.comment-link {margin-left:.6em;}

literary sketches

a collection of literary sketches

My Photo
Name:
Location: Tabaco City, Albay, Philippines

I am an eclectic cognitariat, a missionary on furlough trying to redeem himself.

Saturday, March 07, 2009

sex and the art of motorcycle maintenance 1

I am not Robert Pirsig. This literary sketch has little to do with sex and motorcycle maintenance; gusto ko lang na gawin syang title na novel na ito. Hindi importante kung paano ko 'to sinimulan. Mas importante kung kaya ko itong tapusin. Hemingways, habang ginagawa kung ang unang chapter na ito walang ibang bumabagabag sa aking isipan kungdi ang petsa ng araw na 'to: July 4, 2008--happy independence day sa mga kano. Sana masaya na kayo sa pinagagawa nyo sa mundo. Maliban sa ilang mga bagay-bagay na gusto kong sirain sa batas ng paggawa ng nobela pipilitin kong gawing isang paragrapah lang ang bawat chapter. Naalala ko kasi yung ginawa ni Nick Joaquin sa isang libro tungkol sa mga National Artist ng Pinas. Akalain nyo ba namang isang paragrapah lang ang ginawa niya pero umabot ito ng dalawang pahina. AStig. Parang Koran ang dating. At dahil nga paninindigan ko rin ang experimentong proyektong ito; sana, sana, sana...matapos ko 'to kahit 23 chapters lang katulad ng '23' na pelikula kung saan bida si Jim Carrey; cool din yun. Minsan naisip ko sana wag ako magkaganun kasi may konti rin akong alam sa numerology and medyo nakakatakot din yun; lalo na kung walang mintis ang paghuhula na ginagawa ko. Habang ginagawa ko 'to, nanonood ng TV si tay sa sala kung saan nakabalandra din ang PCng 'to. peste kasing kuwarto ko, masyadong maliit para pagsiksikan ang computer table and all; kunsabagay blessing in disguise na rin, ayokong may nang-iistorbo kapag nasa loob ako ng kuwarto. Communal PC tong ginagamit ko. Ahah! Alas nueve na ng gabi, bagong pelikula na naman sa channel 11, 36 at 40. Nagiging movie buff na rin ako in this past few weeks kahit papano kasi inienjoy ko na ang walang hanggang bakasyon sapagkat, datapwat, disinpaman ako'y gradweyt na. Pakshet yung thought na wala na akong baon; gusto kong mag-aral ulit kahit M.A. kaya lang parang gusto kong mag Ph.D. Whoa! Hindi ko lang alam kung papano. But I like the thought na after 3-4 years, Dr. Giovhanii Buen na ako...pwede rin Giovhanii Buen Ed.D or Ph.D. cool. I'm so vain. Shet. Pagdating siguro sa mga pedantic eclat at kagaguhan sa pedagogy; teeacheeer kasi ako. Yo. Naisip nyo ba minsan na ang mga greeks at hebrews writing nun ay walang spacing; I mean shet. paano nila yun nadi-decipher? Ang galing di ba? Kaya nga siguro mas matatalino ang tao nun kasi sa mga ganung bagay; isang komposisiyon o sulat na walang spacing, minsan wala pang vowels pero naiintindihan nila. Eh, ngayon? Kompleto na sa lahat ng mga grammatical innovations, inventions to make things convenient di pa rin maintindihan. Vovolycopakshet! Just think about it. Noong nasa high school pa ako, isa sa mga bagay na kinaiinisan ko ay kapag periodic exam na. Syempre maraming typographical error yung mga test questionnaire kasi pinoy tayo and there's these numbskull classmates of everyone na panay ang tanong kung ano ang ganito o ganyan na kung tutuusin eh kaydali lang makita kung ano yung simpleng mali na pwede rin koreksyonan on-the-spot pero nagtatanong pa rin sa proctor. These are the suckers of our society. May teorya ako na ang pagiging maepal at kurakot ng mga pinoy ay natutunan sa tahanan at nahuhubog sa paaralan. Nung recognition day sa Aquinas University of Legazpi--masakit man isipin na dun na ako grumadweyt imbes na sa peyups--naging dean's lister ako for two sems. Whoa! Kung nasa UP ako imposible yun pero sa AUL, kahit ilang linggo na akong umabsent catchup pa rin, minsan ahead pa nga. At kahit yung huling dalawang semester ko sa AUL ay kasagsagan ng pagiging tomador ko; naka-dean's lister pa rin. Hahahaa...in monotonous inflection. Bottom's up mga ka-AQ. Anyway, back to the topic kung paano nagiging suckers ang mga tao; there it was, habang nagbibigay ng program--nagkalat ang mga tupperware sa loob ng kuwarto. Nag-ipon ipon ang mga nasa top ranking kung sino ang may pinakamataas na grado; nandun na rin yung aura na 'cum laude friend ko, kaya cum laude rin ako kahit hindi' and kung makikipagsabayan ka sa mga honorables sa time na yun you're going to discover na hindi naman talaga sila matatalino; masipag lang at magaling pumapel. I don't want to be cynical but what else can you call a group of hypocrites like this? Libelous ba 'tong sinusulat ko? Hmm...identify youself first kung ikaw nga tinutukoy ko. 20/20 is not an IQ. Stream of conciousness, stream of consciousness, stream of...umm, ahhh, ooh; paano ba nila ginagawa yun? Di ba mas mabilis ang utak kaysa sa kamay? Paano nila isusulat yun..yung, nauuhaw ako. WAit lang. Inom muna ako ng tubig. Shet. Para akong chicks. Ok back to typing. ALam nyo ba yung name ng terrorist na tumatakbo ngayon bilang presidente? Sirit? Syempre si Obama Bin Laden. Wahahaa...korny. Nasubukan nyo bang tanungin ang sarili nyo 'what makes thing funny?' Ako minsan lang, pag nakakalimutan ko ang ibig sabihin ng korni. BUt don't you know that most intelligent people have unusual sense of humour. Hehee...ayaw mong maniwala? Heheee...yun nga lang may kasabihan din kasi; 'there's a fine line between genius and madness'. Comprende? X-Mem III pala ang pinapanood ni Tay sa TV, yung last stand. Sayang and project na 'to. Pangit yung production design--sa standard ko, tnipid yung special effects, palpak yung casting, daming character na na-overlook at hindi binigyan ng role...masydong matangkad si Hugh Jackman para maging Wolverine. Sa character stats 5'3" lang si Wolverine. Nawalang power of flight si Rogue; hindi na rin sya kasing lakas Matvel Girl. At wala si GAmbit. If I sound like I really rail a lot, try mong magbasa na comics ng Marvel bago namatay si Professor X at bago nagkaroon ng Phalanx. Bago naging animesque ang illustrations nila. Adam Kubert is still da best!! Cheap yung helmet ni Magneto--kung nila yun na katulad ng helmet sa 300, astig! Alisin lang yung paplong ng manok na signature ng Roman soldiers.Okay. Ilan na kayang character natype in less than an hour? 1,002 sabi ng Microsoft WOrd Office 2007.

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 2

Gud Morning Philippines? Phillipines? Pilliphines? Don't you know that the word Philippines is one of the most misspelled word in the whole wide world? katulad ng assassin; asassin, assasin...5 minutes after I posted the first chapter of this book may nagreply kaagad; 'uh. ang sakit sa mata. :p' reply naman kaagad ako: 'thx. =D' and I think she's write. with red and black as background and luminous green as headers and small white Arial letters as text, masakit nga sa mata. I'm having apprehension kung ipagpapatuloy ko ang one paragraph per chapter because it adds to the inconvenience of the reader. Anyway, may kasabihan nga tayo 'if there's a will, there's a car' korny ng pun. Kung may magbabasa, eh di may mababasa. Some of us even tried to learn chinese, japanese and even korean calligraphy to understand what they are writing. There's a technique I developed when I was still in UP and I'm sure hindi na sya original kasi according to statistics, by the time a person already think of something original there are about 22,000 others who already thought the same idea he has within a week. Okay. I called the technique 'pagsisiyam.' You can and you may call it 'novena.' Because it involves writing for nine days. Wala naman gaanong bago sa style na 'to kasi para ka ring nagsusulat sa diary except that you are writing for someone. Para syang mahabang sulat at sunod-sunod mo syang ipapadala for nine days. I woke up this morning and pinapatugtog ko kaagad yung 'Hope of deliverance' ni Paul McCartney sa Youtube. Gusto ko yung song at gusto ko rin yung MTV. Pinapakita kasi sa MTV na may mga madre sa loob ng kotse at nastuckup sya sa gitna ng riles at sa loob ng tren may mga budhist monk. Ang galeng 'no? Kaya lang nakita ng mga monk yung kotse at hindi makalabas yung mga madre kasi nagpapanic at hindi ng isang monk yung emergency lever and then, natigil bigla yung tren. Sayang! Ano kaya kung nagkatuluyan yung mga madre at yung mga monk? Tsaka nag bed peace din sila katulad nina John AT Yoko? Cool. Let's make love not war...and so this is christmas, and what have you done? Ganito raw kasi syllogism ng God at Love according to Rasputin habang nakikipagsex sya: 'GOd is Love'...ahh, ooh, hm...ah. Yeah, they're making love and God is Love. Let's talk about 'poverty of the arts' kasi naging cliche na sya sa cultural group namin dito sa tabaco na kung tawagin ay abkat. Nanonood ba kayo ng wowowee? Nanonood ba kayo ng myx? Well, I think you got the idea. Meron akong joke and I read it from reader's digest. Nagpahula yung palaka. Ang hula sa kanya; may isang babaeng magkaka-interes sa kanya at gustong malaman ng babae ang lahat-lahat tungkol sa kanya. 'Kelan' tanong ng palaka. 'Next sem. Sa biology class' sagot na maghuhula. Wahehehee...kaya lang may sagot din ako jan bilang pagpapatuloy sa joke na yun. After the incident kung saan nagkatagpo na nga yung palaka at yung babae, bago malagutan ng hininga yung palaka sabi ng palaka: 'makakaranas ka ng pagsubok sa akin'. During that semester, nagpa-frog test yung babae. Wahahaa..korny. Baket kaya sumasakit batok ko ngayon? Writer's block. Hindi ako naniniwala dito. Hindi ako naniniwala dito. Hindi ako naniniwala dito. Hindi ako naniniwala dito. Hindi ako naniniwala dito. Hindi ako naniniwala dito. Hindi ako naniniwala dito. Hindi ako naniniwala dito. Hindi ako naniniwala dito. Hindi ako naniniwala dito. Hindi ako naniniwala dito. Hindi ako naniniwala dito. Hindi ako naniniwala dito. Ditto. I have this article na cinut-out ko pa and nakalimutan ko na kung saan ko nailagay. It talks about madness of writers. According to research mas marami raw na poets ang psychologically ill or psychologically imbalance. Mas marami raw na makata ang nasiraan ng ulo kesa sa mga playwrights, essayists, fictionists or novelists. And dahilan daw ay yung challenge sa paghahanap ng pinakasaktong salita sa kanilang mga pinagagawa. Haayz...buti na lang I think of myself more of an illustrator and painter than a poet. Pero ba't ba ako nagsusulat? Simple lang. Words make us articulate by giving names to our ideas and feelings and things and almost everything. Ikanga ni Daniel Goleman: 'if you can't name what you feel, it's not yours.' Interruptions: ako ang nagluluto ngayon. Nanuneutralize ng sebo yung lasa ng timpla ko. Gusto ko sanag magprepare na coleslaw. Sinubukan ko yun nung isang araw, tsamba lang. Di ko alam yung tamang proseso. Minced cabbage after blanching it, pickles, vinegar and sugar; yang ang mga ingredients ko. Hanggang ngayon nasa loob ng ref yung coleslaw. Do what you love to do early in the morning--isa sa mga libo-libong rules na alam ko na bihira ko naman gawin. If there's one thing I really love to do is reading and playing pc games. Ikaw? Ano ang gustong-gusto mong gawin? Maganda raw kasi syang gawin sa umaga pero nakakatawa rin isipin na ang ibang tao ay gustong-gusto matulog. Pagkagising sa umaga, eh di matulog ulit. Naiisip nyo kung bakit nagkakaroon ng hard-on ang mga lalake kapag early in the morning? Hehee...siguro ganun nga ang pagkadesinyo sa atin ni God. For every thing there's a purpose and what do you think men love to do? Shet. Para toinks ang tono ng boses ko dito. Pag seryoso ako, napaka-gravid naman. Damn. Anyway, nagbabasa ba kayo ng Inquirer? There's this columnist na ayaw ko talaga ang pagmumukha lalo na pag nakikita ko sya sa TV. I read one of his/her article over the internet and she/he is trying hard to explain one of the things na kakarampot ang kanyang alam. Pakshet talaga. Sometimes, people who asserts their knowledge are those who are ignorant. SAyang lang ng projection na ika'y isang intellectual kung ko hindi mo naman talaga linya ang bagay na pinapaliwanag mo. Little knowledge is dangerous. Word count: 980. 20 words pa kelangan ko para mameet ko yung quota na 1,000 words per chapter. Minsan nagsisisi rin ako kung ba't napamahal ako sa pagbabasa at pagtatanong. No one can read all the books in the whole wide world and I think I'm just another failure in the pursuit of knowledge. Huhuhuu...pero, bilang resolusyon ko sa sarili ko; pipiliin kong maigi ang mga babasahin ko at nais kong malaman at matutunan para hindi masayang ang oras ko; fine arts, philosophy, aesthetics, literature, religion...yan ang mga interes ko na nais kong matugunan. Kelangan kong matutunan ang lahat-lahat tungkol diyan, at dahil nga gusto kong maging magaling na titser dapat alam ko rin halos lahat ng tungkol sa education. Awts.

