sex and the art of motorcycle maintenance 6.2
Let's talk about art. I'm brimming with ideas this afternoon after I went for a walk--the thing I usually do to keep and create my momentum on my personal projects. Actually my technique is simple; If I want to keep my appetite for reading up, I stroll on the book section of any mall or department store which has one or [on] a bookstore. Window shopping ikanga. One of the things that popped into my head is the cult of unintelligibility. The second is the vulgar and unscrupulous plagiarism of the classics in the hands of..well...plagiarists. The latter came into my attention when I browse a book entitled 'Pabula' and 'Alamat'. And you know what happened; pagbukas ko, ang laman nito'y ang mga pabula ni Aesop katulad ng 'the ant and the lion', 'the fox and the grapes' et cetera and may drowing pa. Tama yung title ng mga pabula at tama ang title na 'pabula' sa libro sapagkat ito'y koleksyon ng mga pabula, ang nakakapangilabot lang ay nang tingnan ko ang cover at mga paunang pahina nito ang nakasulat ay 'Isinulat ni Karmina Santos'. WTF! Ibig sabihin siya ang nagsulat ng mga pabulang iyon? Wow. Isang lantarang pag-ako (pagnanakaw kung hindi naimbento ang euphemism) ng gawa ng iba. I mean, napakalaking bullshit nito. Habang sa likod ng iskaparate ay may ilang libro din pero iba ang ibig sabihin ng 'Compiled by...' kesa 'Isinulat ni...' Hindi ko alam kung paano ito pinayagang mailathala ng kanyang Editor na ang pangalan ay nakabuyangyang din sa harapan. Ang librong ito ay gawa ng pinoy. Kaya nga siguro minsan nawawalan na rin ng pagtangkilik sa sariling atin ang ating mga kababayan sa mga gawaing katulad nito. Bukod pa dito, may ilan ding El Filibusterismong aklat na naka-display at sa unang tingin nagkakaroon kaagad ako ng notion na malamang copy-paste version na naman ito sa gawa ni Laksamana-De Guzman; yung kulay red-orange na Noli at green na El Fili. Sa mundo ng literatura ng pinas yung pinakamababang uri ay tulad ng nabanggit ko. Mas nirerespeto ko pa ang mga writer ng mga tagalog love stories na ang cover ay kadalasan ay piktyur ng mga celebrity nirender sa colored pencil o maputlang water color. Ang trend na ito ay talamak halos sa lahat ng bukstore. Hindi lang mga literary works ang biktima ng kulturang ito, pati na rin ang self-help books, occults, book references, academic textbook na walang pasintabing kina-cut and paste at ginagawang booklet o pamhplet na mabibili sa pinakamalapit na bukstore near you. Parang mga entry sa DeviantArt.com/ 'How do i love thee...' written by anyone but Browning. Doon naman tayo sa 'cult of unintelligibility'. Simple lang masasabi ko sa miembro ng cult na ito: 'it does not make you intelligent just because your work is unintelligible.' Kasi kung hihimayin natin ang 'art' per se. Ang human perception ay hindi lang dapat i-consider ng isang artist kungdi pati na rin ang raional faculty nito. Considering the fact that literature is the art most immediate to man's rational faculty [ikanga ni Robert Morss Lovett] unintelligibility in literature is less forgivable than the other arts [sabi ko]. Painting, sculpture, architecture...but I think music with lyrics comes next to literature as well as film and theater arts--kung saan gumagamit na ng salita ang artist. Sa essay na ginawa ko noon na hindi maganda sa isang artist ang gumawa ng impresyon na siya'y magaling o di kaya'y matalino by making his works unintelligible. Ngayon ko pa lang napag-isip isip na 'there's a cult.' Anyway, hindi naman siya ganun ka-scary. Waiver: unintelligible is not equivalent to absurdism. May respeto ako sa ilang proponent ng movement na ito because I myself has the tendency to such tendency. Siguro ang gusto ko lang sa mga absurdists ay kahit papaano there's a sense behind those non-sense. It is exactly 5:15 pm dito sa amin and this time of day is not the best time to write. Mas okay ang tumambay sa pier o di kaya'y mag-joyride sa Honda wave 125 papuntang Tiwi o Ligao habang hinihintay ang paglubog ng araw. I'm not sure about the universality of what-time-of-day-is-the-best-to-do-which but my personal preferences goes like this; Best time of day to read: early in the morning until lunch and evening until/or before dawn. Best time of day to write: morning until after lunch and evening until break of dawn. Best time of day to make a song: late in the afternoon and evening. Best time of day to draw or paint: morning until you get tired in the afternoon, evening for comic illustration. Notice that the first few hours after lunch is not much of a favorite because of one word: siesta. Kung ikaw yung taong walang ibang ginawa kungdi ang magsulat, magbasa, gumawa ng kanta at magdrowing at magpinta, an afternoon nap is important lalo na kung minsan inaabot ka ng madaling araw sa mga pinagagawa mo. Once in a while you can break this routine. Go out and meet people, keep in touch with your immediate friends or acquaintance; siguro ito ang gagawin ko kapag okay na ako. Noong na-exile si Vladimir Lenin sa Siberia, sa kabila ng seryoso nyang pag-aaral ng communism, binabalanse pa rin nya ang kanyang lifestyle. Nagbabasa siya at mayroon din syang physical activities: isa na dun ang gymnastics. Gaano man tayo ka-busy sa ating artistic, intellectual o kahit spiritual pursuit, pagbabalanse pa rin ang isang napaka-importanteng sangkap para umusad na walang gaanong relapse. Si SAint Anthony of the desert, ayon sa isang anekdota, ay inutusan ng Diyos na lumabas at manirahan sa mag-asawang nakatira sa siyudad. Namuhay si Saint Anthony ayon sa pamumuhay nila at pagkalipas ng mga araw pinabalik din siya sa desyerto. Tinanong niya ang Diyos kung bakit niya ginawa iyon. Ang sagot ng Diyos ay katulad din ni Saint Anthony ang mag-asawang iyon, pareho nilang pinagsisilbihan ang Diyos sa iba nga lang na paraan. Anyway, what's the connect? Ang masasabi ko lang, it's unhealthy to live in hermitage if we want to grow. Word count: 1,002.
Labels: essais
0 Comments:
Post a Comment
<< Home