sex and the art of motorcycle maintenance 8.2
Sa pangalawang pagkakataon, magpopost uli ako ng blog na gamit ang pc ng bayan ng cafe na ito; Marlone's cafe dito sa isang kalye ng Bagac sa Tondo. For precautionary measure, sinet ko muna yung setting ng options nitong Mozilla Firefox sa automotically delete all private data upon closing the browser with matching check sa check box ng saved password. Chineck ko rin yung 'Never for this site' yung tanong na: 'Do you want this site to remember your password?' Medyo maligalig ang araw ko ngayon dahil sa mga sumusunod na bagay: kelangan kong pumunta ng UP ngayon kaya lang hindi pala nalabhan ni Miriam yung damit ko; kelangan kong ayusin yung data ko sa PBMA kasi nagiging mahigpit na sila sa ID system--balang araw kasi mahihirapan na ang taong makapasok sa kanila; at ang pinakamalala ay paubos na ang pera ko para sa date namin ni Jen kasi bumili ako ng mga libro at ilang komix, bukas pa kasi kami magkikita. There's a sudden shift of priorities nung pumunta ako ng Rizal kahapon. Ano ba ang ipinunta ko dito sa Manila? Ang maghanap ng mapapangasawa? O ayusin yung dapat ayusin sa buhay ko? Gusto ko na talagang ayusin ang buhay ko at sa pagbabalanse ng lahat-lahat totoo nga palang may kelangan tayong isakripisyo. Kung ako masusunod, gusto ko sa TAbaco na lang ako--kaya lang parang may nagsasabi sa akin na may kelangan akong puntahan at kelangan gawin. Hindi yun ang paghahanap ng mapapangasawa basta ang naiintindihan ko lang ngayon I should be here in Manila when it happens. WWIII? Not sure. Ang ilang bagay pang bumabagabag sa akin ay ang mga proyektong maiiwan ko sa Tabaco na kelangan ko na talagang iwan. SAbi sa akin ni dat: why sigh? SAgot ko naman: kesa naman Some of the blessings worth considering right now are the people around you whom you called 'friends'. I'm glad that Erik, JImple and Dat really do put up with this kind of blogging I do. Wala eh. Kelangan daw kasi nating i-remind sarili natin sa pagsasalita once in a while sabi ni Jimple. Ang sabi ko naman, gusto ko ng maramdaman na may ginagawa ako. I've bring down lots of people. Marami na akong na-disappoint. Sana ang ginagawang ito ay isa mga paraan to undo those...you know. Kakatawa yung contestant sa isang beauty pageant na hindi alam ang isasagot dahil hindi siya proficient sa English dahil 17 years old pa lang siya. Malapit na ata ang judgment day, naisip ko psychological yun collectively. Naramdaman nyo bang gusto nyong sumigaw sa loob ng mall, library or any public place ng: 'mahal ko kayong lahat!'? It sounds corny, pero several times ko naramdaman yun. Kung may kabaliktaran ang anxiety attack tsaka paranoia eto na yata yun. Hindi mo alam kung ano ang dahilan pero mararamdaman mong kaya mong mahalin 'sila' na wala namang kinalaman sa iyo bukod sa kanilang pagiging tao. Korni 'no? Nung na-experience ko yun eto lang ang naalala ko; it was an experiential insight of the lines: 'we are all children of GOd', and 'Namaste--I respect the God in you'. Talagang ang korni. Kaya lang pag nainternalize mo yung phrase na 'lahat tayo ay magkakapatid' ganun ang mararamdaman mo, the whole world is a one big family. Tsk tsk tsk. Spiritual cliche. Hindi nyo ba alam na ang behavior ng panaginip natin ay dependent sa immediate behavior natin at ang manifestation nito ay dependent sa ating values at personality. May parallelism kasi ang experience kong ito sa panaginip. Kapag positive yung outlook natin sa buhay, positive din and buhay; wtih exceptions. SA panaginip naman, the more we get scared the scarier the dreams become. I vividly recall one of my dreams kung san napractice ko yung technique na 'lucid dreaming'. May naka-engkwentro raw akong itim na kabalyero. He's charging towards me in a narrow alley where avoiding his attack is impossible. Kadalasan ang nagiging response ay ang A.)tumakbo o B.)lumaban; hindi ko ginawa yun dahil alam kong nananaginip lang ako, bagkus tumayo lang sa kinatatayuan ko at nagtanong ng; 'bakit?' 'ano ang kailangan mo?' Tumigil sya sa kanyang pagsugod at bumaba; sa scene na 'to naramdaman kong alam nyang alam ko kung sino siya at binigay niya sa akin yung espada na black jet ang kulay. Tapos umalis siya sabay paalam na waring nagsasabi ng 'gudluck'. Subukan nyo minsang huwag magpadala sa takot kapag kayo nananaginip at madidiskubre nyo na magbabago ang behavior ng mga monsters sa panaginip nyo. Huwag rin kayong magagalit. It sounds korni pero kapag sinubukan nyong maging compassionate kahit gaano man kalakas o kalaki ang monster sa panaginip nyo nagigi silang maamo at ipapakita nila ang kanilang tunay na anyo. Psychological cliche 'no? Mas masarap 'tong subukan sa totoong buhay at mas challenging. SA technique na ito nadiskubre ko ang ibig sabihin ng linyang: 'Do not resist evil' na nakasulat sa Bible. Ito yung linyang nauna sa katagang: 'kapag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay...' Anyway, hindi ko na iaarticulate pa dito ang bagay na 'to pero subukan nyo lang. Kung hindi nyo kayang mahalin ang iyong kaaway sa totoong buhay kahit sa panaginip na lang muna. Mula sa iskinita ng Sun City at Spawn it will slowly transform into beaufiul sceneries with matching 'Sound of Music'. Word count: 884
Labels: essais
0 Comments:
Post a Comment
<< Home