.comment-link {margin-left:.6em;}

literary sketches

a collection of literary sketches

My Photo
Name:
Location: Tabaco City, Albay, Philippines

I am an eclectic cognitariat, a missionary on furlough trying to redeem himself.

Saturday, March 07, 2009

sex and the art of motorcycle maintenance 7.1

Dati may aso kaming nagngangalang S-26, hindi niya alam kung aso siya o pusa. Kadalasan kasi kapag tinatawag namin ang mga alaga naming pusa, sa tunog na: 'ming, ming' pati siya ay lumalapit/dumarating. Ang aso naming ito ay kulay puti na may kulay brown na spot sa kaliwang mata. Matapang, malambing at medyo boobita. Wala naman siyang alam kung ano ang pera pero sa hindi maunawaang kadahilanan madalas niyang tinatangay ang nasisingil na pera ni Nay; kapag binibilang ito ni Nay sa sofa. Cute pero iba ang pumapasok sa kokote ko kapag nakakakita ako ng aso na may bitbit na p50 bill. Meron din kaming pusa na ang pangalan ay Wang. Siya ay kulay itim. Bihira lang ngumiyaw dahil na rin sa inferiority complex. Madalas sa sofa natutulog. At kapag gabi gumagana ang kanyang kapangyarihan na 'invisibility'. Hindi siya gaano malambing kumpara kay S-26. Seryoso siya, hindi kelanman nakipaglaro sa amin simula ng magbuntis at manganak at ng itapon namin yung unang batch ng mga kuting niya. Nakakatakot siyang tingnan dahil from head to tail, itim na itim siya. Para siyang eveready at black cat tea, ang pangalan niyang Wang ay diminutive ng salitang aswang. Si Gie ang nagpangalan sa kanya. Kung si S-26 ay may identity crisis at si Wang ay may inferiority complex dahil sa kanyang itsura, meron pa kaming isang pusa na nagkaroon ng gender problem dahil sa pangalan na binigay ni Gie. Ang pangalan niya ay Wendy. Ang kuwento ng buhay niya ay nagsimula ng mapulot siya ng kapatid ko sa BUTC, inampon, inalagaan, pinalaki at binigyang pangalan na Wendy dahil napagkamalan siyang babae. Si Wendy ay madalas matulog sa ibabaw ng mga libro ko sa kuwarto, minsan naman sa ibabaw ng coupon bond. Kung may isang pag-uugali na kakaiba sa pusang ito ay ang kakayahan nitong umakyat ng matataas na lugar, katulad ng kisame at kawalan ng diskarte kung paano bumaba. Kapag sa dies oras ng gabi may narinig kang pusang ngumingiyaw sa taas cabinet o kung saan pa man, si Wendy na yun. Kadalasan itong mangyari sa loob ng kuwarto ko dahil ang ibabaw ng cabinet sa kuwarto ay puno ng mga teddy bear. Kung may nakakapagsunduan ang mga alaga naming hayop sa bahay ay ang manggulo ng natutulog, nag-aaral at kumakain at nanonood ng TV. Naranasan mo na bang magising sa gitna ng gabi dahil may isang mabalahibong nilalang na naglalakad sa ibabaw ng kumot mo at sa pagmulat ng iyong mga mata ay may mukhang nakadungaw sa iyo; at ang mukhang ito ay mukha ng pusa na gustong lumabas sa silid mo na hindi mo alam kung paano nakapasok. Ito ay gawain ni Wang lalo na kapag naiihi siya sa kalagitnaan ng gabi. Hindi lang yan; minsan kasama niya si Wendy sa pagroronda na ginagawa nila sa loob ng bahay. Kapag nag-aaral naman ang aking kapatid dito naman nakikisawsaw si Wang. Kung nasaan yung mga papel doon naman siya mahihiga. Kapag kumakain kami, tsaka naman siya magpapakandong with matching massage on the lap using her claws. AT ito ang da best na antics ng pusa namin; kapag nanonood kami ng TV, may makikita na lang kaming anino ng pusa na dumaraan sa harap ng screen. Ano ba yan? Pati ba naman mga pelikula sa TV ay pirated na rin? Word count: 547

0 Comments:

Post a Comment

<< Home