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 3.1

July 5, 6, 7...ngayon pa lang ulit ako nagkaroon ng initiative na gawin ang chapter 3. Mardel wrote: 'waiting for chapter 3 ^^'. Let's talk about artistic temperament. There is one reason why I like it and hate it at the same time: 'I have it' and one of the factors of this so-called artistic temperament that keeps struggling me struggling is its unpredictability although research shows that there are patterns. Alam nyo ba kung ano iniisip ko ngayon kung hindi lang ako na-engganyo sa post ni Mardel? I'm thinking about chess. Iniisip ko kung paano mang-sadista ng kalaro sa board. And I'm so damn absorbed for the past 72 hours na sana ang pinagkaka-abalahan ko ay ang tapusin ang pagbabasa ng history tungkol sa middle ages; Age of Faith ang title ng book. more 1,000 pages, hard bound--it talks about the middle ages from A.D. 325-1300. Walang kasiguruhan kung ano ang pagkaka-abalahan ko mamya; yan lang ang sigurado. Di ba sinabi ko sa naunang chapter na mas maraming poet ang may problema kesa sa anumang genre ng literature, pwes isipin nyo na lang ano kaya ang magiging problema na isang tao kung siya ay eclectic. Dahil ako. Wala. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Mamya malamang maglaro na naman ako ng dota at sisigaw ng 'pota!' kapag na-first blood ng AI. O di kaya magsulat. O di kaya maglaro lang na maglaro ng chess sa yahoo games hanggang sumakit ang batok. Word count: 244.

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 3.2

Kung ako'y isang character sa d0ta, siguro ipaghahalo ko ang mga skills nina Magina, Mortred at Spectre. Mana drain ni Magina; blink strike at passive dodge ni Mortred; reflect damage AoE ni Spectre. Kung titingnan maigi halos lahat ay passive skills, iisa lang ang active skill at walang ultimate. Simple lang naman ang paliwanag; kung makikipaglalaban ka ng harapan sa kalaban mo ganito ang mangyayari: 28% possibility hindi pumasok tira nya, kung sakaling pumasok naman 20% ng damaga babalik sa kanya at kung anumang active skill meron sya hindi niya ito magagamit dahil sa mana drain (64 mp per strike). At kung medyo tagilid ang laban, pede kang mag-teleport papalayo sa kanya. Kung tatakbo sya, eh di habulin mo sya teleport ulit. Pagdating naman sa gamit eto ang 6 na gamit na kelangan ko. Boots of travel--para makapgteleport anywhere in the map basta may ally ka dun. Butterlfy (30% dodge) that makes a total of 58% possbility that your enemy's normal attack will miss. Blade mail (20% melee damage return). Linkin Sphere (HP/MP regen; blocks spell every 20 sec.). Radiance for continous damage with enemies within your proximity. Since orb effect will cancel out the mana drain skill; vladimir's offering na lang gagamitin ko. 16% of the atk dmg will be converted to HP each attack. Ok na. Obssssseessed ako ngayon sa d0ta. minsan iniisip ko sana kung gagawan nila ito ng pelikula katulad ng SPider 1-3 ang quality. AT sana mas maganda kesa sa mortal kombat. ikaw, kung maging character ka ng d0ta anong skills gusto mo? Word count: 259.

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 3.3

Kilala nyo ba si Ben Jonson? Eh yung tula nyang 'To Celia'? Familiar ba kayo dun? Siguro tinula nyo rin 'to nung nasa haiskul pa kayo. It was considered as one of the immortal poems (unfortunately). [But] don't you know that it was actually borrowed from a poem of Agathias (c.550 A.D.), a Christian gentleman of the Byzantine court--during the early years after the fall of the Roman Empire--who composed poems for the final installment of the Greek Anthology? It goes a little bit something like this:

'I love not wine; yet it thou'lt make
A sad man merry, sip first sup,
And when thou givest I'll take the cup.
If thy lips touch it, for thy sake
No more may I be stiff and staid
And the luscious jug evade.
The cup conveys thy kiss to me,
And tells the joy it had for thee.'

Ang galeng no? Noon pa man, eh may plagiarism na. Siguro hindi naman ganun ka-verbatim pero ganun pa rin yun. Kilala nyo si Isaac Newton? Malamang. Eh si Flamsteed? Hulaan nyo na lang kung anong krimeng pang-intelektwal ang naganap. Heheheee. Si Joseph Smith Jr.? Pero yung 70 scribes na gumawa ng Bible? Wahaha...Eto na lang para mas simple; si Dan Brown, kilala nyo? HOw about Michael Baigent and his co-writers? Ang galeng 'no? Kung ikaw yung tipong first time mo pa lang na-encounter yung 'the Da Vinci code' tapos feeling mo naliwanagan ka na sa conspiracy theory sa history ng Christianity, well--think again. Gaano ba ka-original ang mokong na 'to? Pinagtatawanan ng ilan sa mga kaibigan ko ang novel na'to at ang bandwagon na naganap sa larangan ng pagsusulat na historical at religious, cyrptic at esoteric na novel na ganito na matagal na ring trend noon pa man. Hindi nga lang sumikat. As early as 1998 pa lang binabasa ko na yung 'Holy Blood, Holy Grail', (hanggang ngayon hindi pa rin tapos; joke) 'the Rise and Fall of the Roman Empire' ni Gibbons at sangkaterbang komiks na bawal ipabasa sa mga Roman Catholics dahil sa mga kabulastugan na pinagagawa ng mga Dominican at ng simbahang Romano Katoliko sa mga totoong Kristyano noong Dark Ages. BAgo pa nasundan yung Da Vinci Code ng ilang mga trying-hard na writer na nakikisawsaw sa publicity ng novel ni Dan Brown ay merong naunang researches na napublish tungkol sa mga codes na ito. 'the Bible Code' (as late as 1998). 'the Jesus Papyrus', 'the Hiram Key' at kahit sa Koran matagal ng nakasulat yung mga bagay-bagay na nadiskubre [kuno!] ng mga biblical scholars/writers na bigla na lang nagsipagsulputan ang mga writings sa bukstore ngayon. Katulad ng linyang 'hindi namatay si Hesukirsto sa krus' ay totoo namang nakasulat sa Koran tapos ipapangalandakan ng ilan na 'Eureka! Alam ko na ang katotohanan sa kristyanismo at gusto nyo bang malaman kung ano ito? Buy my book!' @#$!! Kung may madedenggoy ang mga taong ganito ay walang iba kungdi ang mga taong mahilig makiuso. OO na, arogante na ako kung arogante pero at least hindi ako plagiarist. Wahahaa...at syanga pala sa mga nagbibigay ng review sa mga bagay na ito bago kayo nyo sila bigyan ng x/10 or something, try checking how much knowledge you really have kasi kung merong mas tanga kay Dan Brown ay sila yung mga napaniwala nya na ang ginawa ay original. Syanga pala, alam nyo bang sangkot ang Vatican sa Holocaust na naganap nung WWII? Pag nahanap ko yung picture ipopost ko dito. Word count: 578. pwede ko ng simulan yung chapter 4.

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 4

Have you tried looking for love using the internet? Halos may 2,310,000,000 resulta ang lumabas sa google search engine. Nakakalungkot isipin di ba? May 2 bilyong sagot paghahanap ng bagay na 'to pero kahit isa sa mga ito ay hindi direktang makapagbibigay kung ano talaga ang ibig sabihin ng pag-ibig. Depinisyon bilang salita; oo--maraming entry. Pero bilang depinisyong pang-karanasan at saysay sa ating miserableng buhay; wala. Kadalasan, hindi lang pag-ibig ang hinahanap natin. Minsan saysay o di kaya silbi sa buhay. Bukod sa kung ano ang ibig sabihin ng buhay na madalas nating ginagawa kapag hawak natin ang remote control kapag tayo na lang ang nanonood ng tv dies oras ng gabi. Ang peace of mind ay hinanahap din sa sofa o di kaya sa duyan. Bakit ba tayo nagsusulat? Meron tayong sari-sariling sagot bukod sa sanaysay ni George Orwell at Joan Didion na 'why i write', madami...need to communicate, eclat. Basta alam na natin 'yun. Nakakapagod na ring humingi ng paumanhin on behalf of the pretentious, pero ganun pa rin we write because we chose to. Freewill; naalala ko tuloy yung tito ni Rose. Illusion lang daw ang freewill. Napag-isip ako dun. Ang sabi ko sa sarili: pwede. Matagal na rin akong hindi naka-encounter ng mga pag-uusap sa ganung level. Malalim. Kaya lang sa pagkakataong iyon mas mataas na ang reservation ko sa aking sarili dahil naranasan ko na ang mapagsamantalahan sa mga mga intelektwal na usapan. Intellectual parasites ang tinutukoy ko. Kaya nga siguro sa mga nakakakilala sa akin nagtataka siguro sila kung ba't ngayon pa ako naging mas tanga sa paningin nila. I just want to prevent people get the better of me. Until now, naniniwala pa rin ako na human nature is innately good kaya lang kelangan ko na ring depensahan ang aking sarili. Dati-rati hindi ko iniisip ang posibilidad na pagsasamantalahan ako ng kapwa ko, kaya lang habang tumatanda tayo mas nabubuksan ang ating mga mata sa sistema ng katotohanan na pumapaligid sa atin. Sabi nga ni Jose Mari Chan 'our world's getting old and that friends are harder to find'. Hindi ko alam kung anong complex meron ako ngayon. Mas gusto kong maputol muna ang komunikasyon sa mga taong malapit sa akin at mga taong tinatawag kong kaibigan kasi nalulungkot ako. Ayaw kong maging pabigat sa kanila. Kadalasan ang nagiging tanong ko sa sarili bago kami magkita: 'ano ba'ng maitutulong sa kanila?' kasi kung wala mabuti pang wag muna kaming magkita. Kung wala rin lang namang pag-uusapan at gagawing importante mabuti pang huwag na lang. Sound cold. Nagiging rational lang ako; utilitarianism. Di ba kadalasan bumibisita sa atin ang mga kaibigan natin dahil may kelangan sila? Naranasan ko na ang minsan tanungin ako: 'ano'ng ginagawa mo dito?' ng isang taong tinuring kong kaibigan at napagtanto kong my mere presence was not appreciated because he doesn't need anything from me. Ganun nga siguro mag-isip ang mga tao ngayon. Kaya mula noon sinabi ko sa aking sarili hindi na ako pupunta dun hangga't hindi kinakailangan. Oo nga naman, ano ang purpose ko ba't ako nandoon. Mula noon, kapag naramdaman kong nagiging pabigat ako sa sitwasyon ng ibang tao, o bago pa man magkaroon ng pangalan ang pakiramdam na 'unwelcome' o 'busy' o kung anuman na magbibigay ng clue na 'you should'nt be here' batsi na ako. Kadalasan mas masarap maki-jamming sa mga bata. Hindi nila iniisip yun. Kaya nga siguro education ang natapos ko. Tumatanda ang ibang tao na pakitid ng pakitid ang utak. Nalilimutan na nila yung pagiging simple ng buhay. Ayoko ng sinusulat ko ngayon kasi pinapakita nito ang isang panget na bahagi ng buhay. Naipangako ko pa man din sa aking sarili na 'do not requite evil with evil'. SAna hindi ganun kabigat kung isusulat ko ang nararamdan ko. Fuck! Para akong chicks. Whine. Bridge of/to Terabithia. May pelikula na sya ngayon. Medyo pangit yung narinig ko sa aking kaibigan tungkol sa pagkakadiskubre nya ng buk na yun na shineyr nya sa iba. Doon ko napag-isip isip na gusto nya sya lang ang may alam nun. Napangiti na lang ako kasi nagkaroon na ng kasagutan kung bakit ayaw nya akong bigyan ng photocopy ng ilang vedic writing tungkol kay Krishna at sa Bhagavad Gita noon. Nasabi ko sa aking sarili na kung ako nasa kalagayan niya hindi ko ipagdadamot ang bagay na makakatulong sa spiritual growth ng ibang tao. Ano yun? Gusto nating maging enlightened by depriving our neighbor a chance to learn and discover the truth. Sabi nga ng misyunaryo na naging mentor ko sa maikling panahon: 'kapag may humingi sa yo ng divine words, ibigay mo kasi galing yan sa Diyos. Hindi yan atin.' Oo nga naman. Ba't tayo magdadamot kung ang lahat naman ng ito ay galing sa Kanya? Ang kaalaman daw ay isa sa mga bagay na kahit i-share mo sa iba ay hindi ka mauubusan. Ayoko ng magtanong kung ba't may mga taong madamot. Siguro taliwas lang ang ginagawa nila sa ginagawa ko. Pero minsan o di kaya'y kadalasan, ako'y madamot din. Ayokong binibigay na lamang ang oras ko sa ibang tao. Pati na rin atensyon. Natuto na ako. Marami sa mundo ang ingrato. Agosto na pala ngayon. DApat nung lunes pa ako sa manila kasi sabi ko kay dat na baka pumunta ako sa manila para imeet yung ipapa-meet nya sa akin. SAna sya na nga. Medyo kakaiba ang magiging proposal ko ngayon; siguro direct to the point na. No more bullshits. Ayoko ng paliguy-ligoy because it all comes down to one thing in the end; yes or no. Kung may isang bagay na dapat kong ipagmalaki ay sheer honesty at yung kakayahan kong to give a damn. Ganun lang naman yun di ba? I may be a difficult person pero madali akong kausap. Word count: 958.

