.comment-link {margin-left:.6em;}

literary sketches

a collection of literary sketches

My Photo
Name:
Location: Tabaco City, Albay, Philippines

I am an eclectic cognitariat, a missionary on furlough trying to redeem himself.

Saturday, March 07, 2009

sex and the art of motorcycle maintenance 4

Have you tried looking for love using the internet? Halos may 2,310,000,000 resulta ang lumabas sa google search engine. Nakakalungkot isipin di ba? May 2 bilyong sagot paghahanap ng bagay na 'to pero kahit isa sa mga ito ay hindi direktang makapagbibigay kung ano talaga ang ibig sabihin ng pag-ibig. Depinisyon bilang salita; oo--maraming entry. Pero bilang depinisyong pang-karanasan at saysay sa ating miserableng buhay; wala. Kadalasan, hindi lang pag-ibig ang hinahanap natin. Minsan saysay o di kaya silbi sa buhay. Bukod sa kung ano ang ibig sabihin ng buhay na madalas nating ginagawa kapag hawak natin ang remote control kapag tayo na lang ang nanonood ng tv dies oras ng gabi. Ang peace of mind ay hinanahap din sa sofa o di kaya sa duyan. Bakit ba tayo nagsusulat? Meron tayong sari-sariling sagot bukod sa sanaysay ni George Orwell at Joan Didion na 'why i write', madami...need to communicate, eclat. Basta alam na natin 'yun. Nakakapagod na ring humingi ng paumanhin on behalf of the pretentious, pero ganun pa rin we write because we chose to. Freewill; naalala ko tuloy yung tito ni Rose. Illusion lang daw ang freewill. Napag-isip ako dun. Ang sabi ko sa sarili: pwede. Matagal na rin akong hindi naka-encounter ng mga pag-uusap sa ganung level. Malalim. Kaya lang sa pagkakataong iyon mas mataas na ang reservation ko sa aking sarili dahil naranasan ko na ang mapagsamantalahan sa mga mga intelektwal na usapan. Intellectual parasites ang tinutukoy ko. Kaya nga siguro sa mga nakakakilala sa akin nagtataka siguro sila kung ba't ngayon pa ako naging mas tanga sa paningin nila. I just want to prevent people get the better of me. Until now, naniniwala pa rin ako na human nature is innately good kaya lang kelangan ko na ring depensahan ang aking sarili. Dati-rati hindi ko iniisip ang posibilidad na pagsasamantalahan ako ng kapwa ko, kaya lang habang tumatanda tayo mas nabubuksan ang ating mga mata sa sistema ng katotohanan na pumapaligid sa atin. Sabi nga ni Jose Mari Chan 'our world's getting old and that friends are harder to find'. Hindi ko alam kung anong complex meron ako ngayon. Mas gusto kong maputol muna ang komunikasyon sa mga taong malapit sa akin at mga taong tinatawag kong kaibigan kasi nalulungkot ako. Ayaw kong maging pabigat sa kanila. Kadalasan ang nagiging tanong ko sa sarili bago kami magkita: 'ano ba'ng maitutulong sa kanila?' kasi kung wala mabuti pang wag muna kaming magkita. Kung wala rin lang namang pag-uusapan at gagawing importante mabuti pang huwag na lang. Sound cold. Nagiging rational lang ako; utilitarianism. Di ba kadalasan bumibisita sa atin ang mga kaibigan natin dahil may kelangan sila? Naranasan ko na ang minsan tanungin ako: 'ano'ng ginagawa mo dito?' ng isang taong tinuring kong kaibigan at napagtanto kong my mere presence was not appreciated because he doesn't need anything from me. Ganun nga siguro mag-isip ang mga tao ngayon. Kaya mula noon sinabi ko sa aking sarili hindi na ako pupunta dun hangga't hindi kinakailangan. Oo nga naman, ano ang purpose ko ba't ako nandoon. Mula noon, kapag naramdaman kong nagiging pabigat ako sa sitwasyon ng ibang tao, o bago pa man magkaroon ng pangalan ang pakiramdam na 'unwelcome' o 'busy' o kung anuman na magbibigay ng clue na 'you should'nt be here' batsi na ako. Kadalasan mas masarap maki-jamming sa mga bata. Hindi nila iniisip yun. Kaya nga siguro education ang natapos ko. Tumatanda ang ibang tao na pakitid ng pakitid ang utak. Nalilimutan na nila yung pagiging simple ng buhay. Ayoko ng sinusulat ko ngayon kasi pinapakita nito ang isang panget na bahagi ng buhay. Naipangako ko pa man din sa aking sarili na 'do not requite evil with evil'. SAna hindi ganun kabigat kung isusulat ko ang nararamdan ko. Fuck! Para akong chicks. Whine. Bridge of/to Terabithia. May pelikula na sya ngayon. Medyo pangit yung narinig ko sa aking kaibigan tungkol sa pagkakadiskubre nya ng buk na yun na shineyr nya sa iba. Doon ko napag-isip isip na gusto nya sya lang ang may alam nun. Napangiti na lang ako kasi nagkaroon na ng kasagutan kung bakit ayaw nya akong bigyan ng photocopy ng ilang vedic writing tungkol kay Krishna at sa Bhagavad Gita noon. Nasabi ko sa aking sarili na kung ako nasa kalagayan niya hindi ko ipagdadamot ang bagay na makakatulong sa spiritual growth ng ibang tao. Ano yun? Gusto nating maging enlightened by depriving our neighbor a chance to learn and discover the truth. Sabi nga ng misyunaryo na naging mentor ko sa maikling panahon: 'kapag may humingi sa yo ng divine words, ibigay mo kasi galing yan sa Diyos. Hindi yan atin.' Oo nga naman. Ba't tayo magdadamot kung ang lahat naman ng ito ay galing sa Kanya? Ang kaalaman daw ay isa sa mga bagay na kahit i-share mo sa iba ay hindi ka mauubusan. Ayoko ng magtanong kung ba't may mga taong madamot. Siguro taliwas lang ang ginagawa nila sa ginagawa ko. Pero minsan o di kaya'y kadalasan, ako'y madamot din. Ayokong binibigay na lamang ang oras ko sa ibang tao. Pati na rin atensyon. Natuto na ako. Marami sa mundo ang ingrato. Agosto na pala ngayon. DApat nung lunes pa ako sa manila kasi sabi ko kay dat na baka pumunta ako sa manila para imeet yung ipapa-meet nya sa akin. SAna sya na nga. Medyo kakaiba ang magiging proposal ko ngayon; siguro direct to the point na. No more bullshits. Ayoko ng paliguy-ligoy because it all comes down to one thing in the end; yes or no. Kung may isang bagay na dapat kong ipagmalaki ay sheer honesty at yung kakayahan kong to give a damn. Ganun lang naman yun di ba? I may be a difficult person pero madali akong kausap. Word count: 958.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home