sex and the art of motorcycle maintenance 7.2a
There's a full moon tonight; habang pauwi ako. Full moon reminds me lot of things. Naalala ko yung gabi na pumunta ako sa bahay nina Rose. Nadatnan ko sya sa kanilang kuwarto--2nd floor ng GBRAEN Bldg.--gaya ng dati wala syang ginagawa; sometimes I think she was a bum like me--nakatayo sya may bintana and she told me: 'look.' Tumingin naman ako sa labas ng bintana para tingnan kung ano yung tinitingnan nya at tumambad sa akin ang bilog na buwan. Napangiti ako. For the next 15 minutes nakatunganga lang kami sa may bintana. 'Ang ganda niya 'no?' sabi niya sa akin. 'U-huh.' sagot ko. Nadatnan kami ng pinsan niyang si Mike na ganun at yung mukha niya parang nagtatanong ng: 'ano'ng ginagawa nyo?' Wala lang. Isa pang bagay na naalala ko sa full moon ay yung gabing papunta kami ng Manila para sa Inkblots sa UST. Simple lang naman ang nangyari: bago matapos ang gabi may babaeng natulog sa payat na mga bisig ko. It was the first time I felt the physical warmth of a girl while sleeping. Honestly, mas masarap ang pakiramdam kesa sa sex. Other memories include beach at night in Calaguas Island, walking home along katipunan avenue after National Bookstore closes at 9, walking from Philcoa to Balara late at night, travelling to Manila, and the night I was sideswiped when we accompany Deanna home. There's something about full moon. Naalala ko rin yung nagbakasyon ako sa Paracale and I taught this girl, who is just starting to learn how to play guitar, the song 'Lover's Moon' of Glenn Frey. Kadalasan, ang buwan din ang testigo kapag nag-uusap kami nina Jimple at Chan sa karangahan 10 years, 11 years ago--about anything under the sky. Nung naglakad kami galing San Antonio dahil wala na kaming masakyan naalala ko rin. Chan liked the idea and unfortunately may dumaan na tricycle pagdating namin sa SAn Vicente and nakasakay kami. Si Erik naalala ko rin. Mahilig kasi syang mag night walk nung wala pa si Arcee sa buhay niya. Yung mga gabing wala kaming ginawa ni Jimple sa boarding house kungdi ang magbasa at magsulat. Naalala ko rin. Kinaumagahan dumating na lang bigla sina Lorie. Word count: 369.
Labels: essais
0 Comments:
Post a Comment
<< Home