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 5

It's true that no one can help us except ourselves. [With some exceptions i.e. GOD.] I lost four years of my life to nonsensical gaming career which brought me nowhere; I became a Guild master and failed--I never even got the chance to reach level 99. As I was browsing the net to whatever left in me in the field of visual arts--particularly on comic illustration, I found that Komik Kon is now on its fourth project. Iba na ito sa first annual Komix convention na sinalihan namin ng kaibigan ko nung nasa UP pa kami. Yung mga fishball ninjas na na-encounter namin ay nandun pa rin. Isa sila sa mga active na participants sa event na ito--and may mga tagahanga na rin. Yung drowing ng Jimenez brothers ay naimprove na rin. May mga sikat na cartoonist na naging bahagi na rin ng annual event na 'to; por ehemplo si Pol Medina Jr. at syempre mga baguhan na siguro nung UP days ko eh high school pa lang sila. Ang kaibahan lang siguro nung first annual Komix Convention nung ca 1995-1996 ay iba na ang organizer at mas stable na kasalukuyang Komix Convention na nagsimula pa lang nitong nakaraang 2005. Whoa almost 9 years ang pagitan at sa tingin ko'y sa 9 years na yan kasama na diyan yung lahat na preparations. Habang hinahanap ko ang bagay-bagay na pwedeng makapagpabalik ng passion ko sa pagdrowing, nakakatuwang isipin na buhay pa pala ang comic industry dito sa pinas. At sa tingin ko mas madali ng bumuo ng convention ng mga indie comics at ng mga establisadong pangalan sa larangan na 'to dahil sa internet at cellphone, etc. Habang ginagawa ko 'to nararamdaman kong buhay pa ang mumunting apoy sa dibdib ko na ipagpatuloy ang orihinal na pangarap ko; ang magdrowing. Kung hindi sa pangarap kong magdrowing siguro kuntentado na akong makapag-aral at makapagtapos dito sa bicol. Yun nga lang, sa manila ako nag-aral dito ako nakapagtapos. Bukod pa dito, napagtanto ko na hindi ko kelangan ipressure ang sarili na makabuo kaagad ng isang anthology ng mga gusto kong gawin; pa-isa isa lang. Sapagkat nang tingnan ko yung blospot ko: k1ngfischer.blogspot.com/ masarap pakiramdaman na paunti-unting dumarami ang entry ko sa nobelang inaalay ko sa correspondent kong si Rei Mon 'Ambo' Guran. Ang nagmamadali, madaling mabali ikanga. Baka ipost ko na rin yung ibang chapters ng ALice Canfield at Trilogy na pinaplano ko. Hindi ko na rin kelangan pagsisihan ang pag-delete na ginawa ko sa mga nauna kong entry sa blogspot. Go on. Siguro kung hindi ko gagawan ng paraan kung paano babalik ang passion ko sa pagsusulat at pagdrowing, hindi ko matutulungan ang aking sarili na dumerecho kung san man ako papunta. Kahimanawari. Bukod dito, sana'y maibalik ko na rin ang active na spiritual ko katulad noong 1998-2001. Those were the days na matahimik ang buhay ko dahil okay ang relationship ko sa Kanya. Siguro sa mga darating na araw sisimulan ko ng i-post yung ibang chapter ng Alice Canfield sa blog. At kung ano pa man na pwede kong i-share sa ibang tao. Mas masarap mag-share kesa tumanggap. Lalo na't ang motibasyon mo masaya ka sa ginagaw mo at wala kang inaasahang ano pa man. Nanonood ba kayo ng House? Channel 33 dito sa cable namin, AXN channel. I like the main character kasi nakakapag-relate ako; his genius and his atittude. Alam nyo siguro ang pakiramdam ng mang-power trip at mag-ego trip sa mga colleagues mo, most of them will hate you but they end up loving you because you're indispensable and you're so damn incorrigible. And they know; ikaw yun. Yun nga lang, hindi medicine ang expertise ko. Mwahaaaha. Sa TV series na House, the main character usually gets away with his antics. Sa akin naman, since totoong buhay 'to--not most of the time. Anyway, totoo naman kasing bihira ka makahanap na henyong humble. Mas okay ang House kesa sa Doogie Howser M.D. Overkill yung pagiging bata ng bida para ipakita sa mga audience na genius sya. Sa House, medyo realistic. Justified yung pagiging expert ni House dahil matanda na siya at yung pag-uugali nya means something that he is something. Psychology 'pre. Psychology. It is exactly 1:49 am sa relo namin dito sa sala and everyone asleep. Kung sinuman nagbabasa nito sa ganitong oras, naiisip mo bang iniisip din kita. You're somewhere out there and that's the only certainty I can assert. Fuscha sa existentialism di ba? Nice. Bumabalik na rin sa akin yung feeling kapag nagsusulat ako. The same feelings I had during my philosophical years. The feeling of absence of fear while writing--the absence of pretentious intentions. Honest writers fidget when they are bothered heavily by intentions. Mas maganda magsulat dahil gusto mo lang magsulat. Mas smooth at tsaka mas madaling tanggapin ang resulta ng sinulat kesa kapag planado ang lahat. Alam nyo ba ang kasabihan na 'dance as if no one is watching'. Mahirap ito gawin dahil kelangan mong maging tapat sa iyong sarili at kelangan mong maging matapang. Eto ang isa sa mga prinsipyo ko pagdating sa sining. Naalala ko kasi yung exhibit na nadatnan ko sa Megamall nung huli kong punta sa manila. Halatado na ang isa sa pinaka-intensyon ng artist ay ang magpa-impress. Para silang MTV na mas inuna ng singer ang magpa-tweetums kesa kumanta. Masasabi kong pasado ang techniques na ginamit nila sa exhibit; 8/10 ang grado nila sa 'kin. Pero yung mensahe na nakakarating sa isang matalinong manonood ay hindi ganun kaganda. The sensibility is not worth the time. Siguro ang artist na nag-exhibit sa megamall sa time na yun ay nasa stage pa lamang ng 'art as an object' and 'art as an expression'. Wala pa sila sa stage kung saan ang art ay nagiging 'process' at 'experience.' Sa tono ni Gregory House masasabi kong magaling silang magpinta pero bobo pa rin sila. May intensyon silang gawing absurd yung kanilang art work pero wala itong intensyong maipaliwanag ang sarili kung bakit ito absurd. Parang nagsusumigaw ang kanilang mga ginawa na may halong syllogism 'art for art's sake'. Pwes. Kung art for art's sake yan, bakit nyo pa idinisplay? Ikanga ng isang tula sa lit folio ng kule during the mid 90's 'kung isa lang ang magbabasa ng tula' mas mabuti pang sunugin nyo na to. There's a proper way of/to ego-trip, but unless you know how to do it good it's better to do your things in a simple way. Sa tingin ko kung bakit nagkakaroon ng 'poverty of the arts' at 'degradation' sa larangan ng sining ay dahil hindi na ganun katalino ang mga artist natin ngayon. They can't even articulate themselves on their works. At siyempre, masisi ba natin kung ang karamihan ng audience ay hindi rin ganun ka-articulate sa experiences nila kapag tumitingin/tinitingnan nila ang painting. Of course, artists don't have to explain themselves, ikanga ng isang audience ko ng pumalpak ang live painting ko nung urag-urag 3 sa Amando Cope College; but they must not forget their obligation to communicate with their audiences. We make art works to convey. Ang consolation lang siguro ng mga artist na ito ay ang reaksyon na nakuha nila sa akin at sa taong katulad ko. Kumbaga may epekto yung ginawa nila, gaano man ito ka-epal; at least meron. Word count: 1,213. Yay!

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 6.1

This is not original. I think. The formula of getting estrange is (n-1)/n. Say you are with 3 person in a room, you'll get the feeling that you are only 1/4 of yourself. The other 3/4 of yourself get lost to the 3 person you are with. Of course, this is not true to everyone of us. Word count: 57

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 6.2

Let's talk about art. I'm brimming with ideas this afternoon after I went for a walk--the thing I usually do to keep and create my momentum on my personal projects. Actually my technique is simple; If I want to keep my appetite for reading up, I stroll on the book section of any mall or department store which has one or [on] a bookstore. Window shopping ikanga. One of the things that popped into my head is the cult of unintelligibility. The second is the vulgar and unscrupulous plagiarism of the classics in the hands of..well...plagiarists. The latter came into my attention when I browse a book entitled 'Pabula' and 'Alamat'. And you know what happened; pagbukas ko, ang laman nito'y ang mga pabula ni Aesop katulad ng 'the ant and the lion', 'the fox and the grapes' et cetera and may drowing pa. Tama yung title ng mga pabula at tama ang title na 'pabula' sa libro sapagkat ito'y koleksyon ng mga pabula, ang nakakapangilabot lang ay nang tingnan ko ang cover at mga paunang pahina nito ang nakasulat ay 'Isinulat ni Karmina Santos'. WTF! Ibig sabihin siya ang nagsulat ng mga pabulang iyon? Wow. Isang lantarang pag-ako (pagnanakaw kung hindi naimbento ang euphemism) ng gawa ng iba. I mean, napakalaking bullshit nito. Habang sa likod ng iskaparate ay may ilang libro din pero iba ang ibig sabihin ng 'Compiled by...' kesa 'Isinulat ni...' Hindi ko alam kung paano ito pinayagang mailathala ng kanyang Editor na ang pangalan ay nakabuyangyang din sa harapan. Ang librong ito ay gawa ng pinoy. Kaya nga siguro minsan nawawalan na rin ng pagtangkilik sa sariling atin ang ating mga kababayan sa mga gawaing katulad nito. Bukod pa dito, may ilan ding El Filibusterismong aklat na naka-display at sa unang tingin nagkakaroon kaagad ako ng notion na malamang copy-paste version na naman ito sa gawa ni Laksamana-De Guzman; yung kulay red-orange na Noli at green na El Fili. Sa mundo ng literatura ng pinas yung pinakamababang uri ay tulad ng nabanggit ko. Mas nirerespeto ko pa ang mga writer ng mga tagalog love stories na ang cover ay kadalasan ay piktyur ng mga celebrity nirender sa colored pencil o maputlang water color. Ang trend na ito ay talamak halos sa lahat ng bukstore. Hindi lang mga literary works ang biktima ng kulturang ito, pati na rin ang self-help books, occults, book references, academic textbook na walang pasintabing kina-cut and paste at ginagawang booklet o pamhplet na mabibili sa pinakamalapit na bukstore near you. Parang mga entry sa DeviantArt.com/ 'How do i love thee...' written by anyone but Browning. Doon naman tayo sa 'cult of unintelligibility'. Simple lang masasabi ko sa miembro ng cult na ito: 'it does not make you intelligent just because your work is unintelligible.' Kasi kung hihimayin natin ang 'art' per se. Ang human perception ay hindi lang dapat i-consider ng isang artist kungdi pati na rin ang raional faculty nito. Considering the fact that literature is the art most immediate to man's rational faculty [ikanga ni Robert Morss Lovett] unintelligibility in literature is less forgivable than the other arts [sabi ko]. Painting, sculpture, architecture...but I think music with lyrics comes next to literature as well as film and theater arts--kung saan gumagamit na ng salita ang artist. Sa essay na ginawa ko noon na hindi maganda sa isang artist ang gumawa ng impresyon na siya'y magaling o di kaya'y matalino by making his works unintelligible. Ngayon ko pa lang napag-isip isip na 'there's a cult.' Anyway, hindi naman siya ganun ka-scary. Waiver: unintelligible is not equivalent to absurdism. May respeto ako sa ilang proponent ng movement na ito because I myself has the tendency to such tendency. Siguro ang gusto ko lang sa mga absurdists ay kahit papaano there's a sense behind those non-sense. It is exactly 5:15 pm dito sa amin and this time of day is not the best time to write. Mas okay ang tumambay sa pier o di kaya'y mag-joyride sa Honda wave 125 papuntang Tiwi o Ligao habang hinihintay ang paglubog ng araw. I'm not sure about the universality of what-time-of-day-is-the-best-to-do-which but my personal preferences goes like this; Best time of day to read: early in the morning until lunch and evening until/or before dawn. Best time of day to write: morning until after lunch and evening until break of dawn. Best time of day to make a song: late in the afternoon and evening. Best time of day to draw or paint: morning until you get tired in the afternoon, evening for comic illustration. Notice that the first few hours after lunch is not much of a favorite because of one word: siesta. Kung ikaw yung taong walang ibang ginawa kungdi ang magsulat, magbasa, gumawa ng kanta at magdrowing at magpinta, an afternoon nap is important lalo na kung minsan inaabot ka ng madaling araw sa mga pinagagawa mo. Once in a while you can break this routine. Go out and meet people, keep in touch with your immediate friends or acquaintance; siguro ito ang gagawin ko kapag okay na ako. Noong na-exile si Vladimir Lenin sa Siberia, sa kabila ng seryoso nyang pag-aaral ng communism, binabalanse pa rin nya ang kanyang lifestyle. Nagbabasa siya at mayroon din syang physical activities: isa na dun ang gymnastics. Gaano man tayo ka-busy sa ating artistic, intellectual o kahit spiritual pursuit, pagbabalanse pa rin ang isang napaka-importanteng sangkap para umusad na walang gaanong relapse. Si SAint Anthony of the desert, ayon sa isang anekdota, ay inutusan ng Diyos na lumabas at manirahan sa mag-asawang nakatira sa siyudad. Namuhay si Saint Anthony ayon sa pamumuhay nila at pagkalipas ng mga araw pinabalik din siya sa desyerto. Tinanong niya ang Diyos kung bakit niya ginawa iyon. Ang sagot ng Diyos ay katulad din ni Saint Anthony ang mag-asawang iyon, pareho nilang pinagsisilbihan ang Diyos sa iba nga lang na paraan. Anyway, what's the connect? Ang masasabi ko lang, it's unhealthy to live in hermitage if we want to grow. Word count: 1,002.

