sex and the art of motorcycle maintenance 11.b
Pinalitan ni Tay yung motor oil ng motor. Mataas na ang bakod ni Manalang. Wala pa rin akong trabaho. Hindi ko pa rin alam ang saysay ng Blog Entry na 'to. Ngayong 1:38 am ng gabi, hinihiling ko sa Diyos na sana magkaroon ako ng masaya't masaganang sex life--bago ako tuluyang mag-mission. Totoo lang ako sa sarili ko. Pagdating sa sex sige lang. Pero pagkatapos nito ang unang linyang pumapasok sa kokote 'let's get over this and let's get out of here'. Sex is a need. Kaya nga mahirap maging santo. Isa ito sa mga kelangan isakripisyo. Pasintabi kay Mother Teresa; I'm not sure kung nagkaroon sya ng sexual life bago sya nag-misyon. Jesus Christ; siguradong meron. Kakaiba rin kasi ang temper ni Jesus Christ sa Lost Books of the Bible. Makulit din siya nung bata pa siya at nagkaroon ng insidente na uminit ang kanyang ulo at maraming taong nabulag. Anyway, balik tayo sa sex. May dalawang klaseng sex; yung sex dahil sa lust at yung sex na nangyari dahil making love daw. Bilang isang lalake--siguro ang mga babae ngayon ay ganun din--may dalawang mode talaga ang sex. Nakikipagsex dahil sa libog at nakikipagsex dahil sa kagustuhan na magkaroon ng anak. Mas nakakatakot yung pangalawa dahil sa: responsibilidad at kadalasan hindi ito basta ginagawa kung kani-kanino lang. Lalo na't kung ika'y gusto rin magkaroon ng matinong pamilya. Habang yung casual sex na tinatawag kahit kanino basta pwede at pasado sa pinakamababang rating sa standard natin. Virginity? Uso pa ba yan ngayon? May balak akong mag-asawa pero matagal ko ng sinuko ang kaisipan na dapat ako ang makauna at ako lang para sa aking asawa; year 2008 na kaya ngayon. Ikanga ng isang kaibigan kong babae; 'don't make a big issue out of a small tissue'. Naisip nyo na ba kung ano kaya walang sexual needs ang isang tao? Ang hirap maging santo. Masarap isipin na ginawa ni Abraham Maslowe ang hierarchy of needs para mas maintindihan natin ang pagiging tao kaya lang minsan ito na rin ang nagiging dahilan para i-justify natin ang kasalanan natin. 'NAgbate ako kasi nililibugan ako.' Parang ganun na kung wala ang psychologists o philosopher na katulad niya ay wala na tayong alibi para magkasala. Kapag sinabing bawal ang makipagtalik sa hindi mo naman asawa kapag nilabag mo, kasalanan mo 'to automatic. Wala ng kasi ganire, kasi ganun. Katulad na lang ng same sex marriage sa california (tama ba ako o baka sa Pakistan?). Ginawa nilang legal 'to para mapayagan na nga yun may mga gusto sa bagay na 'to. Tama. Legally correct. Morally...ehem. Isa itong produkto ng katangahan ng matatalinong utak sa ibabaw ng mundo. Ginagawang legal ang isang bagay para hindi kondenahin ng lipunan; kahit moral degradation ang kapalit. Appeal to reasons. Ito ang tinatawag kong appeal to reasons. Kung rational at matalino ka nga naman may punto at may dahilan kung bakit okay na ang isang bagay na dati-rati (at siguro dapat lang) ay hindi tama--dahil pinayagan na ito ng lipunan natin. SAme sex marriage; hindi na 'to bago ngayon pero noon bawal 'to. Ito ang 'everybody's-doing-it-so-why-can't-we syndrome. Inaantok na ako. DAmn. Ang baba na ng moral standards natin. SAna may magawa tayo. Kahit sa sarili lang natin. Muna. Word Count: 541.
Labels: essais
0 Comments:
Post a Comment
<< Home