sex and the art of motorcycle maintenance 7.2b
Bukod sa mga romantic memories na dala ng full moon, naalala ko rin ang mga gabi na wala kaming ginawa ng ilan sa mga kaibigan ko kungdi ang maglaro ng PS2 sa apartment nina Chan sa Daraga. Ang paborito namin ay 'Need for Speed 2' at ang paborito kong sasakyan ay ang 'Ducati' minsan naman ay yung police patrol car. Pero kadalasan, mas gusto kong matulog at manood ng naglalaro ng PS2. Lalo na kapag nilalaro ni Chan yung 'Silent hill 2' o yung Grand theft. Pareho kami ng idea sa grand theft; magnakaw na motor, bubuksan ang fm station at mag-iikot lang ng mag-iikot sa city habang nagsa-sound tripping. I really love that apartment in Daraga; bagay sa mga taong tulad ko--a bum, an artist and a gamer. Kapag nasa loob ka kasi ng apartment na yun hindi mo alam kung ano'ng oras na, literally. Hangga't di mo tinitingnan relo mo. Wala kasing wall clock sa apartment na yun. Meron akong experience dun na akala ko 9am pa lang pero 3pm na pala at akala ko 11pm pa lang pero 4am na pala. Dun lang sa lugar na yun disoriented ang sense of time ko. Masaya. Kakaibang karanasan. Kapag 11pm na, yayain ko ng lumabas si Yani na lumabas para maglaro ng Ragnarok hanggang madaling araw sa Green Beret. Ang bilog na buwan din ang nagpapa-alala sa akin sa mga dati kong kalaro ng chess sa Bagac sa Tondo. SA panahon na iyon, parang kulto na ang paglalaro ng chess dahil nauso siya nung namalagi ako sa lugar na iyon. Habang ang iba ay naglalaro ng basketball, kami naman ay nasa tabi naglalaro rin ng chess. Pero kadalasan, yung ibang naglalaro ng basketball ay nakikipaglaro din ng chess; habang nagpapahinga sila. Ang kadalasan kong kalaro ng chess dun ay si Mang Nestor; siya ang taong ni minsan di ko nakitang 'sober'. Masaya siyang kajamming sa pagtambay. Si Mang Berto; materialist syang kalaro--pawn, rook, bishop, mas importante sa kanya ang piyesa kesa sa tempo. Si Esoy, yung anak ni Mang Benjie na madalas ding kalaro ni Tito Alan sa paglalaro ng chess; pustahan. Si Raymond; yung masipag mag-aral. Si Anthony; yung magaling sa basketball at magaling pa sa chess--marunong sya ng mga chess opening. Naalala ko rin yung mga gabing nakatambay lang ako sa kalye ng Bagac nagtatanong kung ano na ang buhay ko. 'Ano na nga ba ang buhay ko?' Dun ko rin naranasan na komprontahin ng babae sa tono ng 'balita ko may gusto ka raw sa akin.' Nakakatakot pala. Lalo na't medyo naka-inom na yung girl. Ang bilog na buwan ay may mystical power daw. Naniniwala ako dun. Ang senaryo ng bilog na buwan sa dagat ay madalas kong maalala, hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita ang senaryong yun. Sa di kalayuan may mahabang sand bar/dalampasigan at may light house. The scene looks familiar but I'm not sure if I really saw such scenery in real life. All of these are memories. Ano kaya hindi tayo pinagkalooban ng alaala? Miss ko na rin yung mga gabing madalas ako makitulog kina Deanna sa bahay nila sa Sikatuna. I vividly recall the night when she slept on the sala. I was up until midnight playing jeopardy on her computer. She looks beautiful on her pyjamas. I think the carpet was cozy and comfortable. Something must have happen that night. But I was too dunce to figure out how. Years later, I told her that that was one of the most beautiful scene I've ever seen. 'Bigyan mo ako ng copy pag nasulat mo' sabi niya. I end up sleeping on the sofa. Word count: 608.
Labels: essais
0 Comments:
Post a Comment
<< Home