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 7.1

Dati may aso kaming nagngangalang S-26, hindi niya alam kung aso siya o pusa. Kadalasan kasi kapag tinatawag namin ang mga alaga naming pusa, sa tunog na: 'ming, ming' pati siya ay lumalapit/dumarating. Ang aso naming ito ay kulay puti na may kulay brown na spot sa kaliwang mata. Matapang, malambing at medyo boobita. Wala naman siyang alam kung ano ang pera pero sa hindi maunawaang kadahilanan madalas niyang tinatangay ang nasisingil na pera ni Nay; kapag binibilang ito ni Nay sa sofa. Cute pero iba ang pumapasok sa kokote ko kapag nakakakita ako ng aso na may bitbit na p50 bill. Meron din kaming pusa na ang pangalan ay Wang. Siya ay kulay itim. Bihira lang ngumiyaw dahil na rin sa inferiority complex. Madalas sa sofa natutulog. At kapag gabi gumagana ang kanyang kapangyarihan na 'invisibility'. Hindi siya gaano malambing kumpara kay S-26. Seryoso siya, hindi kelanman nakipaglaro sa amin simula ng magbuntis at manganak at ng itapon namin yung unang batch ng mga kuting niya. Nakakatakot siyang tingnan dahil from head to tail, itim na itim siya. Para siyang eveready at black cat tea, ang pangalan niyang Wang ay diminutive ng salitang aswang. Si Gie ang nagpangalan sa kanya. Kung si S-26 ay may identity crisis at si Wang ay may inferiority complex dahil sa kanyang itsura, meron pa kaming isang pusa na nagkaroon ng gender problem dahil sa pangalan na binigay ni Gie. Ang pangalan niya ay Wendy. Ang kuwento ng buhay niya ay nagsimula ng mapulot siya ng kapatid ko sa BUTC, inampon, inalagaan, pinalaki at binigyang pangalan na Wendy dahil napagkamalan siyang babae. Si Wendy ay madalas matulog sa ibabaw ng mga libro ko sa kuwarto, minsan naman sa ibabaw ng coupon bond. Kung may isang pag-uugali na kakaiba sa pusang ito ay ang kakayahan nitong umakyat ng matataas na lugar, katulad ng kisame at kawalan ng diskarte kung paano bumaba. Kapag sa dies oras ng gabi may narinig kang pusang ngumingiyaw sa taas cabinet o kung saan pa man, si Wendy na yun. Kadalasan itong mangyari sa loob ng kuwarto ko dahil ang ibabaw ng cabinet sa kuwarto ay puno ng mga teddy bear. Kung may nakakapagsunduan ang mga alaga naming hayop sa bahay ay ang manggulo ng natutulog, nag-aaral at kumakain at nanonood ng TV. Naranasan mo na bang magising sa gitna ng gabi dahil may isang mabalahibong nilalang na naglalakad sa ibabaw ng kumot mo at sa pagmulat ng iyong mga mata ay may mukhang nakadungaw sa iyo; at ang mukhang ito ay mukha ng pusa na gustong lumabas sa silid mo na hindi mo alam kung paano nakapasok. Ito ay gawain ni Wang lalo na kapag naiihi siya sa kalagitnaan ng gabi. Hindi lang yan; minsan kasama niya si Wendy sa pagroronda na ginagawa nila sa loob ng bahay. Kapag nag-aaral naman ang aking kapatid dito naman nakikisawsaw si Wang. Kung nasaan yung mga papel doon naman siya mahihiga. Kapag kumakain kami, tsaka naman siya magpapakandong with matching massage on the lap using her claws. AT ito ang da best na antics ng pusa namin; kapag nanonood kami ng TV, may makikita na lang kaming anino ng pusa na dumaraan sa harap ng screen. Ano ba yan? Pati ba naman mga pelikula sa TV ay pirated na rin? Word count: 547

sex and the art of motorcycle maintenance 7.2a

There's a full moon tonight; habang pauwi ako. Full moon reminds me lot of things. Naalala ko yung gabi na pumunta ako sa bahay nina Rose. Nadatnan ko sya sa kanilang kuwarto--2nd floor ng GBRAEN Bldg.--gaya ng dati wala syang ginagawa; sometimes I think she was a bum like me--nakatayo sya may bintana and she told me: 'look.' Tumingin naman ako sa labas ng bintana para tingnan kung ano yung tinitingnan nya at tumambad sa akin ang bilog na buwan. Napangiti ako. For the next 15 minutes nakatunganga lang kami sa may bintana. 'Ang ganda niya 'no?' sabi niya sa akin. 'U-huh.' sagot ko. Nadatnan kami ng pinsan niyang si Mike na ganun at yung mukha niya parang nagtatanong ng: 'ano'ng ginagawa nyo?' Wala lang. Isa pang bagay na naalala ko sa full moon ay yung gabing papunta kami ng Manila para sa Inkblots sa UST. Simple lang naman ang nangyari: bago matapos ang gabi may babaeng natulog sa payat na mga bisig ko. It was the first time I felt the physical warmth of a girl while sleeping. Honestly, mas masarap ang pakiramdam kesa sa sex. Other memories include beach at night in Calaguas Island, walking home along katipunan avenue after National Bookstore closes at 9, walking from Philcoa to Balara late at night, travelling to Manila, and the night I was sideswiped when we accompany Deanna home. There's something about full moon. Naalala ko rin yung nagbakasyon ako sa Paracale and I taught this girl, who is just starting to learn how to play guitar, the song 'Lover's Moon' of Glenn Frey. Kadalasan, ang buwan din ang testigo kapag nag-uusap kami nina Jimple at Chan sa karangahan 10 years, 11 years ago--about anything under the sky. Nung naglakad kami galing San Antonio dahil wala na kaming masakyan naalala ko rin. Chan liked the idea and unfortunately may dumaan na tricycle pagdating namin sa SAn Vicente and nakasakay kami. Si Erik naalala ko rin. Mahilig kasi syang mag night walk nung wala pa si Arcee sa buhay niya. Yung mga gabing wala kaming ginawa ni Jimple sa boarding house kungdi ang magbasa at magsulat. Naalala ko rin. Kinaumagahan dumating na lang bigla sina Lorie. Word count: 369.

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 7.2b

Bukod sa mga romantic memories na dala ng full moon, naalala ko rin ang mga gabi na wala kaming ginawa ng ilan sa mga kaibigan ko kungdi ang maglaro ng PS2 sa apartment nina Chan sa Daraga. Ang paborito namin ay 'Need for Speed 2' at ang paborito kong sasakyan ay ang 'Ducati' minsan naman ay yung police patrol car. Pero kadalasan, mas gusto kong matulog at manood ng naglalaro ng PS2. Lalo na kapag nilalaro ni Chan yung 'Silent hill 2' o yung Grand theft. Pareho kami ng idea sa grand theft; magnakaw na motor, bubuksan ang fm station at mag-iikot lang ng mag-iikot sa city habang nagsa-sound tripping. I really love that apartment in Daraga; bagay sa mga taong tulad ko--a bum, an artist and a gamer. Kapag nasa loob ka kasi ng apartment na yun hindi mo alam kung ano'ng oras na, literally. Hangga't di mo tinitingnan relo mo. Wala kasing wall clock sa apartment na yun. Meron akong experience dun na akala ko 9am pa lang pero 3pm na pala at akala ko 11pm pa lang pero 4am na pala. Dun lang sa lugar na yun disoriented ang sense of time ko. Masaya. Kakaibang karanasan. Kapag 11pm na, yayain ko ng lumabas si Yani na lumabas para maglaro ng Ragnarok hanggang madaling araw sa Green Beret. Ang bilog na buwan din ang nagpapa-alala sa akin sa mga dati kong kalaro ng chess sa Bagac sa Tondo. SA panahon na iyon, parang kulto na ang paglalaro ng chess dahil nauso siya nung namalagi ako sa lugar na iyon. Habang ang iba ay naglalaro ng basketball, kami naman ay nasa tabi naglalaro rin ng chess. Pero kadalasan, yung ibang naglalaro ng basketball ay nakikipaglaro din ng chess; habang nagpapahinga sila. Ang kadalasan kong kalaro ng chess dun ay si Mang Nestor; siya ang taong ni minsan di ko nakitang 'sober'. Masaya siyang kajamming sa pagtambay. Si Mang Berto; materialist syang kalaro--pawn, rook, bishop, mas importante sa kanya ang piyesa kesa sa tempo. Si Esoy, yung anak ni Mang Benjie na madalas ding kalaro ni Tito Alan sa paglalaro ng chess; pustahan. Si Raymond; yung masipag mag-aral. Si Anthony; yung magaling sa basketball at magaling pa sa chess--marunong sya ng mga chess opening. Naalala ko rin yung mga gabing nakatambay lang ako sa kalye ng Bagac nagtatanong kung ano na ang buhay ko. 'Ano na nga ba ang buhay ko?' Dun ko rin naranasan na komprontahin ng babae sa tono ng 'balita ko may gusto ka raw sa akin.' Nakakatakot pala. Lalo na't medyo naka-inom na yung girl. Ang bilog na buwan ay may mystical power daw. Naniniwala ako dun. Ang senaryo ng bilog na buwan sa dagat ay madalas kong maalala, hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita ang senaryong yun. Sa di kalayuan may mahabang sand bar/dalampasigan at may light house. The scene looks familiar but I'm not sure if I really saw such scenery in real life. All of these are memories. Ano kaya hindi tayo pinagkalooban ng alaala? Miss ko na rin yung mga gabing madalas ako makitulog kina Deanna sa bahay nila sa Sikatuna. I vividly recall the night when she slept on the sala. I was up until midnight playing jeopardy on her computer. She looks beautiful on her pyjamas. I think the carpet was cozy and comfortable. Something must have happen that night. But I was too dunce to figure out how. Years later, I told her that that was one of the most beautiful scene I've ever seen. 'Bigyan mo ako ng copy pag nasulat mo' sabi niya. I end up sleeping on the sofa. Word count: 608.

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 8

According to Comte, man must be the central subject of the social sciences of/to which I agree with. I contested that history must be the mother of the social sciences not geography. Kung tutuusin kasi tao naman talaga ang pinakasentro ng lahat ng pinagkakaabalahan natin dito sa ibabaw ng mundo. Sa Education; teacher and learner, sa medicine; patient, sa business; clientelle, et cetera. Pagdating sa organization tao pa rin ang pinaka-importanteng element. Experience taught me that people precedes capital, means of production, goods and services, planning and strategies etc. I have never underestimated the importance of people in an organization although it is not solely important by itself. Inaantok na ako. Bukas na lang. Word count: 114

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 8.1

It was raining cats and dogs when I arrived in Manila yesterday. Fortunately, no dead bodies of the animals mentioned were found. This is my first time to write a blog outside our home and I'm paranoid of getting victimized by keylogging programs and other malicious software that can steal the password of my beloved account here in multiply. I've already made 8 chapters so far, and planning to get it on 'till chapter 23 or more. E2 n kc pumalit c journal q. Tnxt ko c dat nung nasa taxi na ako galing buendia--with my t2 kit; I told her: nd2 na me. Shucks ang sabi niya nasa bohol na kc. She gave me the number of the girl who's fated to meet up with a dork like me and that's it. Ang una kong ginawa pagkarating namin ni t2 kit sa bagac ay mag-borwse ng contact ni dat to find out who [is] Jen is. And parang multiple choice there were three person whose name is jen; with some variations and like A, B and C; I said bahala na. Kagagaling ko ngayon sa National Bookstore at ang unang bumungad sa akin ay ang librong pinamagatang: 'How to Read Niezstche' (tama ba spelling ko?) AT NAISIP KO: 'bakit kelangan pa ng libro para kung paano basahin si Niezsche?' Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit naaadik ang mga tao ngayon sa mga self-help books na hindi naman? Masakit ang mata ko dahil sa malakas na electric sa cafe na 'to. Next time ko na lang ipagpapatuloy 'to; pati na rin yung tungkol sa Social Sciences na diniscuss ko sa naunang chapter. Word count: 273. Buti na lang may MS-WOrd 2007 sila d2. Sana walang hacking program na gumagana habang ginagamit ko pc nila.

