sex and the art of motorcycle maintenance 5
It's true that no one can help us except ourselves. [With some exceptions i.e. GOD.] I lost four years of my life to nonsensical gaming career which brought me nowhere; I became a Guild master and failed--I never even got the chance to reach level 99. As I was browsing the net to whatever left in me in the field of visual arts--particularly on comic illustration, I found that Komik Kon is now on its fourth project. Iba na ito sa first annual Komix convention na sinalihan namin ng kaibigan ko nung nasa UP pa kami. Yung mga fishball ninjas na na-encounter namin ay nandun pa rin. Isa sila sa mga active na participants sa event na ito--and may mga tagahanga na rin. Yung drowing ng Jimenez brothers ay naimprove na rin. May mga sikat na cartoonist na naging bahagi na rin ng annual event na 'to; por ehemplo si Pol Medina Jr. at syempre mga baguhan na siguro nung UP days ko eh high school pa lang sila. Ang kaibahan lang siguro nung first annual Komix Convention nung ca 1995-1996 ay iba na ang organizer at mas stable na kasalukuyang Komix Convention na nagsimula pa lang nitong nakaraang 2005. Whoa almost 9 years ang pagitan at sa tingin ko'y sa 9 years na yan kasama na diyan yung lahat na preparations. Habang hinahanap ko ang bagay-bagay na pwedeng makapagpabalik ng passion ko sa pagdrowing, nakakatuwang isipin na buhay pa pala ang comic industry dito sa pinas. At sa tingin ko mas madali ng bumuo ng convention ng mga indie comics at ng mga establisadong pangalan sa larangan na 'to dahil sa internet at cellphone, etc. Habang ginagawa ko 'to nararamdaman kong buhay pa ang mumunting apoy sa dibdib ko na ipagpatuloy ang orihinal na pangarap ko; ang magdrowing. Kung hindi sa pangarap kong magdrowing siguro kuntentado na akong makapag-aral at makapagtapos dito sa bicol. Yun nga lang, sa manila ako nag-aral dito ako nakapagtapos. Bukod pa dito, napagtanto ko na hindi ko kelangan ipressure ang sarili na makabuo kaagad ng isang anthology ng mga gusto kong gawin; pa-isa isa lang. Sapagkat nang tingnan ko yung blospot ko: k1ngfischer.blogspot.com/ masarap pakiramdaman na paunti-unting dumarami ang entry ko sa nobelang inaalay ko sa correspondent kong si Rei Mon 'Ambo' Guran. Ang nagmamadali, madaling mabali ikanga. Baka ipost ko na rin yung ibang chapters ng ALice Canfield at Trilogy na pinaplano ko. Hindi ko na rin kelangan pagsisihan ang pag-delete na ginawa ko sa mga nauna kong entry sa blogspot. Go on. Siguro kung hindi ko gagawan ng paraan kung paano babalik ang passion ko sa pagsusulat at pagdrowing, hindi ko matutulungan ang aking sarili na dumerecho kung san man ako papunta. Kahimanawari. Bukod dito, sana'y maibalik ko na rin ang active na spiritual ko katulad noong 1998-2001. Those were the days na matahimik ang buhay ko dahil okay ang relationship ko sa Kanya. Siguro sa mga darating na araw sisimulan ko ng i-post yung ibang chapter ng Alice Canfield sa blog. At kung ano pa man na pwede kong i-share sa ibang tao. Mas masarap mag-share kesa tumanggap. Lalo na't ang motibasyon mo masaya ka sa ginagaw mo at wala kang inaasahang ano pa man. Nanonood ba kayo ng House? Channel 33 dito sa cable namin, AXN channel. I like the main character kasi nakakapag-relate ako; his genius and his atittude. Alam nyo siguro ang pakiramdam ng mang-power trip at mag-ego trip sa mga colleagues mo, most of them will hate you but they end up loving you because you're indispensable and you're so damn incorrigible. And they know; ikaw yun. Yun nga lang, hindi medicine ang expertise ko. Mwahaaaha. Sa TV series