.comment-link {margin-left:.6em;}

literary sketches

a collection of literary sketches

My Photo
Name:
Location: Tabaco City, Albay, Philippines

I am an eclectic cognitariat, a missionary on furlough trying to redeem himself.

Saturday, March 07, 2009

sex and the art of motorcycle maintenance 1

I am not Robert Pirsig. This literary sketch has little to do with sex and motorcycle maintenance; gusto ko lang na gawin syang title na novel na ito. Hindi importante kung paano ko 'to sinimulan. Mas importante kung kaya ko itong tapusin. Hemingways, habang ginagawa kung ang unang chapter na ito walang ibang bumabagabag sa aking isipan kungdi ang petsa ng araw na 'to: July 4, 2008--happy independence day sa mga kano. Sana masaya na kayo sa pinagagawa nyo sa mundo. Maliban sa ilang mga bagay-bagay na gusto kong sirain sa batas ng paggawa ng nobela pipilitin kong gawing isang paragrapah lang ang bawat chapter. Naalala ko kasi yung ginawa ni Nick Joaquin sa isang libro tungkol sa mga National Artist ng Pinas. Akalain nyo ba namang isang paragrapah lang ang ginawa niya pero umabot ito ng dalawang pahina. AStig. Parang Koran ang dating. At dahil nga paninindigan ko rin ang experimentong proyektong ito; sana, sana, sana...matapos ko 'to kahit 23 chapters lang katulad ng '23' na pelikula kung saan bida si Jim Carrey; cool din yun. Minsan naisip ko sana wag ako magkaganun kasi may konti rin akong alam sa numerology and medyo nakakatakot din yun; lalo na kung walang mintis ang paghuhula na ginagawa ko. Habang ginagawa ko 'to, nanonood ng TV si tay sa sala kung saan nakabalandra din ang PCng 'to. peste kasing kuwarto ko, masyadong maliit para pagsiksikan ang computer table and all; kunsabagay blessing in disguise na rin, ayokong may nang-iistorbo kapag nasa loob ako ng kuwarto. Communal PC tong ginagamit ko. Ahah! Alas nueve na ng gabi, bagong pelikula na naman sa channel 11, 36 at 40. Nagiging movie buff na rin ako in this past few weeks kahit papano kasi inienjoy ko na ang walang hanggang bakasyon sapagkat, datapwat, disinpaman ako'y gradweyt na. Pakshet yung thought na wala na akong baon; gusto kong mag-aral ulit kahit M.A. kaya lang parang gusto kong mag Ph.D. Whoa! Hindi ko lang alam kung papano. But I like the thought na after 3-4 years, Dr. Giovhanii Buen na ako...pwede rin Giovhanii Buen Ed.D or Ph.D. cool. I'm so vain. Shet. Pagdating siguro sa mga pedantic eclat at kagaguhan sa pedagogy; teeacheeer kasi ako. Yo. Naisip nyo ba minsan na ang mga greeks at hebrews writing nun ay walang spacing; I mean shet. paano nila yun nadi-decipher? Ang galing di ba? Kaya nga siguro mas matatalino ang tao nun kasi sa mga ganung bagay; isang komposisiyon o sulat na walang spacing, minsan wala pang vowels pero naiintindihan nila. Eh, ngayon? Kompleto na sa lahat ng mga grammatical innovations, inventions to make things convenient di pa rin maintindihan. Vovolycopakshet! Just think about it. Noong nasa high school pa ako, isa sa mga bagay na kinaiinisan ko ay kapag periodic exam na. Syempre maraming typographical error yung mga test questionnaire kasi pinoy tayo and there's these numbskull classmates of everyone na panay ang tanong kung ano ang ganito o ganyan na kung tutuusin eh kaydali lang makita kung ano yung simpleng mali na pwede rin koreksyonan on-the-spot pero nagtatanong pa rin sa proctor. These are the suckers of our society. May teorya ako na ang pagiging maepal at kurakot ng mga pinoy ay natutunan sa tahanan at nahuhubog sa paaralan. Nung recognition day sa Aquinas University of Legazpi--masakit man isipin na dun na ako grumadweyt imbes na sa peyups--naging dean's lister ako for two sems. Whoa! Kung nasa UP ako imposible yun pero sa AUL, kahit ilang linggo na akong umabsent catchup pa rin, minsan ahead pa nga. At kahit yung huling dalawang semester ko sa AUL ay kasagsagan ng pagiging tomador ko; naka-dean's lister pa rin. Hahahaa...in monotonous inflection. Bottom's up mga ka-AQ. Anyway, back to the topic kung paano nagiging suckers ang mga tao; there it was, habang nagbibigay ng program--nagkalat ang mga tupperware sa loob ng kuwarto. Nag-ipon ipon ang mga nasa top ranking kung sino ang may pinakamataas na grado; nandun na rin yung aura na 'cum laude friend ko, kaya cum laude rin ako kahit hindi' and kung makikipagsabayan ka sa mga honorables sa time na yun you're going to discover na hindi naman talaga sila matatalino; masipag lang at magaling pumapel. I don't want to be cynical but what else can you call a group of hypocrites like this? Libelous ba 'tong sinusulat ko? Hmm...identify youself first kung ikaw nga tinutukoy ko. 20/20 is not an IQ. Stream of conciousness, stream of consciousness, stream of...umm, ahhh, ooh; paano ba nila ginagawa yun? Di ba mas mabilis ang utak kaysa sa kamay? Paano nila isusulat yun..yung, nauuhaw ako. WAit lang. Inom muna ako ng tubig. Shet. Para akong chicks. Ok back to typing. ALam nyo ba yung name ng terrorist na tumatakbo ngayon bilang presidente? Sirit? Syempre si Obama Bin Laden. Wahahaa...korny. Nasubukan nyo bang tanungin ang sarili nyo 'what makes thing funny?' Ako minsan lang, pag nakakalimutan ko ang ibig sabihin ng korni. BUt don't you know that most intelligent people have unusual sense of humour. Hehee...ayaw mong maniwala? Heheee...yun nga lang may kasabihan din kasi; 'there's a fine line between genius and madness'. Comprende? X-Mem III pala ang pinapanood ni Tay sa TV, yung last stand. Sayang and project na 'to. Pangit yung production design--sa standard ko, tnipid yung special effects, palpak yung casting, daming character na na-overlook at hindi binigyan ng role...masydong matangkad si Hugh Jackman para maging Wolverine. Sa character stats 5'3" lang si Wolverine. Nawalang power of flight si Rogue; hindi na rin sya kasing lakas Matvel Girl. At wala si GAmbit. If I sound like I really rail a lot, try mong magbasa na comics ng Marvel bago namatay si Professor X at bago nagkaroon ng Phalanx. Bago naging animesque ang illustrations nila. Adam Kubert is still da best!! Cheap yung helmet ni Magneto--kung nila yun na katulad ng helmet sa 300, astig! Alisin lang yung paplong ng manok na signature ng Roman soldiers.Okay. Ilan na kayang character natype in less than an hour? 1,002 sabi ng Microsoft WOrd Office 2007.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home