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 8.2

Sa pangalawang pagkakataon, magpopost uli ako ng blog na gamit ang pc ng bayan ng cafe na ito; Marlone's cafe dito sa isang kalye ng Bagac sa Tondo. For precautionary measure, sinet ko muna yung setting ng options nitong Mozilla Firefox sa automotically delete all private data upon closing the browser with matching check sa check box ng saved password. Chineck ko rin yung 'Never for this site' yung tanong na: 'Do you want this site to remember your password?' Medyo maligalig ang araw ko ngayon dahil sa mga sumusunod na bagay: kelangan kong pumunta ng UP ngayon kaya lang hindi pala nalabhan ni Miriam yung damit ko; kelangan kong ayusin yung data ko sa PBMA kasi nagiging mahigpit na sila sa ID system--balang araw kasi mahihirapan na ang taong makapasok sa kanila; at ang pinakamalala ay paubos na ang pera ko para sa date namin ni Jen kasi bumili ako ng mga libro at ilang komix, bukas pa kasi kami magkikita. There's a sudden shift of priorities nung pumunta ako ng Rizal kahapon. Ano ba ang ipinunta ko dito sa Manila? Ang maghanap ng mapapangasawa? O ayusin yung dapat ayusin sa buhay ko? Gusto ko na talagang ayusin ang buhay ko at sa pagbabalanse ng lahat-lahat totoo nga palang may kelangan tayong isakripisyo. Kung ako masusunod, gusto ko sa TAbaco na lang ako--kaya lang parang may nagsasabi sa akin na may kelangan akong puntahan at kelangan gawin. Hindi yun ang paghahanap ng mapapangasawa basta ang naiintindihan ko lang ngayon I should be here in Manila when it happens. WWIII? Not sure. Ang ilang bagay pang bumabagabag sa akin ay ang mga proyektong maiiwan ko sa Tabaco na kelangan ko na talagang iwan. SAbi sa akin ni dat: why sigh? SAgot ko naman: kesa naman Some of the blessings worth considering right now are the people around you whom you called 'friends'. I'm glad that Erik, JImple and Dat really do put up with this kind of blogging I do. Wala eh. Kelangan daw kasi nating i-remind sarili natin sa pagsasalita once in a while sabi ni Jimple. Ang sabi ko naman, gusto ko ng maramdaman na may ginagawa ako. I've bring down lots of people. Marami na akong na-disappoint. Sana ang ginagawang ito ay isa mga paraan to undo those...you know. Kakatawa yung contestant sa isang beauty pageant na hindi alam ang isasagot dahil hindi siya proficient sa English dahil 17 years old pa lang siya. Malapit na ata ang judgment day, naisip ko psychological yun collectively. Naramdaman nyo bang gusto nyong sumigaw sa loob ng mall, library or any public place ng: 'mahal ko kayong lahat!'? It sounds corny, pero several times ko naramdaman yun. Kung may kabaliktaran ang anxiety attack tsaka paranoia eto na yata yun. Hindi mo alam kung ano ang dahilan pero mararamdaman mong kaya mong mahalin 'sila' na wala namang kinalaman sa iyo bukod sa kanilang pagiging tao. Korni 'no? Nung na-experience ko yun eto lang ang naalala ko; it was an experiential insight of the lines: 'we are all children of GOd', and 'Namaste--I respect the God in you'. Talagang ang korni. Kaya lang pag nainternalize mo yung phrase na 'lahat tayo ay magkakapatid' ganun ang mararamdaman mo, the whole world is a one big family. Tsk tsk tsk. Spiritual cliche. Hindi nyo ba alam na ang behavior ng panaginip natin ay dependent sa immediate behavior natin at ang manifestation nito ay dependent sa ating values at personality. May parallelism kasi ang experience kong ito sa panaginip. Kapag positive yung outlook natin sa buhay, positive din and buhay; wtih exceptions. SA panaginip naman, the more we get scared the scarier the dreams become. I vividly recall one of my dreams kung san napractice ko yung technique na 'lucid dreaming'. May naka-engkwentro raw akong itim na kabalyero. He's charging towards me in a narrow alley where avoiding his attack is impossible. Kadalasan ang nagiging response ay ang A.)tumakbo o B.)lumaban; hindi ko ginawa yun dahil alam kong nananaginip lang ako, bagkus tumayo lang sa kinatatayuan ko at nagtanong ng; 'bakit?' 'ano ang kailangan mo?' Tumigil sya sa kanyang pagsugod at bumaba; sa scene na 'to naramdaman kong alam nyang alam ko kung sino siya at binigay niya sa akin yung espada na black jet ang kulay. Tapos umalis siya sabay paalam na waring nagsasabi ng 'gudluck'. Subukan nyo minsang huwag magpadala sa takot kapag kayo nananaginip at madidiskubre nyo na magbabago ang behavior ng mga monsters sa panaginip nyo. Huwag rin kayong magagalit. It sounds korni pero kapag sinubukan nyong maging compassionate kahit gaano man kalakas o kalaki ang monster sa panaginip nyo nagigi silang maamo at ipapakita nila ang kanilang tunay na anyo. Psychological cliche 'no? Mas masarap 'tong subukan sa totoong buhay at mas challenging. SA technique na ito nadiskubre ko ang ibig sabihin ng linyang: 'Do not resist evil' na nakasulat sa Bible. Ito yung linyang nauna sa katagang: 'kapag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay...' Anyway, hindi ko na iaarticulate pa dito ang bagay na 'to pero subukan nyo lang. Kung hindi nyo kayang mahalin ang iyong kaaway sa totoong buhay kahit sa panaginip na lang muna. Mula sa iskinita ng Sun City at Spawn it will slowly transform into beaufiul sceneries with matching 'Sound of Music'. Word count: 884

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 9

'Sana madagdagan nga ang brain cells ko.' ito ang iniisip ko habang pauwi ng Tabaco galing ng Tiwi drive ang owner jeep ni Mang Ibarra. Pangalawang araw ko na 'to sa driving lesson. Nanlalamig pa rin ang mga kamay ko habang 'dinodominar' ang maneho. 'Dominari ang maneho.' Ani Mang Ibarra. Kagaya ng dati mas maraming inaasikaso ang utak ko kesa sa anuman facilidades meron ako. Clutch bago kambyo. Dapat nakabitiw din sa gasolina. Alalay sa gasolina. Break kung kelangan ng tahasang kontrol sa pagtigil. Pero pwede rin ang clutch. Pwede rin bitawan muna ang gasolina. Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Pagtatantya ng distanya. Masarap ang pakiramdam kapag nag-aaral ng isang bagay na 'alien' sa akin. Kung ang pagbabasa ay 'knowledge acquisition' kadalasan; ang pag-aaral ng pagmamaneho ay 'skill-type'. Kapag nakaupo ka pala sa driver's seat, dito na masusubukan kung saan nagtatapos ang teorya at magsisimula ang aktwal. Madalas akong pagalitan. Old school kasi si Manong. Kilala nya pala yung lolo kong si Andres. Kaya ganun-ganun na lang ako sermonan habang 'pinakikiramdaman' kung ano ang ginagawa ko. 'Mag-isip ka muna bago mo gawin ang dapat mong gawin.' 'Bago mo gawin ang pangalawa, isipin mo muna ang una.' Siya siya Manong, gagawin ko kung ano sinasabi mo. Totoo naman na kelangan ng utak kung pano magpatakbo ng dyip, motor o kahit bisikleta, pero kung may isang bagay na binibigyan ko talaga ng pansin sa driving lesson na 'to ay 'pakikiramdam sa behikulo'. Hindi dapat sapat biswal na tantyahan. Sanay kasi mata ko sa konsepto ng 'perspective', 'foreshortening', 'light and shades' at 'proportion'. Pero kapag nasa manibela ka na, kelangan na ring pakiramdaman ang makina at anumang tunog na nanggagaling sa loob at labas. Gusto ko kaagad makuha ang 'feel' ng pag-drive. Hindi naman kasi purong 'knowledge' ang pagdrive kungdi isang 'skill'. At ang mastery raw ng isang skill ay masusukat kung nagagawa ito ng isang tao na hindi na niya kelangan mag-isip sapagkat kusa niya na lang itong gagawin na walang kahirap-hirap. Mag-isip; oo. Pero hindi sa paggamit ngg utak nakasalalay ang akwisisyon ng isang bagong skill kungdi ang integresyon nito sa instik ng isang tao; yung tipong: 'pakiramdam ko kelangan kong kabigin ng kunti ang manibela sa kaliwa, kelangan kung dahan-dahanin ang pag-release ng clutch; kelangan sagad kaagad ang tapak sa gasolina, primera, segunda, tersera...go!' Ang instinct o di kaya'y emosyon ay mas mabilis kesa sa pag-iisip. Katulad ng sa Martial Arts, sa pagtugtog ng anumang musical instruments, sa pagluluto; hindi kelangang maging puro ang pag-iisip sapagkat ang immediate na response ay hindi naman cerebral kungdi aktwal. Naalala ko yung mga diskusyon ni Robert Pirsig sa Zen and the Art of Motorcycle Maintenance; may pilosopiya sa pag-drive ng motor at pag-aayos nito. Sa driving lesson ganun din. Ang naging date namin ni Jen nung pumunta ako ng maynila ay nakapagbigay sa akin ng insight na kelangan ko ng bigyan ng pansin. Dami niya kasing tanong at kahit mas madami ang tanong ko, nasa sa akin pa rin ang katanungan. Sa mga ideyang nabigyan buhay sa hapunan namin kina Mang Jimmy's bumalik sa akin yung mga konsepto ng 'personal curriculum' na kung tawagin niya ay 'goals'; 'limitations' at 'evolution of self' sa words niyang 'stretch' at ang 'state' na kung tawagin niya ay 'space'. I'm having a hard time to meet her halfway because she spoke some of her words in shifting context from the 'me' to 'you'. I'm not sure if she's aware of it, maybe I was just being particularly philological. She's a bit a didactic, I'm utterly inquisitive and calculating on how she conveys her message. Nothing's emotional. Medyo intellectual but wanting of articulate[ness]. May word bang articulateness? She kept on telling me to met ALts. SAbi ko si Dat. Fresh graduate sya ng LEAP. AKala ko kung ano ng project x sya nagmula. In the end I told her she's the padawan of a Jedi named ALthea Ricardo. Madalas niya kasing sabihin 'kapag nakausap mo si Alts.' Kapag medyo...nag-aala 'House' na naman ako na may tonong Sigmund Freud. Wahahaa. Anyway, [habit ko na ang anyway ha] maganda yung gabi at hindi na kami nakapg-fud trip sa UP kasi akala ko yupinian sya. Hirap pa man din ako mag-adjust kapag may expectation na. Medyo inaantok-antok na sya ng pumalo ang orasan ng alas-nueve. Mapupungay na mga mata. Feel sanang uminom ng beer, kahit isa lang, kaya lang nakapag-order na kami ng coke at siya naman ay inaantok na. Ilang gabi na kasi syang kulang sa tulog. Medyo diffident ako kung ano ang gagawin. Pumunta kami ng McDO at uminom ng kape. Hanep sya, tinutungga ang kape. Habang ako may 'the art of drinking coffee' pang nalalaman. Yung kape syempre binabantuan niya muna. Ano kaya itsura niya kung kumukulong kape tungga? Natapos ang date namin na parang nag-uwi ako ng isang napaka-importanteng homework: 'kelangan ko pang ayusin ang sarili ko'. I must learn how to trust. I must learn the true meaning of compassion. I must mean the words I say; kasi ng sinabi kong nagdi-date kami ngayon kasi nag-post ako ng 'Wanted: gf' sa friendster at wala akong maisagot na matino sa tanong niyang; 'bakit ka naghahanap ng gf?' Shet. NApag-isip isip ko; kelangan ko nga ba? I'm happy for her kasi ramdam kong on the way na siya sa kung san man siya 'gustong pumunta' eh ako, 'pinapakiramdaman pa rin ang ihip ng panahon'. I must work and I must have a job. Full of insights yung date namin. SAbi ko sa kanya; meeting new faces is an adventure mas masaya 'to kesa sa pagbabasa. Dami ko pang kelangan baguhin sa sarili ko. Masaya ako kasi may meron ng librong 'the Da Vinci Code HOax'. Yeah man! Check nyo sa NBS katipunan. Dun ko yun nakita. Siguro sa ibang branch meron na rin. I also bought a graphic novel entitled 'Andong Agimat' na gawa ni Arnold Arre. Saludo ako sa 'yo tol. Nakabili rin ako ng Kubori Kikiam at ang pun/parody nitong Kubori Crash; lahat walang kwenta pero nakakatawa. Rated 18+ pa pala. And Indie sila, astig! Andami ng tao sa manila. SObra. Hindi naman ganun kadami ang tao dun noong naglalakwatsa pa ako; ca early 2000's. By next week pupunta raw sina Jimple at Erik sa Naga para sa Arejola, sana makasama ako. Gusto ko kasing panoorin ang mga epal sa literaturang bikolnon na naniniwalang 'maurag' na sila. Gagawin kong miserable't katawa-tawa buhay nila kung hindi nila matutunan ang magpakumbaba. Word count: 1,074.

Labels:

Friday, March 06, 2009

sex and the art of motorcycle maintenance 10

I was too slow. But I'm thankful; maganda yung essay na ginawa ni Jimple. Ma. Cecil Bazar is gone. Sana nasa mabuting kalagayan sya ngayon. Kahimanawari. Word count: 26.

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 11.a

Sinubukan kong magplurk kanina. First impression ko; mga kaluluwang umaali-aligid sa kalangitan at lahat ay pawang nagsusumamong kahit papaano sila ay mapapakinggan. Kung may isang bagay na ipinapasalamat ko sa teknolohiya natin ay kakayahan ng internet na i-augment ang social life ng isang tao; gaano man ito kasurreal. Word count:48.