na House, the main character usually gets away with his antics. Sa akin naman, since totoong buhay 'to--not most of the time. Anyway, totoo naman kasing bihira ka makahanap na henyong humble. Mas okay ang House kesa sa Doogie Howser M.D. Overkill yung pagiging bata ng bida para ipakita sa mga audience na genius sya. Sa House, medyo realistic. Justified yung pagiging expert ni House dahil matanda na siya at yung pag-uugali nya means something that he is something. Psychology 'pre. Psychology. It is exactly 1:49 am sa relo namin dito sa sala and everyone asleep. Kung sinuman nagbabasa nito sa ganitong oras, naiisip mo bang iniisip din kita. You're somewhere out there and that's the only certainty I can assert. Fuscha sa existentialism di ba? Nice. Bumabalik na rin sa akin yung feeling kapag nagsusulat ako. The same feelings I had during my philosophical years. The feeling of absence of fear while writing--the absence of pretentious intentions. Honest writers fidget when they are bothered heavily by intentions. Mas maganda magsulat dahil gusto mo lang magsulat. Mas smooth at tsaka mas madaling tanggapin ang resulta ng sinulat kesa kapag planado ang lahat. Alam nyo ba ang kasabihan na 'dance as if no one is watching'. Mahirap ito gawin dahil kelangan mong maging tapat sa iyong sarili at kelangan mong maging matapang. Eto ang isa sa mga prinsipyo ko pagdating sa sining. Naalala ko kasi yung exhibit na nadatnan ko sa Megamall nung huli kong punta sa manila. Halatado na ang isa sa pinaka-intensyon ng artist ay ang magpa-impress. Para silang MTV na mas inuna ng singer ang magpa-tweetums kesa kumanta. Masasabi kong pasado ang techniques na ginamit nila sa exhibit; 8/10 ang grado nila sa 'kin. Pero yung mensahe na nakakarating sa isang matalinong manonood ay hindi ganun kaganda. The sensibility is not worth the time. Siguro ang artist na nag-exhibit sa megamall sa time na yun ay nasa stage pa lamang ng 'art as an object' and 'art as an expression'. Wala pa sila sa stage kung saan ang art ay nagiging 'process' at 'experience.' Sa tono ni Gregory House masasabi kong magaling silang magpinta pero bobo pa rin sila. May intensyon silang gawing absurd yung kanilang art work pero wala itong intensyong maipaliwanag ang sarili kung bakit ito absurd. Parang nagsusumigaw ang kanilang mga ginawa na may halong syllogism 'art for art's sake'. Pwes. Kung art for art's sake yan, bakit nyo pa idinisplay? Ikanga ng isang tula sa lit folio ng kule during the mid 90's 'kung isa lang ang magbabasa ng tula' mas mabuti pang sunugin nyo na to. There's a proper way of/to ego-trip, but unless you know how to do it good it's better to do your things in a simple way. Sa tingin ko kung bakit nagkakaroon ng 'poverty of the arts' at 'degradation' sa larangan ng sining ay dahil hindi na ganun katalino ang mga artist natin ngayon. They can't even articulate themselves on their works. At siyempre, masisi ba natin kung ang karamihan ng audience ay hindi rin ganun ka-articulate sa experiences nila kapag tumitingin/tinitingnan nila ang painting. Of course, artists don't have to explain themselves, ikanga ng isang audience ko ng pumalpak ang live painting ko nung urag-urag 3 sa Amando Cope College; but they must not forget their obligation to communicate with their audiences. We make art works to convey. Ang consolation lang siguro ng mga artist na ito ay ang reaksyon na nakuha nila sa akin at sa taong katulad ko. Kumbaga may epekto yung ginawa nila, gaano man ito ka-epal; at least meron. Word count: 1,213. Yay!
Labels: essais
0 Comments:
Post a Comment
<< Home