education is different from learning. Education is not pedantry. Education is my course. Habang patapos na ang essay na 'to na walang kasiguruhan ang saysay, nakikipag-bolahan na naman si Edu sa mga players ng Game ka na ba. Word count: 977. Kelangan ko pa ng 23 words para mameet yung quota kong 1,000. Ano pa ba? 'kasi na-meet ko dun yung husband ko' sabi ng isang contestant. 'kasi dati yung dream kong makapg-trabaho sa bangko..' 'Ah meron rin ho kaming tindahan.' 'Well, I wish you luck' sabi ni Edu. Natanong nyo na ba sa sarili nyo na: 'kaya ko kayang ikwento ang buhay ko sa wowowee o kahit maliit na detaltye sa game ka na ba? In return, bibigyan ka ng kung magkano man ang mapapanalunan mo.' Ako? Hindi. Baket? Ano ako feeling close? Wahahaa...1.071 words. Finally.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home