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 11.b

Pinalitan ni Tay yung motor oil ng motor. Mataas na ang bakod ni Manalang. Wala pa rin akong trabaho. Hindi ko pa rin alam ang saysay ng Blog Entry na 'to. Ngayong 1:38 am ng gabi, hinihiling ko sa Diyos na sana magkaroon ako ng masaya't masaganang sex life--bago ako tuluyang mag-mission. Totoo lang ako sa sarili ko. Pagdating sa sex sige lang. Pero pagkatapos nito ang unang linyang pumapasok sa kokote 'let's get over this and let's get out of here'. Sex is a need. Kaya nga mahirap maging santo. Isa ito sa mga kelangan isakripisyo. Pasintabi kay Mother Teresa; I'm not sure kung nagkaroon sya ng sexual life bago sya nag-misyon. Jesus Christ; siguradong meron. Kakaiba rin kasi ang temper ni Jesus Christ sa Lost Books of the Bible. Makulit din siya nung bata pa siya at nagkaroon ng insidente na uminit ang kanyang ulo at maraming taong nabulag. Anyway, balik tayo sa sex. May dalawang klaseng sex; yung sex dahil sa lust at yung sex na nangyari dahil making love daw. Bilang isang lalake--siguro ang mga babae ngayon ay ganun din--may dalawang mode talaga ang sex. Nakikipagsex dahil sa libog at nakikipagsex dahil sa kagustuhan na magkaroon ng anak. Mas nakakatakot yung pangalawa dahil sa: responsibilidad at kadalasan hindi ito basta ginagawa kung kani-kanino lang. Lalo na't kung ika'y gusto rin magkaroon ng matinong pamilya. Habang yung casual sex na tinatawag kahit kanino basta pwede at pasado sa pinakamababang rating sa standard natin. Virginity? Uso pa ba yan ngayon? May balak akong mag-asawa pero matagal ko ng sinuko ang kaisipan na dapat ako ang makauna at ako lang para sa aking asawa; year 2008 na kaya ngayon. Ikanga ng isang kaibigan kong babae; 'don't make a big issue out of a small tissue'. Naisip nyo na ba kung ano kaya walang sexual needs ang isang tao? Ang hirap maging santo. Masarap isipin na ginawa ni Abraham Maslowe ang hierarchy of needs para mas maintindihan natin ang pagiging tao kaya lang minsan ito na rin ang nagiging dahilan para i-justify natin ang kasalanan natin. 'NAgbate ako kasi nililibugan ako.' Parang ganun na kung wala ang psychologists o philosopher na katulad niya ay wala na tayong alibi para magkasala. Kapag sinabing bawal ang makipagtalik sa hindi mo naman asawa kapag nilabag mo, kasalanan mo 'to automatic. Wala ng kasi ganire, kasi ganun. Katulad na lang ng same sex marriage sa california (tama ba ako o baka sa Pakistan?). Ginawa nilang legal 'to para mapayagan na nga yun may mga gusto sa bagay na 'to. Tama. Legally correct. Morally...ehem. Isa itong produkto ng katangahan ng matatalinong utak sa ibabaw ng mundo. Ginagawang legal ang isang bagay para hindi kondenahin ng lipunan; kahit moral degradation ang kapalit. Appeal to reasons. Ito ang tinatawag kong appeal to reasons. Kung rational at matalino ka nga naman may punto at may dahilan kung bakit okay na ang isang bagay na dati-rati (at siguro dapat lang) ay hindi tama--dahil pinayagan na ito ng lipunan natin. SAme sex marriage; hindi na 'to bago ngayon pero noon bawal 'to. Ito ang 'everybody's-doing-it-so-why-can't-we syndrome. Inaantok na ako. DAmn. Ang baba na ng moral standards natin. SAna may magawa tayo. Kahit sa sarili lang natin. Muna. Word Count: 541.

Labels:

sex and the art of motorcycle maintenance 11.c

Tapos ko ng basahin yung Age of Faith. The Greek EXperience naman ngayon. Obsessive-compulsive ata ako pagdating sa pagbabasa. Nakapila na kaagad ang Philosophy of Modern Art at pinag-iisipan ko ring basahin ang History of the East. Minsan pakiramdam ko nagchi-chill ako pag alam kong hindi ako aabot sa deadline kung kelan dapat tapos ko na binabasa ko at ang katotohanan na sa ngayon oras talaga ang kelangan ko. Nararamdaman kong ginagawa ko 'to bilang paghahanda. Itinigil ko na rin ang pagtatanong kung para saan ang mga pagbabasa't self-study na ginagawa ko. ANg alam ko lang, dapat matagal ng tapos ang preparasyon na 'to. Kelangan kong bumili ng oras. Hindi ko alam kung kanino. Nararamdam ko rin na kelangan kong i-compile ang mga alam ko para sa mga maiiwan ko. Kelangan kong ipamahagi sa kanina ang nalalaman ko. Sana okay lang sa Kanya. Sana parte ito ng dapat kong gawin at kung hindi man; sana mas makakabuti na rin ginawa ko 'to. Iilan lang na nilalang ang nakakaalam sa mga totoong nangyayari at may iilan ding pilit nilang iniintindi kung bakit nangyayari ang mga ito. Nine years ago tinanong ako ni Ronald kung bakit ko 'to ginagawa, wala akong maisagot. Tinanong din ako ni Cecil kung bakit, ganun din ang aking sagot. Yung kapatid ni Chan na si Tintin, nagtanong din; is it worth it? Ewan ko. Nung kasagsagan ng pagiging 'sensitive' ko, ginagawa ko na lang ang bagay at saka na ako nagtatanong; kadalasan bago pa man ako magtanong may kasagutan na. Katulad ng phone number at pangalan na napanaginipan ko. Katulad ng pag-iba ng ruta at magkakataong may mami-meet ako dun na gusto ko ring makita. Katulad ng librong magbubukas ng aking mata sa bagay na gusto ko palang malaman. Ang kaibahan nga lang ngayon; parang may kulang. Maputi pa rin ang nosyon ko buhay at sa mundo. Parang alapaap. Maganda pa rin. Parang dapithapon. Kelangan ko na yatang magsimba. MAgdasal. Sumpa yata ang magtanong. Word count: 327.

Labels:

sex and the art of motorycle maintenance 12

I call this as the emperor's new essay. Word count: 8

Labels:

Sex and the art of motorcycle maintenance 13

Moymoy palaboy: yan ang bagong salitang natutunan ko kagabi. At...bago kami natulog, I've already made a verdict: Inaantok na ako. Cool sya; kapag pinanood mo ang tatlo hanggang limang videos nila, mauumay ka na. It's not because they get boring but because they are very good in making parody, pillory, at kung anu-ano pang synonyms ng salita na ang ibig sabihin ay inienjoy nila ang kanilang ginagawa while making fun out of the serious things other people have done. It my own words; they cloy the taste buds to the point of making the next dish bland or rather tasteless. Para silang isang libro na minsan nabasa kong may babala sa likod lang ng foreword na hindi advisable na basahin sa isang araw lang o pang-madalian. Para syang daily bread na dapat mong basahin one piece at a time dahil kung hindi aba'y magsasawa ka nga. Suggestion ko; max of 3 lang ang panoorin mo ng you tube nila. 3 x a day visually with audio, not orally. Naks sa neologism. 1.e4 e5(!) Sa mga ginawa nila ang pinakagusto ko ay yung 'volare', 'low' tsaka 'wannabe'. Anyway, it says all. Iba-iba genre. Sa volare, 'ano sa spanish ang bigote' ang linyang pumapasok sa kokote ko. Sa low, LMAO sa beach, sa internet shop, sa...teka lang pre, natatae ako. Sa wannabe, it reminds me of the synergy of feminism tsaka gender crisis issue eclat. Another thing I like about this moymoy palaboy ay yung 'pasaway' effect nila. Kung may x-factor tsaka MTV factor syempre may yourtube factor na ren. I mean they so damn genuine; with some exception of course--kaya lang makikita sa mo dalawang taong ito ay ang aura na ang kadalasang nagiging response ay: 'langyang walang magawa sa buhay talaga oh.' It's cool. Wahahahaa...homemade MTV lip sync with props and all, the best yung casting: yung tita nila sa background tsaka yung sister nilang bagong ligo. Hmm...walis tambo, foley at syempre sino bang gamer at net adik ang hindi makakapag-relate sa mga friends sa internet shop na napagkasunduang sumayaw na anything-goes sa saliw ng musikang 'low'. Kala nyo kayo marunong gumamit ng payong tsaka maglaro ng rubik cube? LOL x 33,000. Greedisgood 9999999. The rhythms and timing pare, shet. It really turn me on na parang ilaw. Hindi ko alam kung ano na naman ang ipapangalan ng mainstream media sa pinagagawa ng moymoy palaboy na 'to, but one thing is sure, fuck my cliche--nakuha nila ang kiliti ng mga pinoy. At mga banyagang hindi pinoy. At syempre anjan na rin yung sinong TV station ang kukuha sa kanila. AT meron na nga. AT ang panget sa mga TV stations natin, if your working for one TV station don't expect na mafi-feature ka sa kabila even if you are worth the scoop. Na feature ba sila? Hmm...but hemingways, the old man in the sea is with Annabel Lee, moymoy palaboy will shine and will burn out, and it will be fast. Yung isang bagay na nagpapasikat is the same thing that will make people get tired soon. Unless may maiisip isang baong gimik na kukuha ulit ng atensyon ng tao. Teka, teka, teka; bakit ko ba sila sinusulat ngayon? Kagabi ko pa lang na-encounter videos nila ah. Hindi kaya ganito talaga ang epekto sa akin? Hindi kaya...apektado lang ako? Hindi kaya sa appeal ng salitang moymoy palaboy ako na-engganyong magsulat ulet dito sa blog ko? Actually dapat ang topic ko ngayon ay yung guilty pleasure na nararamdaman ko because of the blessings I have. I want to talk about philosophy of everyday life--yung tipong springboard ko ang daily routine to make a point to the world that...that...that something is out there. Puchang moymoy palaboy yan apektado pati sensibilities ko. Habang sinusulat ko 'to, it's exactly 11:28 am sa relo namin at medyo sunog na yung niluto ko dahil ayaw kong naiistorbo. I want to talk about how video kill the radio stars and how internet kill the video stars. Yung installation art sa Daet na pinag-usapan namin ni troy ay inatake ko kaagad ng; kung ang painting at sculpture nga ay mahirap gamitin bilang komunikasyon, installation art pa kaya. AT sa hirap ng buhay ngayon, sa elitistang dating ng sining--mapa literatura at fine arts, mahirap ng makipag-commune at communicate sa karaniwang tao. Saan ka tatakbo? Seryoso. Ang isa pang problema sa sining natin ay yung unintelligibility ng mga sining natin na kung saan minimal din ang dating sa affective na level. Kung meron man absurd at obscure, trying hard na mysterious effect pak shet. Ilan ba sa mga alagad ng sining natin ngayon ang nakapag-isip na kelangang dalhin sa mga tao ang sining, hindi yung tao ang dapat umakyat kung saan mang level andun ang sining na 'to. Oo na. Mas mataas ang aesthetic needs kesa sa basic needs natin ikanga ni Abraham Maslowe, kung kaya't, dapat lang; huwag na nating palakihin ang agwat ng masa sa mga alagad ng sining. Napanood ko minsan yung tungkol sa paglalagay ng tula sa LRT sa TV at may nabanggit si Rio Alma na ang pinoy ay walang kaluluwa; siguro totoo nga dahil ang literatura ay nakakapagsilbing batayan kung paano tayo gumagawa ng desisyon. AT higit sa lahat dito natin nahuhubog ang isang importanteng bahagi ng ating sarili; ang ating value system o values. Minsan ko ng nasabi na hindi na ganun katalino ang mga artists natin ngayon pero hindi ito dahilan para hindi na sumubok pa. Ang karamihan rin ng mga tao ay hindi na rin ganun ka-'buti' pero hindi ibig sabihin na wala ng pagkakataon na magpaka-buti. Art is a very good medium to educate people. Education is different from learning. Education is not pedantry. Education is my course. Habang patapos na ang essay na 'to na walang kasiguruhan ang saysay, nakikipag-bolahan na naman si Edu sa mga players ng Game ka na ba. Word count: 977. Kelangan ko pa ng 23 words para mameet yung quota kong 1,000. Ano pa ba? 'kasi na-meet ko dun yung husband ko' sabi ng isang contestant. 'kasi dati yung dream kong makapg-trabaho sa bangko..' 'Ah meron rin ho kaming tindahan.' 'Well, I wish you luck' sabi ni Edu. Natanong nyo na ba sa sarili nyo na: 'kaya ko kayang ikwento ang buhay ko sa wowowee o kahit maliit na detaltye sa game ka na ba? In return, bibigyan ka ng kung magkano man ang mapapanalunan mo.' Ako? Hindi. Baket? Ano ako feeling close? Wahahaa...1.071 words. Finally.

Labels:

Sex and the art of motorcycle maintenance 14

Between Love and Respect; which would you choose? I choose the former. The polemics of these words is more than philology and exact meaning of its semantics, more often it is how we view such values. I don't consider them as mere concepts for it was the first mistake of the philosophers to make such and the like as 'ideas'. I respect Plato but I do not Love him. In the book of Machiavelli it was said that a ruler is better off respected and feared than loved by his subjects. To a General or to any leader who is oriented and geared towards honor and victory; respect is essential. Sun Tzu's Art of War makes respect as a psychological component that provides good morale to the soldiers and brings apprehension to the enemy, if it may not stir fear to his soldiers. Respect is a powerful word. It polishes dignity. It asserts self worth. It draws the line of 'when' and 'when not to.' It is the invisible sign 'keep off the grass' on someone else's lawn. It does not bend nor deign to anything less that will jeopardize one's reputation and sometimes character. But most of all, it must be earned and this is where I choose Love over Respect. That's the truth about respect. Love on the other hand, is best given than earned. It entails sacrifice. Unlike respect which requires fortitude, Love can be experienced when one learns how to be weak. It is an open door (--according to John Denver) not a sign 'no trespassing, trespassers’ will be shot'. It asserts self-worth not by itself but by sharing it to others. It has nothing to do with reputation but more with character. Love must precede anything in a relationship. I remember my Dad telling Darryn, the husband of my sister Den, that he's not asking him to love Den but at least respect her. Very nice, I said. It makes sense. At least rationally. One will be respected without being loved. But I don't like it. Respect alone will not make anyone in relationship happy. Sometimes it even sets the two people apart. Annulment is worth p160,000. nowadays; and rich people will pay for it if it means keeping their 'personal space' and peace for themselves. I don't know, but one of the reasons why people divorced is not the absence of respect but the absence of love. 'I could no longer put up with him and I want a divorce. I hope he could respect my decision just as I respect his ideas on how to live his life.' I am one of those who still consider marriage sacred. The give and take and the mutualism in marriage must be made out of love of/with each other not because of a compelling force called respect. Let's try this; I (love, respect) my cat. I (love, respect) my Mom. If you choose 'love' I think you're just fine. If you choose respect; well, can't you hear in your inner ear that the statement requires '...because of....'? Respect and love is different because the former requires explanation while the latter does not. If you say 'I respect my cat' or 'I respect my Mom' your mind will tell you automatically, like fill-in-the-blank short quiz, 'because of what?' You may answer it with: 'I respect my cat because he is ferocious as a tiger' or 'I respect my Mom because she knows when to shut up when making my point.' Very rational, isn't it? While if you say 'I love my cat' and someone asks you 'why?'. Your answer doesn't have to appeal to his or your reason; 'because my cat sleeps 16 hours a day' or a simple shrug will do. We often respect other people because of their good traits and qualities; and people respect us just the same as the way how respect is ought to be earned. Sometimes we respect others, even if they're not worth it, for reasons that makes us feel better--and for reasons that they will respect us by doing so. Love, the more irrational of the two words I'm talking about is simpler yet more difficult. If you love someone no explanation is needed. You just keep on loving that person with all his/her flaws and strengths. Without conditions and returns. The cliche unrequited love and unconditional love is redundant. Love may not be requited and conditional at all times, but it was meant to be so. Have you ever thought how GOD loves us? He doesn't need to explain Himself. Yet, most of us tend to go and search for explanations why GOD loves us. How can we prove His love? If GOD loves me, why did this thing happened to me? I tell you, this is one of the philosophical traps that make people confused. Just look around you man, there are lots of things to thank about--and for me that would be enough. Isn't it funny? It makes sense that 'kung ang mga hayop at halaman nga ay di niya pinapabayaan, tayo pa kaya na nilalang niya bilang pinakamataas na uri.' Between Love and Respect, I choose Love--Respect if often brought because of fear. And the opposite of Love is not hate but fear. Kahimanawari. Word count: 882.

Labels:

Sex and the art of motorcycle maintenance 16

Binura ko ang part 15 ng Sex and the art of motorcycle maintenance sa kadahilanang hindi siguro napagtanto ng nagcomment na spring board ko lang ang insidente--kung saan muli kong na-encounter ang isa sa pinakamahirap talakayin na asignatura sa mundo ng akademya; aesthetics--para sa topic na idi-discuss ko: art. Anyway, who needs the critiquing? May mga tanong kasing sumusulpot na lang kung saan-saan at kadalasan mahirap ito bigyan ng kasagutan; kung hindi naman mahirap hanapan ng saysay. Ang katanungan na 'what is art' ay hindi biro unless ikaw ay nagbibiro. Kung kaya't kapag nagtanong ka ng 'what is art' may mga criteria tayong dapat maabot at dapat i-consider. Ang pinakauna siguro ay: context. Sa kaninong pananaw ba nagsisimula ang asersyon na art nga ang isang bagay. Pangalawa; ang pagkakaiba ng art sa craft. Saan nagsisimula ang pagiging sining ng isang ratan basket at kelan ito nagiging isang craft lamang. Pangatlo: sa anong condition ba nagiging art ang isang art? Basically, hatiin na lang natin sa apat na estado ang sining; as an object, as a process, as a skill and as an experience. Although meron pang magsasabi na art as an expression, art for art's sake or art as a function, papasok na ang isyung ito sa pang-apat: art either as a means or as an end. Nagiging means siya kapag ginagamit ang art para magcommunicate--kadalasan. At nagiging end siya kapag ang intensyon ng maylikha ay 'working as an end to itself'; parang pagtitimpla ng kape. Panglima; klasipikasyon ng art in lieu with the human faculties. Sabi nila ang isa sa mga purpose ng art kung bakit ito nagiging art ay ini-enhance nito ang sense experience ng isang tao. Halimbawa; culinary arts or music. Ang sining ng pagluluto ay isa lang naman ang patutunguhan: ang pasarapin at pagandahin ang niluto. Habang ang musika ay ang makapag-ensue ng emosyon gamit ang pandinig. Bukod sa five senses ng tao, ang rationality, emotion, value system, perspective at judgment ay naaapektuhan din--ng art; not to mention body kinesthetics. Pang-anim; ang isa sa pinakamahirap talakayin sa art ay ang universality at relativity nito. May mga bagay at konsepto kasing saklaw ng art na nagsasabing kahit saang panig ng mundo mo 'to dalhin masasabing ito nga ay maganda. Halimbawa: argumento ng art of living, ethics, kung ano maganda o mabuti dito ay ganun din sa africa, south america o kahit antartica; sa tabaco, naga o daraga. No argument; basta maganda sya. Ang relativity naman ay masasabing 'equivocation' o di kaya'y duplicity ng ng isang art kung may nakakapagsabing maganda 'to at hindi. Eto na ang pinaka-cliche ng art; beauty is in the eye of the beholder. Pakshet. But true. Pampito; art is different from the arts. Period. Pang-walo; definition ng art relative sa history. Sa anong period mo ba dini-define ang art? Hellenic, Medieval o Modern. May mga bagay na art ngayon pero dati ay hindi. Pang-siyam; social concensus defining art. Given. Meron ba? Kung meron definition ng art na nabuo dahil sa unsaid social contract meron din namang art na cult-like; kahit ang karamihan ay tutol sa pagiging art nito. And this is perhaps the worst definition; 'kung ang Guernica ay art pwes kaya ko ring gumawa nyan sa loob ng tatlong oras.' Ang galing. Huwag na tayong magtanong kung bakit may 'poverty of the arts'. Isipin nyo na lang ang attitude na ganito. Pang-sampu; experiential o practical at theoretical definition ng art. Pang-labing isa; the fine line between science and art, i.e. Military Science, Martial Arts. Hindi ko na 'to ipapaliwanag, common sense na lang kung sakaling napunta ka sa bukstore at may nakita kang libro. Art of Cooking tsaka Science of Cooking. Alam mong magkaiba ang dalawang ito. Sa totoo lang kung bakit ko 'to nagawa wala sa oras ay dahil sa isang katanungan; 'who needs the critiquing anyway?' Eto lang ang maisasagot ko; 'I need critiquing.' Because I want to improve myself. Kung ayaw nyong i-criticize, pwes sabihin nyo lang para hindi na kayo maabala sa posibilidad na pwede pang mag-improve. Ignorance is bliss anyway. Fucked up by 701 words.

Labels:

Sex and the art of motorcycle maintenance 17

Bukod sa degradation ng morals at aesthetic sense ng mga tao ngayon, ang isa pa sa pinakadahilan kung bakit tayo nagkandabobo na ay ang decay ng sensibility. Some people just could not read between the lines and it's frustrating to think that some of them are into the arts. They often misread what's explicit and they usual interchange it with what is implied. In pscyhology, the reason why we find ruins, old houses and buildings, deserted towns, even abandoned objects such old radios, kettles, chairs and chandeliers, etc. fascinating is because of what is called 'fascination of decay.' Kaya nga may mga website such as rotten.com/ tsaka may mga gothic novel. Paano kaya kung hindi material object ang fascination ng decay na 'to but fascination of decay of something else like intelligence and the like, morals...etc. Kaya nga ako natutuwa na i-discuss ang mga bagay-bagay na 'to because I encountered considerable subjects that fits the 'fascination of decay' psychology; first hand. Yung tipong pwede kong simulan sa archetypal na innuendo si Mr.X blah blah. Lately, I discovered that I don't have to take these 'subjects' seriously if I want to have fun with 'them'. What's the use of satire? And, some jokes were not meant to make us laugh but to make us think. The problem is, may problema na tayo sa thinking kaya mabilis pa sa alas-kuwatro sasabihin na nilang; 'korni' or any one-liner na pwedeng ikabobo ng mga nais mag-isip. Ang linyang 'bibigyan kita ng magandang laban' sa anime na Poltergeist Files na mas kilala bilang Ghost Fighter ay isang linyang hindi ko makalimutan dahil walang kwenta ang laban kung hindi maganda makipaglaban ang kalaban mo. Ikanga ng isang philosphical eclat na nakalimutan ko kung ano ang pangalan; 'No great victory is achieved against an unworthy opponent'. That's why I'm trying to become more vague each day even at the expense of the insolent thinkers. Give me the names of the intellectuals in Tabaco and let me have a cup of coffee with them/him and I'll tell you kung kape nga talaga ang ininom namin. Beatnik. I'm grateful that Jimple named the state I refuse to name kahit na matagal ko na syang ginagawa. I have to be careful though in mentioning names here from now on, from the day I wrote part 15. Wala eh. Minsan kasi nasa harapan mo lang ang ayaw mo sa mundo. In your face. I have to learn from that. I have to learn from my past. Marami na akong na-encounter ba't di pa ako magkandatuto? Hahahaa--nirerelish ko pa kasi ang ka--beep-- nila. Fascination of decay. Pangit sa dila kung sasabihin kong 'katangahan' o 'kabobobohan' ito. It is. May naisip na ako; bobo ergo! Kawawang Rene Descartes, dahil sa kanila nawawalan na ng saysay ang kontribusyon ng mga intelekwal sa ating mundo. Ano kaya magtrabaho na lang ako sa Wowowee? O di kaya'y mag-artista? O kaya'y pumasok sa pulitika? Kung may isang bokasyon na kelan man hindi ko pagkakaitan ng respeto ay ang mga taong abala sa kanilang 'Spiritual pursuit.' Pangalawa ang genuine na humanitarian works. Not necessarily the UN. Lolz. Things that are detrimental to what is supposedly good is widespread. So, normal lang na hindi mo na kelangan pumunta sa malayo para mahanap 'to. =) Word count without the smiley: 546.

Labels:

Sex and the art of motorcycle maintenance 17.e

After Zeitgeist, pinanood ko rin ang documentary na 'Ring of Power'. Meron syang 10 episodes at 29 parts, at ang tag nya sa youtube ay 'Secret Rulers of the World'. May run time sya na halos 290 mins. 4.5/5 all in all sya para sa akin. Eto ang pinagkaka-abalahan ko nitong nakaraang araw. Isang vez lang ako nagdriving lesson this week dahil palaging puyat. The only thing that made me go out of the house was when I played d0ta and when we were invited by Chad for a lunch; I was thankful everyone in ABKAT came except for Omar and Jak. Nakakapagod panoorin ang documentary at nangangailangan ito ng matatag na paniniwala sa taong manonood nito; bukod dito dapat bukas rin ang iyonh isipan sapagkat ikaw rin ang huhusga kung totoo nga ang mga ito o hindi. Minsan naisulat ko na may halong kapangahasan na kapag nakakuha ako ng ebidensya sa link ng Vatican at Nazi ay ipopost ko sya dito.Hindi na kailangan. Tinalakay din sya sa documentary na 'to. Keyword: concordat of Vatican. At kahit na ang pagtakas ng mga Nazi officers sa South AMerica ay kagagawan rin ng Vatican. Ang kanilang Military Strategy ay makikita sa halos 400,000 na desaparicidong naitala sa Chile, Peru, Mexico, Brazil at iba pang bansa sa South America pagkatapos ng WWII. Minsan napapaisip ako; di kaya may mga Nazi rin din sa Pinas dahil noong panahon ni Marcos ay nauso rin ang mga pagdukot at pagtorture? Na ginawa rin PGMA through Palparan? Anyway, sabi sa documentary na 'to sa year 2012 daw ang WWIII. Sa loob-loob ko lang, di yata't nagmamadali sila dahil sa kalkulasyon ko 2016 pa ang WWIII isang taon pagkatapos ideklarang hari si Prince William at isang taon pagkatapos mag-expire ang PBMA reg sa SEC--kung saan di pa sigurado kung magrerenew kami o hindi. Haayz...sa ngayon mahirap tantyahin kung alin at aling bahagi ng documentray na 'to ang hindi totoo. Pero sa palagay ko ang mga preparasyon at paghahanda na pinapagawa sa amin sa PBMA ay nagtutugma sa ilang prediksyon ng dokyung ito. Katulad ng; radiation ng Nuclear Bomb at depleted Uranium, drought, genocide, food shortage at crisis, at iba pa. Ang hindi ko lang nakita ay ang meteor na pwedeng tumama sa Earth at ang pagkaubos ng langis sa mundo. Darating ang araw na magiging superpower ang Pinas. Heheee; truth is stranger than fiction. Nandito raw kasi sa Pinas ang pinakamalaking reserve ng deuterium. Ewan ko; hindi pa yata nila nafo-foresee but we were told to prepare. Minsan ng nabasa ko sa isang divine formula kung saan ang nakasulat ay 'Detecting Earthquake' ay wala pa akong ideya kung bakit. Nang talakayin sa documentary ang mga 'weapon of mass destruction' naintidihan ko na. Meron na palang naimbentong apparatus na pwedeng gumawa ng artificial na earthquake. Sabi ni Master, darating ang araw na mawawalan daw ng bisa ang mga gamot na gawa ng tao, walang ibang makakain ang mga tao kungdi root crops, ang mga electronic equipments ay di na rin gagana; noon pa man tinatanong ko na kung 'papaano?' Hindi ko pa man nabasa ang Guidance Series kung saan sinabi nya 'Go read the Bible and research' ay nagri-research na ako. Nakakapangilabot palang isipin na ang dahilan kung bakit ka tinuturuan ng iyong Master ay totoong mangyayari ang mga tinuro niya at kelangan mo pang mag-aral ng mabuti para ikaw mismo ang maka-diskubre nito--at ika'y makapaghanda. Walang koneksyon ang gumawa ng 'Ring of Power' sa PBMA ngunit bakit ang karamihan sa tinatalakay sa videong ito ay matagal ng alam ng aming Master? At matagal na kaming pinaghahanda...kami, tayo na ang bahalang makadiskubre. Pero sana hindi pa huli ang lahat kapag nadiskubre na natin ang totoo. Syanga pala bago pa nagkaroon ng SARS, tinuro na sa amin ang divine words na gagamitin bago pa pumutok ang balita tungkol dito. Peace man. Word count: 643.

Labels:

Sex and the art of motorcycle maintenance 18

This is an apology to those who found 15, 16 & 17 offensive if not annoying. I may sound theoretical and speculative most of the times, but all of these are based from my experiences and discoveries.

Labels:

Sex and the art of motorcycle maintenance 19

Just think of it as surrealism applied to one's life; or perhaps existentialism in one's attitude; or perennialism in preparing a coffee; or minimalism in one's habit. Wala akong maisip ngayon na isulat dito maliban sa pakiramdam na; I'm bored philosophizing. Ano kaya kung ipractice na ang mga -ism -ism na ito? Wala na ang hang-over ko sa zeit geist kaya binababad ko na naman ang aking sarili sa konsepto ng Generation X na ating kinabibilangan ngayon; those who were born between 1965-1980 (that's give & take). Reliquinshing one's individuality can be worse than death and what's make truth stranger than fiction is because of its accuracy. The potency of some words becomes impotent if the intention becomes obvious. If faith and religion is subjective then what makes the concept of salvation absolute? Faith must not be confined to dogmatism; one must experience it and act into it. Some chess grandmasters found their best insights from the amateurs. There are countless philosophical fallacies that made us like this. That made our system like this. Freewill--choices, is it a blessing or is it a curse? Most of us are afraid of philosohy and questions like these--why? Because most of us are afraid to confront themselves. Word count: does it matters?

Labels:

Sex and the art of motorcycle maintenance 20

It's how we gracefully turn the next page of our lives that makes our live beautiful--according to Carl Jung; and this is how I rephrased it. Yesterday, perhaps the worst quarrel with my sister Gie happened; days before that my score/rating in chess went down to 1400+ from 1500+ and last Friday, I nearly smashed someone's head with a bottle of sparkle while playing dota; all because of one simple word: temper. Simple. Because it was never more defined than these incidents. Maybe it's because I'm getting old that I was able to look and see the bigger picture, differently, of me getting mad. I am now more willing to act on anything that will prove my point and on what made me mad. I used to have hesitation on this, but recently it was different. I was willing to get into trouble of breaking someone's neck even if he's bigger than I am. Maybe I got tired of venting my anger in my usual mechanism; why speak when action injures louder than words? But amidst these self-examination one thing popped up why I was all of sudden so sincere of making my point--even if I'm not sure I'm wrong--was self-respect. Never had I have this kind of feeling of asserting my 'manhood' to any situation that requires it. Pagka-lalake; hindi ko alam na darating ako sa punto ng buhay ko na seseryosohin ko ang salitang ito na dati-rati'y binabalewala ko lang dahil salita ito ng mga archetypal na macho at 'lalake' sa lipunan natin. Karamihan ng maling desisyon na nagawa ko ay sa pagpapabaya ko sa elementong ito. Tama na siguro ang 29 taong pagiging Loki-archetype at reluctant na Ryu-esque model. Bukod dito, napagtanto ko rin ang limitasyon ng 'pasaway' at 'pabuaya' factor. Na hindi lahat ng oras kelangan kong itiwala ang sarili sa sitwasyon. Kadalasan, lalo na sa mga taong hindi dapat pagkatiwalaan, hindi pala dapat pabayaan ang sarili na 'defenseless' sa anumang sitwasyon. Don't give them reasons to harm you or take advantage of you. Hindi lahat ng tao ay kaibigan. Hindi lahat ng tao ay mabuti. Kelangan ko na sigurong tapusin--kung hindi man ibalanse ang 'yang' sa 'ying' ng persona ko. Tama nga siguro ang teorya ni Jung na darating at darating sa buhay ng tao na magbabago ang ugali nito depende sa oryentasyon niya. Kung macho't may pagka-brusko ang tao habang bata pa ito, kapag tumanda ito'y magiging compassionate at magiging mapag-aruga katulad ng isang ina o ng isang babae; mananatili pa rin ang nakagisnan o nasimulan nitong ugali pero ito'y nasa likod na lamang. Shifting ang tawag ko dito. From the feminine to masculine, from masculine to feminine--pero hindi 'to 100% takeover. Mayroong isang uri ng kahoy na sobrang tagal umusbong pero kapag tumubo naman ay sobrang laki. May mga taong ganun. Word count: 473.

Labels:

Sex and the art of motorcycle maintenance 20.b

It's a blessing in disguise, I think. The quarrel I had with my youngest sister. If not for that incident I wouldn't be sending my resume online to look for a job. I want to get out of here. All of sudden this house seems like what I anticipated when tsunami supposedly hit Tabaco City days after Reming; a mere remnant of what give me comfort. Napagtanto ko na kelangan ko ng maging independent, hindi sa magulang ko--dahil given na yun, kungdi sa seguridad ng apat na sulok ng kuwarto ko kung saan ang mga libro ko nandun. IT all turns out to be a false sense of security. Eh ano ngayon kung matalino't mahilig kang magbasa? Ang kinakain ko sa araw-araw, ang tubig na ginagamit, ang kuryente--ang lahat ng tinatamasa ko ngayon ay hindi dahil mahilig akong magbasa kungdi dahil sa paghahanap-buhay ng aking mga magulang; parang lintik na tumama sa akin na 'oo nga no? hindi habang buhay palagi akong ganito.' Ang away magkapatid na naganap kahapon ay nagmulat sa akin na kung gusto kong lumayas para patunayan ang aking punto eh natural kelangan kong magtrabaho. Bukod pa dito, mainam na rin sa susunod na ako'y kakain galing sa bulsa ko ang aking gagastusin. At syempre, para walang maisumbat ang ibang tao. Ayoko mang isipin pero eto ang totoo; ang mga taong kinamumuhian ko dahil sa pagiging kondisyonal nila sa kanilang pagmamahal ay nandito lang pala sa bahay namin. Gusto ko sanang sabihin ng harap-harapan sa aking ina kahapon na: 'alam mo bang mabait lang sila pag may kelangan sa iyo? Tingnan natin kung magkasakit ka't hindi na makapagtrabaho kung ganun pa rin ang trato niya sa iyo.' It happened already to one of our neighbors. Seeing the patterns; hindi malayong mangyari. Ayoko mang humusga, pero sa araw-araw na ginawa ng mahal na Diyos di ko alam kung bakit ang 'hypocrite' na kinasusuyaan ko ay nandito lang sa loob ng bahay namin. For the love of God! Hindi naman sila pinalaki ng ganun. This is also the awful truth about respect. Kapag may mga achievements ako they seem very proud to claim me as their brother pero kapag nakatunganga lang ako sa harap ng pc magdamag o di kaya'y nasa loob ng kuwarto, pustahan tayo they are like bunch of groupies na pinabayaan ng kanilang iniidolong banda. And what the fuck! I'm whining again. I hate it when I whine. Anyway, I already made a resolution and GOD forgive me if that time comes. SA pag-aapply na ginawa ko kanina narealize ko na tatlong category lang ang pwede kong aplayan: graphic arts, creative writing and teaching--at kung anumang related sa tatlong 'to. Narealize ko ang importansya ng blogging. Nilagay ko kasi sa isa sa mga letter ko na pwede nilang tingnan ang mga gawa ko sa ganito't ganireng website. Although hilaw at hindi pa kumpleto, at least meron. Port folio, port folio, port folio; hanggang ngayon wala pa rin. Sa teaching naman LET na lang kulang pasado na ako sa civil service. So far, yan lang ang baraha ko sa paghahanap ng trabaho. I really want to get out of here. Word count: 526. + 473 sa previous blog = 999. Ay kulang. Ano bang isang salita na pwedeng ihabol dito? Send your answer here by clicking 'comment' then 'save & publish'. Winners will receive a copy of 'Sex and the art of motorcycle maintenance' in paperback and a cup of coffee.

Labels:

Sex and the art of motorcycle maintenance 21

Hindi pa man din kumpleto ang huling tatlong kabanata ng essay series na 'to binabagabag na kaagad ako ng katanungang: 'Ano kayang magandang pamagat ng sequel?' Leche na kung leche, pero hindi dapat ganito ang laman ng part 21. Ang net cafe na pinasukan ko nitong Nov.11--parang Sept.11--ay auto shut down pala kapag na-consume mo na yung oras na binayaran mo sa may counter. The usual business-oriented creature of this world, pera ang tingin nila sa kapwa nila. I was mad of course, kung hindi ko lang naisip na dayo ako sa lugar na yun ng Pilar, Manuguit Tondo M.M., aba'y maghahalo ang balat sa tinalupan. Ala eh, akalain mo ba namang imbes na magpasintabi'y ang tanong eh; na-save mo ba? Hello? Okay ka lang? May alt+s ba ang multiply? Pasintabi sa pa-girl epek ko dine. Pero masakit sa isang manunulat na pagkatapos ng isang oras na walang humpay na pinaghalong pagsusulat at pag-iisip; pag-eemote sa harap ng pc, bigla na lang maghahalong parang bula ang mga sinulat mo. No one can step on the same river twice. Lalo na't pinag-eeksperimentohan ko pa rin ang 'sumiye' sa pagsusulat. Salamat kay Jim, sabi niya beatnik; parang ganun na nga pero mas 'sumiye' pa rin ang ibig kong sabihin at gawin. Kung hindi siguro nangyari ang insidente ng pagkawala na sinulat ko nung pagpaManila ko last week ganito sana ang laman nito: dalawang tao ang hinahangaan ko ngayon; si Josh Leming at si Michael Moore. Blah blah..etc. Incarnation si Josh Leming ng mga musikerong orihinal at matapang na ipinaglalaban kung ano ba ang maganda dahil maganda ito hindi dahil ito ang 'in' ngayon. Sabi niya ang American Idol ay isang glorified karaoke, where they put pretty faces with pretty voices and let them sing songs they never created. Implicitly, commercialization of the arts--saludo ako sa kanya sapagkat boses sya ng mga totoong artists ngayon. Hindi sya nanalo. Hindi sya nakapasok sa top 24, pero mayroon na syang record contract. Sya ang pinakamagandang statement na hindi kelangang manalo sa isang kompetisyon para patunayang mas magaling sa iba. He refused to pander to likes of the show. He refused to kiss their asses. Sana magkaroon din ng ganito sa Pinas yung tipong who can fuck the system and get/be loved by fans at the same time. Yung tipong hindi niya kelangang i-associate ang kanyang sarili sa malalaking istasyon at kumpanya para magkaroon ng album na tatangkilikin ng mga tao. Alam naman nating pinipilit lang sa atin ng mga kumpanyang ito ang junk food na 'to kasi wala taung mapag-piliang iba; kasi kung meron man--underground sila at indie. Eto. Eto ang isa sa mga dahilan sa poverty of the arts natin. Hep hep? Buray. Parrot. Anyway, speaking of Michael Moore, farenheit 9/11 at sicko will give you an idea. You don't have to be into zeit geist para iaprreciate siya but the boy has a point. 9/11 is perhaps the greatest show on earth. From the executive producers to the gaffers and post-production units, da best. Pero mas kahanga-hanga ito dahil walang take 2, no doubles, totoo ang special effects, super laki ng stage, at ang buong mundo ang nanood ng ito ay nangyari--at ang mga actors at extras, it was real emotion...tears and blood. Maraming nagki-criticize kay Michael Moore, pero yung nangyaring live interview(?) sa kanya ng CNN ay parang eksena sa pelikulang Bulworth. Da best sya man, ba't di nyo sabihin sa mga manonood ang totoo? Sabi niya sa host. Kasi taliwas sa interes ng istasyon na 'to ang totoong balita kung ba't hindi nyo sya pinapalabas. Hehee...siguradong spam na ang death threat kay Michael Moore. Dito sa Tabaco, may mga sentimientong katulad ng kay Josh Leming at kay Michael Moore, kahit nung mga araw na hindi pa sila natin naririnig sa TV at internet. Sa Manila sigurado akong meron din, sa Cebu, sa Davao, sa Luzon, sa Visayas at sa Mindanao, saan mang sulok ng mundo--shet, parang jingle ng Wowowee. Basta hindi tayo, kami, ako nag-iisa. Artists of the world unite! We've got nothing to lose except our claims! I'm happy that amidst the deterioration of what's good in our world meron pa ring nakikipaglaban. Sa mga katulad namin naghahanda at unti-unting gumagawa ang mga dapat gawin, sige lang kapatid. Hangga't may taong katulad nating hindi pumapayag na lamunin na lang ng bulok ng sistema mapa-sining man o pulitika, relihiyon man o media, mayroon pa ring saysay ang hangad sa pagbabago. Word count: hindi ko alam, walang Microsoft office dito kina Chucks. Let's make a difference.

Labels: